Saglit akong nataranta nung makita ang pagparada ng isang kotse sa tapat ng restaurant. Napasulyap ako sa orasan at pasado alas sais pa lang.
Tinutuktok ko sa kahoy na counter ang hawak na ballpen at nag-iisip ng pwedeng maging dahilan kay Miyu.
Tama bang um-oo ako kay Gregg gayung naka-oo na ‘ko kay Miyu? Malamang hindi. Pano naman naging tama yun? Sang parte naman naging tama yun?
Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak ko at um-oo din ako kay Gregg. Pero dahil sa komportableng pakiramdam habang kasama si Gregg ay nagtutulak sa ‘kin na isiping tama naman ang naging desisyon ko.
Alam kong unfair kay Miyu, baka labis nyang inaasahan ‘to. Dahil naka-oo na ‘ko baka pa nga nagplano na ‘to nang kung ano.
Marahas na napapabuntong-hininga at patuloy na nag-iisip kung pano o sa anong paraan ko sasabihin.
“Thank you for coming.” Ani Ella na nagpaalarma sa ‘kin at kunwaring sinabayan ang pag-imik nito kahit na wala namang boses yun.
“Huy, tulala ka dyan.” Siko sa ‘kin ni Ella.
Walang effort na ngiti ang ibinigay ko sa katabi saka bumalik na ulit sa pag-iisip.
Isang malalim na buntong-hininga, pagpilig ng ulo at tuwid na mukha ay buo na ang desisyon kong labasin muna si Miyu, kesa pag-antayin ko pa ang lalake ng halos isang oras. Bukod dun, nakakahiya kung maabutan sya ni Gregg.
“Ella, puntahan ko lang si Miyu sa labas . . .mga five minutes. Papaalam naman ako kay sir JB, kaya mo ba ditong ikaw muna?” Nahihiya kong lingon kay Ella.
“Ay oo naman. Kayang-kaya. Sino nga ulit? Si Mr. Yummy?” Nanlalaki ang matang iniikot nito ang tingin sa paligid.
Tumango ako ng marahan kasabay ng hampas nito sa balikat ko.
“Taray, sinusundo ni Mr. Yummy.” Sabay kurot naman sa tagiliran ko nung masilip nito si Miyu na nakasandal sa may pintuan ng kotse nya at nakatanaw sa restaurant.
“Go na. Baka mainip si Mr. Yummy, sige ka. Masungkit ko pa ‘yan.” Tumawa na lang ako sa sinabi nito saka lumabas ng restaurant.
Napatayo pa si Miyu nung makita ako pero sumenyas ako ng dalawang kamay, senyales na teka lang. Ngumiti lang ‘to at tumango.
Mabilis kong tinunton yung kabilang pintuan papasok sa office nila sir JB. Dito din sa bahaging ‘to makikita ang kitchen nung restaurant.
Nahihiya mang magpaalam ay nilakasan ko na ang loob ko dahil mas nakakahiya kay Miyu kung papag-antayin ko sya sa wala.
Nakahinga ako ng maluwag nung agaran din naman si sir na pumayag. At inorasan pa ‘ko ng sampung minuto lang daw na ang nasa isip ko nga’y kahit sana limang minuto ay ayos na. Pero mukang umaayon dahil hindi ko na kelangan na masyadong pigain ang sarili sa guilt at pagsosorry.
Isa pa’y di ko mamamadali si Miyu. Maipapaliwanag ko pa sa kanya ng maayos. Sana.
Dahil yung pagbukas ko pa lang ng pinto ay nagiguilty na agad ako at nawala na naman sa isip ko ang kanina ko pang inuulit ulit na sabihin sa harap ni Miyu. Bahala na lang siguro. Kung anong maging takbo ng usapan ay bahala na.
“Hi.” Bati ni Miyu.
Napapitlag ako sa lamig ng boses ng lalake, hindi intensyunal kundi sadyang ganun lang ang tono nya.
“H-Hello.”
“Nasan si Liam?” Nakayuko ako, nahihirapan akong salubungin ang titig ni Miyu. Hindi ko alam kung ba’t di ko kaya.
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomantizmKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...