Nagmamadali akong nagbihis. Sa huling sulyap ko bago iwan ang lalakeng tulog ay napaluha na naman ako. Nakadapa ‘to. Hubad ang pang-itaas at nakatakip ang kumot sa bahaging bewang nya. . . kita ang magandang hulma ng katawan ay napangiti ako habang tumutulo ang luha.
Walang pagsisisi sa nangyari kundi ay isang hindi ko makakalimutang gabi.
“Uy, san ka natulog kagabi?” Si Gauri at Lelaine ay nadatnan kong kumakain ng breakfast sa pantry nung unit. Na sinaluhan ko na rin bago umalis dahil naiayos ko na ang gamit ko.
Habang ngumunguya ay pinamumulahan ako ng mukha.
“H-Ha?”
“Kay Gregg?” Si Lelaine na nanunukso ang tingin at ewan ko ba kung ba’t napatango ako kay Lelaine. Na kung si Gauri siguro yun baka di ko nasagot.
Nagtilian yung dalawa habang naghahampasan.
“Nadiligan?” Si Gauri na pinanlakihan ako ng mata. Di ko akalaing pati ganun ay matatanong niya.
“H-Hindi.” Tanggi ko pero halata namang hilaw yun.
“Sus! Di ka magaling magsinungaling. Meron ano? May nangyari sa inyo?” Sa kaprangkahan ni Gauri ay tinitigan ko na lang ‘to at di na sinagot pa.
Suot ang damit na pinahiram ni Lelaine ay sukbit ko na ang bogo bag ko para lang salubungin ako ng madilim na mukha ni Gregg kasama si Alex sa likuran.
Nagulat ako nung nakaligo na ‘to at maayos na ang suot na damit.
“Ba’t di mo ‘ko ginising?” May galit man ay marahan nitong inagaw ang hawak kong bag.
“Ako na. Kaya ko na.” Agaw ko pero nahila na nya yun ng tuluyan.
“Ihahatid na kita.” Nung akmang hahawakan nito ang kamay ko ay naiiwas ko bigla.
Nagtataka ang matang tiningnan ako ni Gregg. Alam kong naguguluhan sya pero plano kong pagtapos nung kanina ay bahala na ulit sa kasunod. Ayoko pa muna ng ganito. Sariwa pa ang ibang sugat nung nakaraan namin. Iba man dun ay naghilom na, yung iba hindi pa.
“Ganun lang? Pagtapos nung nangyari sa ‘tin kagabi, ganun lang? Basta basta ka na naman aalis?”
Kita ko ang pagtakip sa bibig nung dalawa at agad namang hinila ni Alex ang fiance palayo sa ‘min habang hila naman ni Lelaine si Gauri na may pagkamangha sa mata habang papalayo.
“Gregg, hanggang dun lang yun. Closure lang yun.”
Tama naman e. Closure lang ang gusto ko.
“Tanginang closure! Sex?!” Sigaw na ni Gregg.
“G-Gregg . . .” Wika ko sa nakikiusap kong tono.
Kagat nito ang labi at mahigpit na hawak ang buhok nung isang kamay habang ang isa ay hawak ang bag ko ay napasuntok ‘to sa pader.
“G-Gregg . .” Isang beses lang yun pero agad na dumugo kaya nataranta ako.
Ang benda nung kamay nya ay nagkaron ng mantsa ng dugo sa kamaong ipinangsuntok nito.
“Gregg, tama na.” Pakikiusap ko nung yumakap ako sa kanya mula sa likuran. . .
“Oh wag mong sabihing closure lang ulit ‘tong pagyakap mo. Yung pag-aalala mo. Yung paghalik mo sa ‘kin kagabi ay dahil closure lang ang hinihingi mo? Yung maraming beses na sex kanina ay closure lang ulit?! Tangina naman . . . .“
Pagkaharap nito ay awtomatik na umatras ako.
Nahihiya ako sa dahilan na gusto ko lang talagang mahaplos at maramdaman sya. Ayoko pa ng commitment.
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomanceKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...