Kabanata 2
"Oh, lukot na ang mukha mo?" si Lucia. Kakarating lang nito sa room namin. I rolled my eyes at her and she moved a step back. Tinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko ito. "Kung pikon ka 'wag mong ibunton sa akin. Sino ba 'yan? Aawayin natin!"
Padaskol akong sumandal sa upuan. Humalukipkip ako. Hindi ako nagsalita agad dahil hindi ko feel na ibuka ang bibig ko. Hindi naman ginawan ng issue ni Lucia ang pagiging tahimik ko at umupo ito sa upuang nasa tabi ko. Hindi niya upuan ang nasa tabi ko pero hinayaan ko na lang ito. Siguradong lilipat naman agad ito kapag nasa room na ang teacher.
Alam ni Lucia na mainit ang ulo ko kaya hindi na niya ako kinulit. Tiningnan ko lang ito habang pumupunta sa ibang kaklase namin at nanghihingi ng answer sa assignment namin.
Huminga ako nang malalim. Wala sa sariling napahawak ako sa tenga ko. Nag-isip ako. Even my cousins don't know that I have piercing. My older brother, Sylvestre Tobias, will surely going to kill me if he saw my piercing. Ayaw pa naman niya sa pagpi-pierce. I've joked it to him, that I have plan on having piercing soon, his reaction was just sharp eyes and he didn't talk to me for almost a week.
Napa ayos ako ng upo nang mamataan si Darko na papasok na sa room. Dumiretso ito sa upuan niya at umupo. Again, I rolled my eyes. Hindi man lang bumaling sa akin!
Nakabalik na si Lucia sa upuan niya sa tabi ko at seryoso na kinokopya ang sagot ng kaklase namin. Siniko ko ito kaya nagkamali ang sulat niya.
Bumaling ito sa akin at masama ang titig. "Ano ba 'yan, Eanne!"
Nginuso ko si Darko. "Nandyan na siya. Papuntahin mo rito," sambit ko.
Sinundan ni Lucia ang nginunguso ko. Nagliwanag ang mukha nito at agad na tumayo. Ngumisi naman ako at napa-iling.
Iritadong binalingan ni Darko si Lucia nang makalapit. May sinabi si Lucia kay Darko na naging sanhi ng pagtingin ni Darko sa akin. Mabilis lang niya ako tiningnan. May kinuha muna ito sa bag niya at sabay silang pumunta ni Lucia sa upuan ko.
"Ito na," si Darko sabay hagis ng notebook nito sa armchair ko.
Mabilis na umupo si Lucia sa upuan niya at kinopya ang sagot ni Darko. Hindi ako gumalaw para kumuha ng notebook at magsimula nang magsulat.
Umupo sa kabila ko si Darko. Sumandal ito sa upuan at pumikit.
"Pinag-uusapan ka sa gate," panimula ni Darko.
Natigilan ako sa pagkuha sana ng notebook. "Ano? Ako?"
Tumango si Darko pero hindi niya pa rin binubuksan ang mata. "Defensor na merong piercing. Calla, Sora, Nova, and Uella are too saint to even break the school book."
"Who?"
"Maia."
"Naipakita ko naman sa kanya ang kanang tenga ko ah? Ano pa ang sinasabi no'n?"
I puffed an irritated breath. Nakakairita ang babaeng 'yon! Hindi titigil sa isang sagot. Gusto pa talaga nang marami.
"You show them your piercing?" Lucia asked. I turned to her and she was already done copying Darko's assignment.
Tumango ako. "Not the left ear. Ang kanan lang."
Nakahinga ito nang maluwag. Kapag malalaman ng officers na meron kaming piercing siguradong kukunin nila sa amin ang hikaw. Walang problema sa akin na kunin nila ang hikaw pero kasi, bago lang 'tong piercing namin. Hindi pa gano'n ka magaling. Masakit din kapag kukunin at baka magdugo pa.
"She was insisting on Guadarrama if he really saw that you have a piercing."
"She already backed away earlier. Sana kanina niya ako tinanong! Hindi na hanggang ngayon pinagdududahan niya pa rin ako!" galit na sambit ko.
BINABASA MO ANG
Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)
RomanceSharp tongue. Unfavorable behaviour. Bad temper. That's what people would describe her - Euphemia Sannee Defensor. She's the black sheep, if someone would say. Wala itong pakialam sa mga sinasabi ng iba. Kahit na uminit ang ulo ng kapatid nito, wala...
