Kabanata 10

462 16 10
                                        

Kabanata 10

Napanganga ako sa sinabi niya. Ang nabitin na mga kamay sa ere ay bahagyang nanginig. Hindi maingay ang loob ng McDo ngayon. Tahimik na dahil nag-uwian na ang mga high school at college students kanina pa.

Demetrio cleared his throat and looked away. "Nandito ka kasi. Ikaw ang naghihintay sa akin. Nahihiya akong ikaw pa ang maghihintay at baka ayaw ni Tobias na gabihin ka ng uwi," paliwanag nito.

Dahan-dahan akong tumango. Ramdam ang bahagyang lungkot na humaplos sa puso ko, ipinagpatuloy ko ang pagkain.

Nang matapos ako sa pagkain ay nahuli ko itong nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng tipid.

Ginilid ko ang pinagkainan ngunit kinuha lang ni Demetrio iyon mula sa hawak ko.

"Ligpitin ko lang at ilagay sa bin," sambit nito.

Tinitigan ko siya habang ginawa ang sinabi niya. He really cleaned the utensils. Pinagpatong-patong niya iyon at inalis ang mga papel. Pinag-aralan at hindi ko inalis ang tingin sa kanya.

Nakikita ko ang Demetrio na nagtatrabaho rito. I can see that side of himself.

"Bakit ka nagtatrabaho?" I asked. Shock covered my system because of my sudden question.

Mula sa nakayukong mukha, nagnakaw ng madaliang tingin si Demetrio.

I lowered my head. Malamig at mayroong AC ang McDo but I can feel the slow building of heat in my cheeks. Maybe because of shyness. Kahihiyan dahil hindi naman kami close pero tinatanong ko siya ng tungkol sa buhay niya.

"U-Uh, okay lang kapag ayaw mong sagutin… It's okay," sambit ko ng ilang segundo niya akong hindi sinagot. Ipinagpatuloy nito ang pagliligpit.

Baka ayaw nga niya akong sagutin. And I found my question a bit intruding. 

"Wait for me. I'll answer your question after I put this in the bin," saad nito at hinila ang tray palapit sa kanya. I stalked him as he neared the bin he's talking to, and he segregated the things he was holding.

Nakapinid lang ang tingin ko sa kanya at hindi maalis. Nang bumaling ito sa direksyon ko ay agad na tumama sa aking mga mata sa pagod at inosente niyang mga mata, napaiwas agad ako ng tingin dahil sa hindi pagkapakali.

I felt him settle again to the chair in front of me. He propped his arms above the table and locked his fingers by interlocking each to the other part of his hand.

"You cannot answer my question. It's a bit intruding kaya... kapag ayaw mong sagutin... naiintindihan ko," bawi ko sa naitanong ko kanina.

"No, I'll answer your question. You can't focus later on, on our discussion if I'm not going to answer you..."

"Okay... So, bakit ka nga nagtatrabaho?" I asked. Hindi na nahiya. Tiningnan ko si Demetrio sa mga mata nito.

"Hindi kaya ni Nanay na pag-aralin kami kaya nagtatrabaho ako," sagot nito.

Mahina akong tumango. "You're boarding a house, right? Saan ka ba talaga nanggaling?"

Natawa ito ng mahina sa naging tanong ko. May mali ba? Wala naman, ah?

"May mali ba sa tanong ko?" His face glow in an instant whenever he smiles. Kakaiba. Ang inosenteng mata nito ay nabibigyan ng diin. Kung inosente kapag hindi nakangiti, mas lalong naging inosente kapag ngumingiti. And I can't help but to smile also.

"No. There's nothing wrong. But the way you ask me question where I came from, parang pinaparating mo na taga ibang planeta ako," sabi nito.

Natawa ako ng bahagya. "No, no. It's not. I am asking earlier: where is your hometown? I bet it's far away kasi you opted to stay at a boarding house. 'Di ba, most students who stayed in those types of houses, paupahan, are those who have houses in the province?" I asked.

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon