Kabanata 35

338 7 2
                                        

Kabanata 35

Sunshine? I laughed.

Bakit ba ako naniniwala? A big part of my heart really wants to see him the day after what happened to Tobias party. I want to talk to him. Gusto kong mag-usap kami pero kinabukasan pagpasok ko sa eskuwelahan namin, walang Demetrio ang nagpakita sa akin. Sa mga sumunod na araw ay gano'n din.

Patuloy ako sa pagpapadala ng mensahe sa kanya. Tawag ay ginagawa ko rin. Hindi ko na ito ma-contact sa kahit na anong social media niya na alam ko. Deactivated na ang Facebook niya at Instagram.

At night, I always wonder if what should I change about me to be accepted by him again. Wala akong alam kung saan ako nagkulang. Wala akong alam kung saan ako nagsala. He never gave me reasons or hints to where I should change. Bigla na lang itong umalis at masasakit na salita ang binaon niya sa akin.

"Papasok ka ngayon?" tanong ni Lucia. Tinawagan ako nito dahil hindi ako pumasok sa first subject namin ngayon umaga.

I don't have the drive to go to school. Wala na. Wala naman si Demetrio roon, e. I asked my teachers about him and they said that he stopped going to school. He pulled out his records, gano'n day kay Kirk. Hindi ko maisip bakit niya 'yon ginagawa? Grabe ba ang naging dulot ng mga ginagawa ko sa kanya?

I shifted to my bed and face the other wall of my room. "Half day na lang siguro," walang gana na sabi ko. Umiyak na naman ako kagabi. Nanaginip at nagising na iniwan ako ni Demetrio. Iniyak ko na naman ang pangungulila ko sa kanya.

Lucia sighed. "Eanne, babagsak ka na talaga nito. Marami ka nang na-miss na mga exam at quizzes... Sabi rin ni Ma'am Paner, na kung hindi mo raw mababawi ang mga missing and failed score mo..." Hindi nito ipinagpatuloy ang sinasabi.

Napatango ako. Alam ko na na ganito ang hantungan ko. Galit sina mama at papa dahil sa ginagawa ko ngayon pero dahil may tinatrabaho sila sa Maasin, hindi nila ako napagtuunan ng pansin. Tobias doesn't like what I am doing with myself and studies now. Kaya siya ang naging palaging nagche-check sa akin kung pumapasok ba ako sa eskuwelahan.

But he's not here. Wala siya rito dahil umagang umalis para sa klase niya. Kaya gano'n na lang ang lakas ng loob kong hindi pumasok dahil hindi naman ako mapapagalitan.

"I don't know what to do now, Lucia," pag-amin ko.

Demetrio is the only guy who can understand me. Siya lang ang lalaki na alam kong magtitiis sa akin at matitiisan ang ugaling mayroon ako. Mga munting paalala nito sa tuwing gumagawa ako ng mali ay siguradong hindi ko kayang bitawan.

Parati kong iniisip noon, na siya na ang magiging asawa ko sa huli. I'm actually dreaming about it. Wearing my wedding gown and him, waiting in the church, with tears in his innocent brown eyes was so surreal. Kaya hindi ko matanggap na ganito na kami ngayon. Na wala na.

My parents told me to go on. Even what happened to us, I needed to rise up in bed and start my day. Wala raw magandang dulot ang pagiging malungkot at kung ano-anong kapabayaan lang ang makukuha ko. They were right. 'Yon ang nangyayari sa akin ngayon.

But how can a person move on if they don't hear the explanation that they want? Paano magpatuloy ang isang tao kung sa puso nila alam nilang kulang ang sinabi ng isa. Is it always going to be talked to thoroughly? O baka, tama na ang isang magsabi na tumigil at susunod na lang ang isa?

Pero ayaw ko no'n. I want powerful reasons. Ayaw ko siyang iwanan. Ganoon na ang pinanggagawa niya sa akin at pinakita, ta's ganito niya lang tatapusin? I believe that I am worthy of enough and credible reason why he wants us to be seperated. What he said in the Royal Garden wasn't and always not enough.

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon