Warning: R-18.
Kilala ang pamilyang Del Prado sa pulitika at La Buerda bilang mga haciendero sa buong La Union.
Maraming Del Prado ang nakaupo bilang Mayor ng iba’t-ibang lalawigan ng La Union. May Senador din, may Congressman at may Governor.
Halos kinakain na ng apelyidong yun ang larangan ng pulitika. At kilala din sila bilang maruruming tao sa nasabing larangan.
Maraming sabi sabi na handa silang pumatay ng inosente para lang manalo. Wala ding naglalakas loob na bumangga sa kanila lalo na’t hindi mo kayang protektahan ang sarili mo. Kaya hanggang ngayon, nananatili pa rin ang mga apelyidong yun.
Kinakatakutan at . . . hindi na mawawala ang hinahangaan.
Sa taglay nilang yaman. Marami ang humahanga sa kanila.
“Naku, Toinette. Umalis na kaya tayo dito. . . natatakot ako sa mga La Buerda at Del Prado na ‘yan.” Nakita ko sa mata ni Sanna ang pagkabahala.
Unti-unti na ‘tong naging ilag sa mga lalakeng nandun. Ramdam ko din na may ilang pares ng mata ang nakasunod din kay Sanna.
“Di mo ba sila kilala? Hindi ba sila madalas dito?” Nagtataka kong tanong dito.
Dahil imposible naman na hindi nya matandaan ang ilan nyang customer lalo na’t apat na taon na sya dun.
“Yung iba namumukhaan ko. Pero hindi ko naman akalain na may Torre Alba, La Buerda at Del Prado na pala dito. Baka yan yung sikat na grupong puro engineer daw.”
Nakatanaw kami pareho ni Sanna sa kumpulang ‘yun ng mahuli kami nung isang lalakeng kalapit nung nakahubad.
Naibaba ko bigla ang tingin ko at nagagahol na naghanap ng mga copita at wine glass para punasan at isalansan.
Naramdaman ko sa gilid ko na may lumapit kaya bahagya akong napaurong.
Ang kaninang kampante kong huwisyo ngayon ay nadoble na ang kaba. Nadoble dahil alam kong Del Prado ang nagmamay ari ng katawang nasa tabi ko.
Napaigtad ako ng maramdaman ko ang kamay nyang naglalaro sa aking hita.
Napatingin ako sa ibang direksyon ng nanginginig ang labi at hinahagilap si Sanna. Napapailing ito na parang nagpapaalalang ‘wag akong bibigay.
Nasa matino pa ‘kong pag-iisip. Hindi ko gagawin yun.
Napakapit ako sa gilid nung counter ng dumako ang kamay nito sa pwetan ko. Nagsisimula na akong umatras palayo sa lalake.
Hinahabol ko na ang paghinga ko sa sobrang kaba at takot. Parang isang mabangis na hayop ang nakadikit sa ‘kin ngayon kaya di ko magawang makakilos at makapiglas. Dahil pakiramdam ko’y nanganganib ako.
Natatanaw lang ng mata ko ang sapatos at pantalon ng lalake. Hindi ko alam kung anong klaseng demonyo ang nakarehistro sa mukha nito. Ayokong tingnan dahil natatakot ako.
Ba’t ba hindi nya ako tinitigilan?
Tuloy-tuloy pa rin ako sa marahang pag-atras hanggang sa naramdaman ko na ang malamig na pader sa aking likod. Ang marahan na paghaplos ng lalake sa aking pisngi. Pababa sa aking balikat, sa likod, sa tiyan hanggang dumapo yun sa hita ko.
“Why are you so damn attractive? Did you just seducing me, miss?” Halos pabulong nitong tanong.
Namamaos na ang boses nito at amoy na amoy ko ang alak na lumulunod na rin sa aking magkakahalong pakiramdam.
Nag-iinit na ang mata ko at alam kong anumang oras ay babagsak na ang luha doon.
Napakamalas naman yata ng unang gabing ‘to.
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomanceKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...