Kabanata 9

313 14 6
                                    

Kabanata 9

Galit si Mama sa nangyari sa akin. Pinagsabihan niya si Tobias at mga pinsan namin na sa susunod na mayroong birthday, hindi rito sa bahay gaganapin.

Unfortunately, nakaabala pala ang gulo kahapon sa ibang kapitbahay. May pulis na pumunta sa bahay para kunin si Singko at si Demetrio na testigo. Nagulat sila dahil mukhang okay naman ang takbo ng party at maya-maya ay mayroon ng pulis.

Kaya sabi niya na mas mainam na sa mga hotel na lang daw kami magdiwang at magre-rent siya ng isang malaking function hall. We didn't complain. Alam naman namin na mali ang nangyari kagabi. We was shocked that it did happen. The past parties held in our house was pretty much calm and quiet. Quiet in a way na walang gulo. Ngayon lang talaga nangyari 'to sa amin.

Agad akong pinaulanan ng mga tanong ng mga kaklase.

Lucia was still not here. Baka late. Hindi ko rin alam kung anong oras siya umuwi.

I was left with no choice but to answer my classmates questions. Walang flag ceremony dahil umuulan. Basa ang study park kung saan kami nagfla-flag ceremony. Kaya marami akong kaklase ngayon dahil marami sa kanila ang napa-aga.

"Kumusta ka, Eanne? Kalat sa mga group chat ang gulo na nangyari sa bahay niyo," si Nikka.

"Oo nga. Mayroon pa naman reklamo r'yan kay Singko. Marami na talaga siyang binabastos na babae mula junior high. Kahit mga kaklase niya ngayon na nasa senior high ay nagrereklamo rin. Kung hindi siguro lumabas ang isyu sa'yo baka hindi pa sila magsasalita," si Presley.

"Okay naman. The fight was already settled. Walang nangyaring masama sa akin," I said and supplemented it with a small, tight smile.

Mula sa kumpol na ginawa nila sa harap ko, mayroong siwang na kitang-kita ang entrance door. Agad akong tumayo nang makita kong pumasok doon si Demetrio. He was wearing his CAT uniform dahil Lunes ngayon.

I silently approached him. Kahit na mukhang maraming tanong pa ang mga kaklase, hindi na nila nagawa dahil ang atensyon ko ay nasa kay Demetrio lang.

"Hi. Good morning," I greeted him.

Tiningnan ako nito. Hindi siya mukhang nagulat na nasa harapan niya ako at binati ko pa siya. Binigyan niya ako ng tango at binalik ang atensyon sa pag-aayos ng bag nito sa upuan.

"Nakakain ka na?" I said and instantly regretted it. And why did I ask him if he had already eaten his breakfast? Tanga ka, Eanne?

"Yes," maikli nitong sagot.

I was lost for words again. I don't know what to say. Napalinga-linga ako sa paligid para may makita na puwedeng gawin topic pero wala talaga.

I mentally sighed.

"I'm really sorry for what happened yesterday. Hindi ko sadya at... ginawa ko naman 'di ba ang sinabi mo? Sinunod kita," sabi ko, ginawang puwang nangyari kagabi para lang may mapag-usapan kami ngayon.

Pagod na tumango si Demetrio. He craned his neck to look at me. "I'm tired now, Eanne. I got a punishment because I'm late. Mamaya na lang tayo mag-usap kung gusto mo. At para 'wag ka nang mabahala, you did what I told you, okay? You didn't initiated what happened last night."

May sasabihin pa ako sana pero huli ko na napansin na pagod nga ito. Ang aga-aga mayroong pawis na sa kanyang noo. Sumalampak siya sa upuan at pagod na sinandal ang likod. Pinikit din nito ang mata at parang natutulog.

Wala akong nagawa kaya bumalik ako sa upuan. I was silent the whole class. Panay din ang baling ko sa upuan ni Demetrio. Darko becaught my constant glance at his way. Hindi ko siya pinansin dahil hindi naman siya ang pakay ko.

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon