Inayos ko ang sarili at pinilit na tumayo . . kelangan kong pigilan si Gregg, hindi pwedeng ganito. Ayokong mawalan ng ama ang anak ko, ayokong mawalan ng asawa sa murang edad, ayoko.
Tinext ko ulit ang lalake pero binantaan ko na sa pagkakataong yun. Alam kong sadya ang di nya pagrireply pati ang pagsagot ng tawag. Sinabi kong lalayas kami dito sa unit kapag di sya tumawag. . .
Hindi pa nga halos nakakaisang minuto ay tumatawag na ‘to. .
“M-Mahal . .”
“NASAN KA?!” Sigaw ko . .
“Mahal ‘wag kang sumigaw, yung baby natin . . “ May pakikiusap sa malambing na tono ni Gregg pero di ko kailangan ng lambing nya, siya ang kailangan ko. Ang kailangan kong makausap at ibalik sa unit. . . hindi sya pwedeng umalis.
“NASAN KA?!” Isa pa ulit sigaw ko.
“N-Nandito kila mommy, p-paalis na kami. . n-nandito na si Captain Repalma . . p-paalis na kam---”
“Sunduin mo ako dito. .” May riin ang utos ko.
Agad akong nagbihis sa kwarto . . naglinen shorts na floral ako na hanggang hita at sweater long sleeve na plain na puti. . naglace up sandals sa pangpaa.
“Susunduin mo ako o pupuntahan kita dyan?” Nanggigil na ako sa walang direksyon na sagot ni Gregg. .
“M-Mahal paa---”
“WALANG AALIS GREGG! WALANG AALIS!” Saka ako napahagulhol habang kausap ang lalake . . .
“Tangina. . a-alam mo na, mahal?”
“Oo. . .” Halos mawalan na ‘ko ng boses sa huling salita, umiiling iling ako habang matunog pa ring umiiyak sa cellphone. .
“Papunta dito si Riyu, dadaanan ka nya dyan. . . malapit na sya sa condo. .m-mahal, I’m sorry. .” Yun lang at pinatay na nito ang cellphone . . .
Nataranta ako nung subukan kong tumawag pero nagriring na lang, mabilis akong bumaba pero alalay sa galaw ko. Baka kung mapano ako at ang baby namin . . .
Agad akong lumabas ng condo at sakto ang pagparada ng isang kotse na si Riyu ang inilabas. . .
“Avs, sakay. .” Ani Riyu na agad kong sinunod. . .
Habang nasa kotse nito ay iyak na ‘ko ng iyak, dahil sa bawat pagtawag ko na hindi na sinasagot pa ni Gregg lalo akong kinakain ng takot at kaba. . inuubos ang lakas ko at parang bibigay ka agad ang aking katawan . .
Pero hindi, kelangan kong pigilan ang katawan ko at pigilan sya. Kailangan namin sya ng anak namin. Kailangan ko sya. . .
“Avs . . baka mapasama ang pag-iyak mo kay baby.” Si Riyu na pasulyap sulyap sa ‘kin, nag-aalala ang tingin at kita ko rin ang naaalarma nitong mga kamay habang nagmamaneho. . .
“Alam mo ba ‘to Riyu?” Kalmado kong tanong, pinigil ko ang sarili kong tunugan ang pag-iyak dahil bahagyang kumikirot ang tiyan ko.
“Alam ng buong barkada, at nandun sila para pigilan si Gregg. . . Pero Avs, matindi ang paninindigan ni Gregg sa trabaho nya . . . kapag itinawag ng tungkulin, walang makakapigil dun kahit pa bagyo o tsunami. . kaya makikiusap na rin ako sayo, pigilan mo si Gregg. Ayaw naming mabawasan ng isa pa, tama na si Kristoff. Baka matrauma na ang buong barkada. . .”
Si Riyu na hindi na rin napigilan ang mapahikbi pa. . .
Kristoff?
Pero tumalon agad ang isip ko kay Gregg at sa pag-aalala, sa inis kung ba’t di man lang nya sinabi sa ‘kin ang sitwasyon . . .
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomanceKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...