19 - Panganib

158 23 0
                                    

Warning: R-18


Matapos ang narinig ay napayakap sa ‘kin si Gregg . . puno ang luha ng mata at walang alinlangang hinalikan ako sa harap ng pamilya niya . . habang nakahiga at siya sa ibabaw ko. . .

“Anak, may mga bata . .” Paalala nung mommy ni Gregg.

Agad ‘tong napakalas at nagpunas ng sariling luha habang inaalalayan ako sa pagbangon at pagbaba . .

“Sorry, mommy . . sobrang saya ko lang.”

Yayakapin ulit sana ako nito nung paalalahanan ko siyang masakit ang dede ko kaya di na itinuloy pa kundi ay ipinaikot na lang nito ang magkahawak naming kamay sa tiyan ko. . .

Hindi rin ako mayakap nila tita Criz at tito Gregor dahil sa parehong dahilan gayun pa man ay nakita ko ang paghikbi nung mag-asawa pagtapos na sabihin yun ng OB. . .

“Anak, yung prenatal check-up mo ha. . . papadalhan kita ng maraming libro tungkol sa pagbubuntis. Tapos yung---”

“Mommy, nakailang beses ka na nyan . . aalis na kami.” Si Gregg.

Nasa labas na kami at di na inabala pa ni Gregg na iparada ang kotse nya sa loob ng garahe nila kundi ay nasa labas ‘to nung gate nila. .

“Sweetheart, tama na nga ‘yan. Naririndi na rin ako.” Yung tatay naman ni Gregg na nakakunot na din ang noo dahil sa paulit ulit na ngang paalala ni tita Crizanta. .

“Bye . .dad, mommy.” Matapos humalik sa pisngi nung dalawa.

Nahihiya man ay humalik na rin ako sa pisngi nung mag-asawa nung magdemand si tita Criz. .

“Wag ka ng mahiya anak. You are now a family, hm?”

Nakakagat labing tinanguan ko ang ginang. .

Habang nasa kotse ay hindi na mawala ang ngiti ni Gregg. . . magkahawak kamay at paminsan minsang kinakausap ng lalake ang baby namin . .

“It’s really surreal, mahal. Hindi ko akalaing magiging daddy na ‘ko. . . galit ka ba?”

Napalingon ako kay Gregg na nagbago ang tono, nahaluan ng lungkot ang masaya nitong boses dahil dun sa huling tanong.

Sunod sunod akong umiling. . .

“Hindi, mahal. . sobrang saya ko din, at dahil sa sobrang saya hindi ko na alam kung pano ko ilalabas.” Napaluha na naman ako saka hinaplos ang tiyan kasunod ng maliit na kiliting naramdaman ko sa loob nun.

Hindi pa sya ganun kabuo, pero sinusubukan na agad ng baby kong damahin pabalik ang paghaplos ko.  . . .

Pagkababa namin ng kotse ay maya’t-maya na agad tumunog ang cellphone ni Gregg. Tumatawag yung mga kaibigan nya marahil ay binalita na ng lalake . .

“Salamat ‘tol . . . tangina ka! Wag mong tuturuan ng kalokohan ang anak ko, Jeko. Malilintikan ka sa ‘kin.”

Baba naman tapos isa na namang tawag ang sasagutin nito. .

“Salamat ‘tol . . six weeks . . hindi pa namin pinaultra sound, maybe in eight weeks. . gagu!”

Tapos isa pa. . .

“Six weeks ‘tol . . oo, salamat. . ngayon? Bukas na lang, gabi na. . tanga mo!”

“Haynaku, Riyu! Bumili ka na lang ng kausap mo, para kang galing sa ibang planeta. Tangina ka! Oo na! . . . gagu talaga, bahala ka na!”

Hanggang sa makarating kami sa unit ay nakangiti na lang ako dahil sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ni Gregg. .

Sa labing isa nyang kaibigan ay labing isa din syang sumagot ng tawag . . .

Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon