Kabanata 26

218 8 1
                                    

Kabanata 26

"Chary! Isa! We're late already! Ano pa ba ang gusto mong gawin?!" I shouted because of irritation.

Kanina pa kami dapat aalis but Chary is so nakakairita. Kanina pa ito nakaupo sa sofa ng bahay at nakangisi. Nasa likod pa ng ulo niya ang parehong kamay at nakatingin sa akin na nakahalukipkip na sa harapan niya.

"Don't get too excited, E. Halata ka masyado," ani nito.

"Because I'm excited, Chary! Ayaw kong ma-late ngayon!"

"'Wag ako. The party is at two in the afternoon. It's only eight in the morning. We can still stretch before the long hours drive."

"Where is he?" Sulpot ni Tobias. He emerged from the door. Galing ito sa labas. Ang isang kamay ay nasa bulsa ng suot nitong beige khaki pants at ang isa naman ay nilalaro ang susi ng sasakyan.

"Kausapin mo nga 'tong gago na 'to!" naiirita kong sabi at tinuro si Chary na nasa sofa.

Tobias' grinned and his eyes fell to Chary. Naningkit ang mga mata ng kapatid ko. "Bakit ka na naman nagpapaka gago?"

I smirked. Chary also did. "Just waiting for the right time."

"Right time for what?" sambit ko.

Itong batang 'to! Kanina pa ako nito iniinis! Akalain mong nagtagal sa banyo at sa loob ng walk in closet niya para lang hindi kami makaalis agad. At ngayon, pinapatagal niya rin ang alis namin dahil nakaupo pa rin ito sa sofa.

Tobias extended his hand to me, signaling me to stop talking.

"Ano ba ang hinihintay mo? This day is for E, Esteban Zachary. Please cooperate."

"Just wait. Darating na rin 'yong hinihintay ko," ulit pa nito.

I groaned loudly. "You know what?" I looked at Toby. "We can just leave him. He can drive. Magmakaawa muna siya kay mama at papa na payagan mag-drive at hiramin ang kotse rito sa garahe. Sinasayang niya ang oras ko!" I exclaimed.

"Ano ba ang hinihintay mo, Zachary? If it is reasonable enough then, I think, we can wait for it. And if it's not, then―"

Tobias was cut in because of the ringing of the doorbell. Mabilis na tumayo si Chary at lumulukso na pumunta sa main door. But before he could even go out, he faced me and Toby.

"Mag-ready na kayo sa sasakyan," he said, grinning. He faced Tobias. "Open the tailgate. May ilalagay ako roon," ani nito at tuluyan nang lumabas sa bahay.

Nagkatinginan kami ni Tobias. He shrugged his shoulders and went out of the house. Sumunod na rin ako maya-maya. Pagdating sa garahe ay nakita ko si Tobias nakabantay sa tailgate ng Colorado Storm nito. Nilingon ko ang gate namin at hindi napigilan ng mga labi ko na ngumanga.

"The heck?" I exclaimed.

Toby released a stressful sigh. "I think we can't stop him. Pabayaan na lang natin at bantayan ng maigi."

"Pero Tob..." Bumalik ang tingin ko sa nakakatandang kapatid. "Ang dami n'yan."

"I think that's the prank they're talking about. Not a total prank for me. Gusto n'ya lang siguro na uminom."

Hindi na ako makapagsalita. I watched Chary counting the stacks of beer in our gate. Nakangisi ang gago at masaya sa in-order nito.

"You better finish it all. Huwag na huwag kang mag-uuwi mamaya." Naagaw ko ang atensyon ni Chary at ang loko ay nag-salute lang sa akin.

Sumakay ako sa passenger seat at ang tatlong kapatid na lalaki ay nagtutulungan sa likod. Napapaikot na lang ako ng mata sa tuwing nadadapuan ko ng tingin ang mukha ni Chary na nakangisi.

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon