Kabanata 12

365 13 2
                                        

Kabanata 12

Gulat ako sa nangyari kaninang umaga. Pagkatapos kong maghilamos sa banyo ay naghihintay si Demetrio sa labas sa akin. Hindi siya nagsalita. Ako rin. Hanggang sa pumasok kami sa room para sa first subject ay hindi kami nagkibuan.

I let the day pass. I was quiet the whole time even though Lucia was busy talking to me. Hindi ko siya pinapansin. Darko also felt that I'm not in the mood to talk so he's the one busy catching Lucia and dragging her away from me.

He said, we will talk.

Hindi ko alam saan at kailan. This afternoon, maybe. Dahil hindi niya ako kinausap no'ng lunch at sumama sa mga kasama niyang officer pagkatapos ng huling subject namin sa umaga.

Kahit noong lunch, hinintay ko na tatawagin niya ako o lalapitan niya ako sa upuan ko pero hindi nangyari. Kahit na kinukulit ako ni Ate Bella and Sora sa Cafeteria ay wala akong may pinansin sa dalawa dahil si Demetrio lang ang laman ng utak ko.

Our last teacher bid her goodbye. Lumabas na ito sa room. Nanatili akong naka-upo sa upuan at hindi gumalaw.

"Eanne! Sama tayo sa parking lot!" maligalig na sabi ni Lucia at hinarap ako.

Hindi ako ngumiti. Kumurap lang. "May gagawin pa ako," sambit ko.

Kumunot ang noo niya. "Ano naman ang gagawin mo? Hindi ka naman gumagawa ng assignment natin or output? Hindi ka naman nagtatagal dito sa room at agad na lumalabas kahit cleaners mo," nagtataka na ani nito.

"Basta! Kayo muna ni Darko ang magsama sa parking lot. May gagawin pa ako," saad ko.

"Euphemia," isang malalim na boses ang narinig ko na naging sanhi ng pagtigas ng katawan ko.

"Oh," si Lucia at nakatunghay na sa taong nasa likod ko. Ngumisi ng nakakaloko si Lucia at tumango na parang alam na nito ang tunay na dahilan ko. Mahina niya akong sinampal sa braso. "Gaga. Sana sinabi mo kanina pa at nang hindi na kita pinilit. Reminder, Eanne, don't use the McDonald's if you and him," he pointed Demetrio at my back. "will going to momol. Pangit ng place roon at walang privacy," hagikgik nito.

Nanlaki ang mata ko at napanganga. Magrereklamo sana ngunit mabilis itong lumayo at lumapit sa puwesto ni Darko. Hinablot niya si Darko. Lumingon si Lucia sa puwesto ko at kumaway.

"Bye, Eanne! Good luck on your first date!" sigaw nito na naging sanhi ng pagtingin ng mga kaklase ko.

Nahihiya kong niyuko ang ulo at napapikit ng mariin. I controlled my heavy breathing. Ginagawa ko 'yon ng maramdaman kong may tumabi sa akin.

"Halika na. Huwag dito. Sa ibang lugar tayo," bulong ni Demetrio.

Tumango ako at dahan-dahan umayos ng upo. Huminga ako nang malalim. Tumayo ako at sinuot ang bag.

Ngayon ko lang napansin, nang tumingin ako kay Demetrio, na handa na pala ito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. My heart raced up to the finish line when I took a glance of his face. He looks so handsome with his innocent facade. But deep inside, I knew, the Demetrio on the inside was totally the opposite of the Demetrio on the outside. Sa ilang araw na magkasama kami, 'yan na ang napansin ko. Ayaw ko man pero 'yan na ang nakatanim sa utak ko.

Sabay kaming umalis sa classroom. Hindi ko alam kung bulong pa ba ang ginagawa ng mga nakasalubong kong kaklase dahil rinig na rinig naman ang sinasabi nila.

"Nagkakamabutihan?"

"Siguro. 'Di ba si Demetrio ang nagligtas sa kanya sa gulo na ginawa ni Singko?"

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon