Kabanata 49

297 8 0
                                    

Kabanata 49

Ako:
Nakauwi na ba kayo? Katatapos ko lang panoorin ang interview ni Jesiah sa isang live show. He told the viewers the truth. I'm glad because he did that.

Matagal bago ito nag-reply kaya pumunta ako sa itaas. Nang hindi ako nakatanggap mensahe mula sa kanya ay maliligo na sana ako pero nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya nang papasok na ako sa banyo.

Demetrio:
I'm on my way to your parents house. Nagda-drive ako.

Ako:
Don't reply to this message na. Maliligo lang ako.

And I went to the comfort room inside my room. Mabilis akong naligo dahil on the way na si Demetrio. Baka kapag magtatagal ako ay maiiwan ito sa ibaba at walang kausap. Hindi ko pa naman nakita mga kapatid ko kanina na pakalat-kalat.

I wore a sleeveless white top and a black dolphin shorts. Bumaba ako sa unang palapag ng bahay at nagulat dahil nakita ko na agad si Demetrio sa sala.

"Hi!" bati ko at agad na niyakap ito. Tumawa siya nang bahagya at niyakap din ako pabalik. "Na-miss mo 'ko, Demi," anunsyo ko.

"Hindi ko na kailangan sabihin. Alam na alam mo na agad..."

"Of course! By the way, saan pala kayo pumunta ni Kirk kanina?" I asked at lumayo sa kay Demetrio. Inayos ko pa ang nagusot kong white long sleeve dress shirt nito. Naka-tuck in iyon sa kanyang slacks at mayroon din siyang designer belt na suot.

I settled both hands on his waist. Sa bandang itaas lang ng kanyang belt. Tiningala ko ang mukha nito at ito naman ay yumuko sa akin. He's taller obviously. Mas lalo nga siguro siyang tumaas ngayon. Malaki na ang agwat namin ngayon kung ikukumpara noon.

"Sa Maasin. We went to Jack. He's not the mayor of the town. Napalitan na siya." Hinaplos nito ang buhok ko kahit basa. He even tried to comb it. Maayos ang pagsuklay niya dahil nasuklay ko naman ang buhok kanina paglabas ko ng kuwarto.

"What happened to him?"

"He's bedridden. Lolita is still running the farm. The farm was not in its good shape. It has many problems. She wants us to help her run the farm. Pero..."

"What?"

Taimtim itong tumitig sa akin. He continued combing my hair. A small smile appeared on his lips.

"Ayaw niyo siyang tulungan? Did Tita Antonia object helping her?" dugtong ko pa. "I-I mean... It depends on her. She can decide, too. Your life's been hard because of her. Hindi ko pa nalilimutan ang ginawa nitong paghihirap sa inyo noon!"

Hinaplos ko ang panga nito at napapikit siya. Hinilig niya lalo ang mukha sa kamay ko kaya ipinagpatuloy ko ang paghaplos sa kanya.

He slowly opened his eyes. Nakita ko ang luha sa mga mata nito kaya nag-panic ako.

"B-Bakit ka naluluha?"

Tumawa si Demetrio. "Wala 'to."

"Demi!"

"Si mama... matagal na siyang patay. We're late. Hindi kami nakaabot. Hindi niya nahintay na magkaroon kami ng trabaho para tulungan siya sa sakit niya. Kinuha na siya..."

"Oh my god!" Napalayo ako kay Demetrio at napatakip sa bibig ko. "A-Akala ko... buhay siya? Hindi mo nasabi no'ng nakaraan? Akala ko..."

"Hindi siya nakaabot. She didn't have maintenance when we're going to school in Cebu. May trabaho kami ni Kirk pero ayaw niyang napupunta sa kanya ang pera namin. Gusto niyang ipunin lang namin 'yon. Naglalabada rin si mama noon. Ang pera niya ay napupunta sa kanya, sa pang-araw araw niyang pagkain dahil ayaw niyang tumanggap ng pera mula sa amin. Pero ni hindi siya bumili ng gamot niya. Rito sa Iloilo bago kami lumipat sa Cebu nakapagpa-check up na siya. Hindi namin alam ni Kirk na malala na ang sakit nito. She only lives for a year... Hindi na siya nagtagal..."

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon