Kabanata 21

229 9 2
                                    

Kabanata 21

"Saan pala kayo kagabi?" Lucia sat beside my chair. "I drank a lot but it doesn't hinder my mind from remembering that I didn't see you and Demetrio on the dancefloor," dugtong nito.

I shrugged my shoulders. "We have our own version of fun," I stated.

"Halata naman na kayo lang naka intindi sa fun na sinasabi mo. Anyways." She sighed. "Pakopya naman ako ng assignment. Lumilipad pa rin ang utak ko ngayon," sabi nito.

"Assignment sa anong subject?" I asked.

Nakalukot ang noo nito at napaharap sa blackboard. Nag-isip pa talaga. Siguro totoo nga ang sinasabi nito na lumilipad ang utak niya. Nababasa at nakikita naman sa mukha niya, e.

Habang hinihintay si Lucia sa sagot nito, naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa balikat ko. Inikot ko ang ulo at naipinta ang ngiti sa labi nang makita si Demetrio.

He was wearing his CAT uniform because it is Monday.

"Hey," bati ko rito.

"Kanina ka pa?" tanong nito.

Tumango ako. "Ikaw rin?"

"Hmm... nasa Headquarters ako," ani nito.

"Sa ano pala, Eanne, sa Araling Panlipunan at Values," sagot ni Lucia.

"Kunin mo na lang sa bag," mabilis na sabi ko at tumayo sa upuan. Hinawakan ko ang kamay ni Demetrio at hinila ito palayo sa upuan ko. Hinatid ko siya sa upuan niya kaya natawa ito.

"Sabay ka sa amin kumain?" aya ko.

"Sa Cafeteria?" he asked.

I nodded my head. "Toby wants you to eat with us."

"I'm okay with it."

My smile widened a fraction. "Okay! See you there mamaya!"

Sabay kaming apat na lumabas sa room. Gusto rin sumama ni Lucia at Darko kaya hinayaan ko na lang ang dalawa. Nauna na siguro si Tobias sa room ni Uella dahil pagsilip ko roon ay wala na si Uella. Baka hindi na ako hinintay dahil alam nila na kasama ko na si Demetrio.

Demetrio was holding an umbrella. Binigyan niya ako ng silong. 'Yung payong na gamit niya ay 'yon din ang pinahiram niya sa akin noon. I can still remember that day. That day when my heart softened easily to him.

"Where's Ate Bella?" tanong ko kay Sora nang nakarating na kami sa Cafeteria. She shrugged her shoulders. Parating nagsasabay sa amin si Ate Bella sa pagkain ng lunch sa Cafeteria nitong mga nakaraang araw.

But I remembered something happened between Toby and her. Bumagsak ang tingin ko kay Toby at nakita itong seryosong nakatitig sa pagkain niya. He's not concerned that Ate Bella is not here?

"Tob, where's Ate Bella?" I can't help myself but to ask him.

Hindi niya ako tiningnan. Umigting ang panga niya dahil sa sinabi ko. "I don't know," balewalang sabi nito.

"You didn't invite her?"

He sighed. "Malaki na si Bella. She knows how to get here without my help," walang ganang sabi nito.

"Bakit matamlay ka ngayon? What happened with the two of you? I saw Ate Bella's eyes yesterday. She was near crying." Hindi ko mapigilan ang pagtatanong.

Tumingin sa akin ang ibang pinsan. Lahat sila ay hindi maintindihan ang sinabi ko. Binalik ko ang tingin kay Toby.

Toby aggressively dropped his utensils. Naramdaman ko ang paglapit ni Demetrio sa akin.

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon