13 - Karma

161 24 0
                                    


“Aray ko, Yzrah!”

Napatuon ang mata ko sa pamilyar na boses at pangalang naulinigan sa bahaging pinto. Bahagya kong iginalaw ang balakang ko para maituon ang likod sa headboard ng kama.

“Kuya kc! Lagot ka kay mommy ‘pag nalaman nya ‘to! Idadamay pa ‘ko. . .”

“Buksan mo na. Ketagal. Gusto ko nang makita si Avs.”

“Ewan ko sayo! Muka kang ate Avs. . . “

Kasunod ng pag-iinit ng mukha nung marinig ang boses ni Yzrah at Gregg ay ang pagbukas ng pintuan.

Malapad na nakangiti ang lalakeng nakaupo sa wheelchair habang may suot na hospital gown. . . tulak ng kapatid. Hindi ko sinuklian ang malapad nitong ngiti dahil unti unting may hinalong ngisi at kapilyuhan.

“Hi ate Avs. .” Si Yzrah saka matamis na ngumiti.

Sinisipat ko ang ngiti ng babae at wala akong nakikitang inis o pilit sa ginawa nito kaya nasuklian ko din sya ng ngiti.

“Labas na! Abala ka pa sa gagawin namin ni Avs.” Ani Gregg sa kapatid na pinag-init ang aking mukha dahil sa narinig.

“Hindi ka pa natuluyang maparalyze!”

“Huy Yzrah! Asikasuhin mo na removal mo! Mag-ienrolment na’t lahat ah. Baka naman inaantay mo pang si Carlo ang mag-exam para sayo.”

“Ewan ko sayo! Bilisan mo dyan ah! Pag ako nagrounded ni mommy dahil dito, lagot ka sa ‘kin.” Si Yzrah na umiirap sa kapatid dahil sinasabayan ng kibot ng bibig ang bawat salita nya. . .

“Malakas talaga ang saltik mo! Sana di ka sagutin ni ate Avs!” Isa pang bulyaw ni Yzrah bago tuluyang sarhan ang pintuan ng ICU.

Tatawa tawang humarap sa ‘kin si Gregg. Na iniwasan ko ng tingin. .

“Masakit pa paa mo?” Lumapit pa ‘to hanggang sa gilid ko kaya medyo nag-iinit ang aking mukha.

Hindi naiilang kundi mas kinakain lang ng kaba. Dahil sa alam kong mapilyo ang lalake ay baka kung ano na naman ang maisipang gawin nito.

“M-Medyo.” Wika ko sa mababang tingin.

Marahang inabot ng lalake ang kamay ko at hinaplos haplos yun ng hinlalaki nyang nakalabas sa puting benda na nakabalot sa kamay nito.

“Salamat, Avs ah.”

Napalingon ako sa lalakeng nakayuko habang pinagmamasdan ang kamay kong hinahaplos ng sarili nyang daliri. Ang malumanay na tono ni Gregg ay nagpakabog na naman ng dibdib ko sa nagwawalang paraan. . .

“P-Para san?” Kinakabahan kong tanong.

Umangat ang tingin nito at saka ngumiti ng bahagya. Bahagyang ngiti pero alam kong payapa. Alam kong kalmado.

“Kung di ka dumating kagabi, baka nasaktan ko na si daddy. Baka nagwala na rin si mommy at baka tuluyan nang nasira ang pamilya namin . . .” Nawala ang ngiti ng lalake at nahaluan ng lungkot ang sulyap sa ‘kin.

Itinuon nito ang dalawang siko sa kama habang buhat ang kamay ko at iginiya sa labi nya. . paakyat hanggang pulso kaya napakagat labi ako sa init ng labi nitong naglakbay dun.

“G-Gregg.” Pigil ang hinga kong saway habang mabilis na pumipintig ang puso.

Matapos nun ay ipinatong na rin yun ni Gregg sa kama at saka masuyong tumingin sa ‘kin. . .

Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon