Kabanata 19

349 12 0
                                        

Kabanata 19

"Galit ka ba sa akin?" I asked.

Nanatili ang maluwag na hawak ni Demetrio sa kamay ko. Pinara niya ang sasakyan at tahimik na pinauna ako. We rode the jeep up to his boarding house and silently went out. Hindi nawala ang hawak nito sa akin hanggang sa makapasok kami sa boarding house niya.

The house is a typical old house you can see here in Iloilo. Kulay pula sa labas ang bahay pero pagpasok ay kulay brown na dingding ang bumati sa akin. Tahimik ang bahay at tanging tunog ng mga sasakyan mula sa labas ang maririnig.

Demetrio pulled me lightly to the staircase. Nang nasa itaas na kami pareho ay ang isang pinto na malapit sa bintana ang binuksan niya at pinapasok ako. I roamed the inside of the room. It is small. Sakto sa isang tao ang kuwarto. Mayroon pang extra space kahit na maliit ang kuwarto dahil sa mga nakaayos na gamit ni Demetrio.

He put his bag on a chair that he pulled out under the table. Tiningnan niya ako habang ginagawa iyon. Nang matapos ay lumapit din agad ito sa akin at kinuha ang suot ko na bag.

"Upo ka muna r'yan sa kama. Kukuha lang ako ng puwedeng kainin sa baba," sabi nito at dadaanan na sana ako para makalabas ngunit agad ko itong hinawakan sa braso para matigil ito.

He stopped. Lumunok ako. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ito dahan-dahan na pinakawalan.

"Galit ka," mahinang sabi ko.

"Hindi," sambit nito at inuma ang libreng kamay na kunin ang kamay kong nagpapatigil sa kanya.

"Hindi. Nararamdaman ko na galit ka," ulit ko pa.

He sighed. "Let me get our food first then we'll talk okay? Isipin mo muna ang nangyari kanina at ang mga sinabi mo at mag-uusap tayo mamaya." Hindi ko na ito pinigilan nang tuluyan na niyang kinuha ang kamay mula sa hawak ko. Pinabayaan ko siyang lumabas sa silid niya at bumaba sa hagdan.

Naiwas ako sa kuwarto niya na natulala. Bumaha ang nakakatawang sakit sa puso ko. Dahan-dahan kong dinala ang kamay sa dibdib at mahina itong minasahe.

I can feel it. Galit siya sa akin. Galit siya dahil sa sinabi ko kay Maia. Napaupo ako sa sahig. Nagtutubig ang mga mata ko habang ang mga mata ay nasa sahig nakatutok. Hindi na klaro ang nakikita ko.

Bumagsak ang isang butil ng luha at nagsisunod ang iba. Tahimik akong humikbi habang nakaupo pa rin sa sahig. I silently weep my frustrations and the pain I'm feeling. I don't like it if Demetrio thinks my actions are wrong. Makakaya ko na ang iba ang magsabi at makahalata pero si Demetrio... ayaw na ayaw ko.

Mga yapak sa hagdan na kahoy at pagbukas ng pinto ang sunod kong narinig. Hindi ako gumalaw mula sa kinauupuan. I was still hurt. Hurt because I was wrong in the eyes of the man I liked.

"Euphemia!"

I felt his strong and rough hands on my arms, holding me tight and slowly pulling me up. He let me sit on his bed while still crying. He also sat beside me, still holding me and busy catching my eyes who kept on avoiding his face.

"Look at me, Eanne," he calmly said.

Umiling ako. Patuloy sa pagtulo ang mga luha sa mata ko at hindi ko pa rin siya tinitingnan.

"Euphemia," may pag-uutos na tawag nito.

Lumihis lang ang ulo ko sa tuwing pinapantay nito ang mga mukha namin. Narinig ko ang pag buntong-hininga nito at naramdaman ang unti-unting pagluwag ng hawak niya sa braso ko. I was about to cry more because of what he did but he swiftly enveloped his arm to my back and pulled my body to his.

His body stiffened and mine. Humihikbi ako sa dibdib niya. He silently rubbed my back until I calmed down a little bit.

"Can we talk now?" marahan na sabi nito. Hindi niya tinigil ang paghagod sa likuran ko. "Sabi ko sa'yo mag-isip ka... hindi na naabutan kitang umiiyak dito."

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon