Kabanata 11

264 11 0
                                    

Kabanata 11

Waking up early in the morning with Sora's loud snoring, irritates the hell out of me!

I want to wake her up too but I remembered what happened last night. Kaya dahan-dahan na lang akong umalis sa kama at naligo. Habang nasa banyo ay hindi ko mapigilan ang kilig. Nakaharap sa salamin at kitang-kita ang pagpula ng mga pisngi ko. I did wake up early this time and it's because of... Demetrio.

When I came out of the restroom, I saw Sora was already up. Naka-upo ito sa kama at nagkukusot ng mata.

"Eanne," sambit nito.

Tipid akong tumango. "Maligo ka na. Papasok na tayo," utos ko.

"Pero maga ang mga mata ko," reklamo nito sa mahinang boses.

Nagkibit-balikat ako. "It's up to you if you'll go to class for today. Puwede ka naman dito muna sa bahay. O puwede ring pumasok, you can borrow my shades in the closet."

"Papasok si Uella? Nasaan pala siya?" bahagyang nag-panic si Sora.

Kinuha ko ang towel na nasa buhok at sinampay iyon sa sandalan ng upuan. "Nasa kay Toby. Doon siya natulog," saad ko.

Parang nakahinga ito nang maluwag sa sinabi ko. Mabilis itong bumaba sa kama at hinanap ang tsinelas sa ilalim ng kama. "Sige. Punta muna ako sa kanya. Tatanungin ko lang kung papasok siya."

Isang oras ang nagdaan at sabay kaming anim papunta sa eskwelahan. Ako ang nasa front seat at nagsisiksikan ang apat sa back seat. Kung kagabi at kanina ay walang enerhiya si Sora, ngayon naman ay salungat. Punong-puno ito ng energy at kinukulit si Chary dahil sa pinag-uusapan nila. Uella, on the other hand, remained quiet and composed like she always does. Tinatago na naman nito ang tunay na nararamdaman.

I sighed.

"Do you have a problem?" Tobias asked when he heard my deep breath.

Agad akong umiling. "Wala. Can we drive thru sa McDo?" I asked.

"Why? You didn't eat breakfast?"

"I already ate breakfast. It's for someone else," sambit ko.

"And who's that someone else?" Bahagya pang tumaas ang isang kilay ni Tobias. I swallowed. Should I tell him the truth? 

Taimtim ko siyang tinitigan. Tumingin din siya sa akin dahil tumigil ang sasakyan dahil sa traffic. Gumalaw na ang traffic pero nanatili pa rin ang tingin ko sa kanya. Siya lang ang tumingin sa harap at naunang ihiwalay ang tingin sa akin.

"It's for someone else," mahinang ulit ko sa sinabi kanina.

Hindi na nagsalita si Tobias. Patuloy ang ingay sa likod namin. At nang makarating kami malapit sa school, Tobias turned his car to the left. Napatingin ako sa kanya. He was seriously driving. Sinunod niya ang utos ko!

"What's your order?" he asked.

"Uhm, can I have two breakfast meals?" I said.

He nodded. Habang sinasabi niya sa babae ang order namin, kinuha ko naman ang pera sa bag ko.

"Here." Nilahad ko sa kanya ang pera ko.

"Ako na," sabi niya at siya ang nagbayad. Gumuhit ang ngiti sa labi ko at tiningnan lang ito na magbayad.

When I got my order, agad na inikot ulit ni Tobias ang sasakyan papuntang school. Medyo marami na ang mga estudyanteng pumapasok. I looked at my watch and saw that it was already six forty-five.

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon