Kabanata 39

252 5 1
                                    

Kabanata 39

"Are you sure? Hindi ko naman nakita account niya, ah? I refreshed it a lot at wala talaga," si Lucia habang nagvi-video call kami.

Napapikit ako nang mariin at napasabunot ng buhok. I didn't know. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako na nakita ko ang account nito or hindi.

Agad akong napatawag kay Lucia at sinabi sa kanya ang nakita ko. And when she stalked the account, she never found any account with the username 'dvguadarrama'.

"I-I don't know. Baka... namamalikmata lang ako," pagod at pinanghihinaan na sabi ko.

My hopes get too high after seeing his account. Sumaya agad ako pero nang sabihin ni Lucia na hindi niya 'yon mahanap ay bumagsak ang nararamdaman ko at bigla akong pinanghihinaan.

She sighed. "Don't think about him. Baka may nagpa-trigger sa'yo kaya naisip mo siya."

"Wala naman," I said after thinking if something really triggered the memory of him.

"If I know where he is right now, sasabihin ko 'yon agad sa'yo, E. But sad to say, hindi ko rin alam. No one knows where he is, his family... I don't want to see you sad. Ayaw kong makita ka na hindi ngumingiti at kapag sinasabi ang pangalan niya ay nasasaktan ka..."

"I'll just call you some other time again. Ipagpapatuloy ko na lang ang trabaho ko," sambit ko rito at nahahalata ang pagkadismaya sa boses ko.

Nag-aalala na tumango si Lucia at pilit na ngumiti. "Okay. Talk to me if something bothers you again. I'm here..."

"Yeah, thank you, L."

"No problem, E."

I ended the call and tiredly settled my aching back on the bed. I looked at the ceiling. My fingers were touching each other above my stomach.

I don't think so it was only an illusion. I am really sure that it was him. Did he deactivate his account after seeing my story? Napakunot ang noo at parang ayaw paniwalaan 'yon.

"Eanne, kain na." Katok ni Arsenio sa pinto.

Hindi ako gumalaw at sumagot. Hindi naman ito nagpatuloy sa pagtawag sa akin at siguradong umalis na sa harap ng pinto.

Nang kumalma na ang utak ko sa sobrang daming iniisip patungkol kay Demetrio ay tumayo na ako.

Lumabas ako sa kuwarto at naabutan ang limang unggoy na kumakain na. Hindi man lang ako hinintay. Napailing akong tumabi kay Amias.

Inabutan ako nito ng pinggan at siya na rin ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko.

Isang tikhim ang nagpa-angat sa aking mukha. I saw Tobias watching Amias giving me rice and viand on my plate. Nakataas ang isang kilay. Ang pisngi nito ay nakaumbok dahil hindi pa nilulunok ang kinakain na pagkain.

"What?" Amias asked Tobias.

Tapos na pala ito sa paglagay ng pagkain sa plato ko.

"What are you doing?" Tobias tightly asked Amias. He was also looking at his friend like Amias had done something wrong.

Amias' manly chuckle rose. "Don't tell me you're doubting my actions towards your sister?"

"Yes, I doubt you," diretso na sabi ni Toby.

Ngumisi ang tatlo pa nilang kaibigan na nasa mesa rin. Being the joker, Arsenio leaned his back to the backrest of the chair and put both of his hands at the back of his head. Aliw na aliw itong nagpabalik-balik ng tingin sa aming tatlo.

Umiling si Amias at ngumisi. "I also doubt you towards my sister," Amias said.

"Ow," ungol ni Arsenio at lumukot ang mukha nito.

Beneath Your Smile (The Old And The New Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon