“Lumabas ka dyan! Lumabas ka dyan at pagbayaran mo ang ginawa mo sa mga anak ko!”
Kanina ko pa kinakalampag ang halos masira na ring pintuan sa narinig kong bahay ng lalake ni mama.
Baka nandito sya at nagbabakasali na rin ako dahil kelangan pa nyang managot sa ‘kin bago kami umalis ni Liam.
“Ateee.”
“Tabi, Liam. Dyan ka lang sa tabi. Dyan ka lang.” Halos humagulhol na ako sa harap ng kapatid ko para lang mailayo muna sya. Pero pinigil ko dahil paiyak na rin ‘to.
“LUMABAS KA DYAN!”
Isa pang hampas at sipa sa pinto ay tuluyan na yung nasira at nagbukas. Agad kong pinasok ang loob pero walang mama at lalake nya ang naroon.
Paglabas ko ay nakikiusyuso ang mga kapitbahay at panay bulungan pero wala akong pakialam. Kelangan kong makita si mama at maningil ng pagkakautang nya sa ‘kin.
Napakalaking utang na baka buhay pa nya ang isingil ko. Dahil walang hiya sya at walang puso.
Hawak ko na si Liam at paalis na sana kami ng maulinigan kong tinatawag si mama ng kung sino.
“Chelle, kanina pa nagwawala yung anak mo yata dyan. Hinahanap ka.”
At mula sa narinig ay agad kong tinunton yung eskinita at makita ang babaeng kanina ko pa hinahanap.
“Nandito ka lang pala. Halika rito at papatayin kita!” Napahagulhol na ako habang hila si mama sa buhok at itinulak sa daanan.
“Ateeee. T-Tama na, ateeee.” Si Liam na malakas na umiiyak habang pinapanood akong sampalin si mama ng paulit ulit at ibalya sa pader. Pumaibabaw ako at itinuloy ang pagsampal sa babae.
“Kanor! Awatin mo na ang mag-ina.”
“Dapat lang din naman yan kay Chelle, ni walang pakialam sa mga anak.”
“Toinette, tama na. Kalalabas lang ng nanay mo sa ospital. .”
Pigil ng kung sinong lalake sa kamay kong pasampal na naman kay mama.
“Wala akong pakialam!” Nanlilisik ang matang tingala ko sa marahil ay lalake na naman ni mama.
“Hayaan mo sya, Nick.” Si mama sa nanghihinang boses.
Sa pagbitaw ng lalake ay agad kong idiniretso ang dalawang kamay sa buhok ni mama at inuntog ang ulo sa kalsadang semento..
“Toinette!” Pigil na nung lalake sa balikat ko at pilit na akong itayo.
“Bitiwan mo ako! Papatayin ko ‘yan! Papatayin ko ‘yan!”
“Nakakahiya naman ‘tong mga mag-iinang ‘to. Wala ng ginawa kundi magpatayan at magbugbugan.”
Malakas pa rin ang naging piglas ko mula sa lalakeng nakahawak at agad akong nakawala kaya nahagilap ko ang bato sa kalye at akmang ihahampas na kay mama. Nakatingin lang ‘to at walang galaw o ilag sa batong nakatigil sa ere. Tumutulo ang luha habang pinagmamasdan ako.
“Napakawalang hiya mo. Alam mo ba yun? Napakasama mo.” Ako. Saka itinapon ang bato sa kalsada.
Tumayo ako at paimpit na humagulhol. Di ko na kayang tunugan dahil sa sobrang sakit. . . tuloy tuloy ang patak ng luha ko habang nakatingin kay mamang nakapikit na at pumapatak ang luha sa sentido. Tuloy tuloy din habang kumikibot ang labi. Tahimik at di ko alam kung bakit parang kasing sakit ko rin ang paraan ng pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomanceKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...