“AVS! AVS! Lumabas ka dyan. AVS!” Nakahalukipkip ako sa double deck. Sa higaan ko.
Nangangatog ang aking binti. Tuliro ang utak. Yung narinig at nakita ko kanina siguro kung hindi ako dumating at di nila ako napansin ay baka higit pa roon ang nangyari.
“Magpapaliwanag ako. Pakinggan mo naman ako. AVS!”
Sunod sunod at malalakas na hampas ang ginagawa ni Gregg sa pinto ng kwarto namin. Ipinagpasalamat ko na ako lang mag-isa dun pero may kaba sa kabilang banda dahil ang pagtakbo ko at pagpasok sa kwartong ‘to habang nakaduty ako ay sermon ang mangyayari sa ‘kin, ang mas malala ay baka suspended pa.
“AVS! ANO? LALABAS KA DYAN O WAWASAKIN KO ‘TONG PINTONG ‘TO!” Napaurong ako sa kanto ng double deck nung maramdaman ko ang luha kong naglakbay na sa ‘king pisngi.
Hindi yun ang unang pagkakataon. Pero bakit mas masakit ngayon? Bakit mas nakakawasak? Mas nakakapang ubos ng lakas at hininga? Kaya ayoko ng sumugal e, dahil alam kong masasaktan na naman ako.
Napayakap ako sa aking binti. Kahit na nakapalda lang ay di ko na pinansin pa.
Tanga ka talaga, Toinette. Kahit kelan, magkaiba kayo ng mundo. Mas marami siyang makikilalang magaganda at mas mataas ang pinag-aralan kesa sayo. Walang katotohanan ang hilaw na pagmamahal nya. Parausan ka na naman at pampatay ng oras. Libangan ka lang para magkaroon ng mapagtutuunan ng panahon.
Paulit-ulit kong sinisiksik sa utak ko habang nakahalukipkip at tahimik na umiiyak.
“AVS! PUTANG-INA! ISA PANG KATOK KO AT DI KA LUMABAS, SISIRAIN KO NA ‘TO! AVVVVVS!”
Napatakip ako ng tenga dahil sa gulat. Kita ko ang pagtilapon ng pinto ng kwarto kasunod nun ang pagtambad sa ‘kin ng isang lalakeng nagpapabaliw ng huwisyo ko.
Ayoko na. Ayoko na, Gregg. Tama na.
Napayuko ako. Ayoko siyang tingnan, dahil nandidiri ako. Ayoko siyang pagmasdan dahil unti-unti na naman akong kinakain ng sistema ko. Na sa tuwing nakikita ko siya, nadodoble ang pagtibok ng puso ko. Hindi na. Wag na. Tama na siguro. Sa pangalawang pagkakataon, tama na Gregg.
“Avs . . . p-pakinggan mo ‘ko.” Nagmamakaawa ang boses nya.
Ayokong makinig, wag Toinette. Wag.
“Look at me . . “ Umiiling iling ako. Hindi.
“Mahal . . . look at me please.” Tinigasan ko ang pag-iling.
“Kelan mo ba ‘ako hahayaang magpaliwanag? Nung una at ngayon, kelan mo ba ako hinayaang magsalita at depensahan ang sarili ko? . . . . nagsisimula palang bumuka ang bibig ko sinasampal mo na ako. Hanggang kelan mo ako pahihirapan ng ganito, Avs? H-Hanggang kelan?”
Narinig ko ang hagulhol ni Gregg. Nakaupo na sya sa sahig at nakatuon ang dalawang braso sa malamig na bakal ng higaan ko.
Naiiwas ko ang tingin ko ng umangat ang mukha nito para tingnan ako.
Tuloy tuloy lang ang pagpatak ng luha ko. Unti-unting lumalapit ang kamay nito para abutin ang braso kong mahigpit na nakapulupot sa aking binti.
Hanggang sa naabot nya yun at hawakan padiretso sa aking kamay.
Pinagmasdan ko ang mukha ng lalake. Ang pawis na naglalandas sa braso, namumuo sa noo, nagpapaligo sa buhok nya at pinta ng pawis sa overall nyang nakalilis sa bewang, ang mga grasang nakadikit pa sa katawan nya habang marahang hinahaplos ang kamay ko. Hindi ito ang lalakeng mamahalin ako ng totoo.
Imposible yun. Sa tagal ng panahon? Ako pa rin ba?
“Itong mga kamay na ‘to. Ito lang ang kamay na pinapangarap kong hawakan. Ito at ang buong katawan mo. . . .”
Naging matunog na ang pag-iyak ko. Gusto ko ng magsalita at sumbatan sya pero di ko magawa. Nauubusan ako ng salita, ng lakas ng loob.
“Walang nangyari sa ‘min ni Veronne noon. At kahit kelan ay walang mangyayari sa kahit na sinong babae simula nung dumating ka Avs, ikaw lang. . . i-ikaw lang.”
Sinusubukan ako nitong yakapin ng isang malakas na paggiya ng barko ang nangyari. Mas malakas sa mga naunang paggiya. Mas may lalim at bigat. At mula sa double deck ko ay rinig ko ang malakas na sigawan.
Naramdaman ko ang pagyakap sa ‘kin ni Gregg. Ang pagbalot ng katawan nya sa ‘king buong katawan ng magsimulang maglalaglagan ang malalaking bombilya sa kwarto namin. Ng matumba ang higaang pinupwestuhan ko. Ang mga outlet na bakal . . . . ang malalaking tubo na nakaimbak sa aming kwarto. Kasunod nun ay ang pagbulong sa ‘kin ng lalake habang nasa ilalim ako.
“M-Mahal na . . . mahal kita A-Avs. . .m-maha-----“
"G-Gregg." Nahaplos ko ang pisngi ng lalake ng makita ang malalaking ugat sa noo, mukha at braso nito. Pinipigil ng katawan nya ang maraming bagay na nakadagan sa kanyang likod.
Hindi na nito natapos pa ang sasabihin nung bigla na lang bumagsak ang katawan nya sa ibabaw ko kasunod ng paglandas ng maraming dugo sa ulo at bibig ng lalake.
"GREEEEEEEGG!!"
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomanceKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...