She is holding my hand. . . . I’m tense and apprehensive. My other hand led me to my chin, silently praying. I can’t see anything because I am still shutting my eyes off but I am attentively aware what was happening on the flat screen television inside my father’s office at the capitol of San Fernando, La Union. He is the Mayor but soonest, someone will replace him.
Or more so, I’m praying to be the one who will replace him.
Dati nang naging Senador si daddy pero sa pangalawang pagkakataon ay itinigil na nya. Malaki raw responsibilidad at gusto na lang daw ni daddy na ang masubaybayan ay ang sariling bayan kaya tumakbo ulit sya sa pagkamayor na ang nakalaban ay daddy ni Alonzo. . . sinadya na ni daddy na kalabanin ang kapatid dahil sa anomalyang nangyayari sa loob ng LGU. At ngayon, nagdesisyon na akong tumakbo kahit kulang sa karanasan dahil nakiusap sa ‘kin si daddy na magpapahinga na sya. Tutulungan na lang daw nya si mommy na magpatakbo ng ospital tutal ay deserve na rin naman daw nila ang masolo ang isa’t isa habang patanda. Hindi na ako tuluyan pang nakatanggi nung si mommy na ang nakiusap sa ‘kin.
Ayoko pa sana dahil alam kong hilaw pa ako para sa posisyon, pero nadagdagan ang kagustuhan kong alamin ang tiwala sa ‘kin ng mga tao nung malaman kong tatakbo din si Yohan. Dun ko na rin ginusto, bilang challenge sa sariling nasimulan, na akala ko ay magiging chill lang ang labanan. Pero habang nauubos ang oras ay lalo lamang akong binabalot ng iba’t ibang klaseng pakiramdam na higit ay kaba.
Today is an election day. Balot boxes counting are just about to finished and I’m fucking nervous within.
“Mahal . . . calm. . . you got chances. This precinct shows you are ahead. Open your eyes.”
Minulat ko ang mata ko pero may panghihina pa rin sa paglingon ko sa screen. Gitgitan ang laban namin ni Councilor Yohannes Santiago, one of the best public servants of San Fernando. My first friend in politics.
Halos mapaluha na ako sa sobrang kaba dahil alam kong 50-50 ang laban ngayon. It was a friendly competition between me and Yohan. Second time first vote bilang isang councilor, ako naman ang pumapangalawa sa kanya nung nakaraan at unang takbo ko. At ngayon, sa pangalawa kong pagkakataon at sa pangatlo nya, everything is just unknown.
I took my hand back from my wife . . . and pulled my two palms together where two thumbs are beneath my chin, where two index fingers are just touching my trembling lips.
“You’re pale . . . baka naman mahimatay ka nyan mahal.” Wika ng asawa ko sa gilid.
She stood and brought me a glass of water.
“Thank you mahal.”
Nung matapos kong mainom ay hirap na umupo ang asawa kong magpafive months nang buntis. Napakalma ako ng kaunti nung makainom ng tubig at agad na tinulungan si Avs na makaupo sa gilid ko. And when she turned her head to me, she just smiled. A very sweet smile from my very beautiful wife. Despite having bloated cheek and meaty neck. She is still as pretty as before.
Nung maisip na nakakaya ko nang purihin ang asawa ko sa utak ay alam kong makakaya ko na rin na pagmasdan ang screen at i-estimate kung may chance ba akong manalo. Sa limampu’t siyam na barangay ng San Fernando at sa halos mahigit sandaan na presinto nito ay karamihan dun ay lamang si Yohan.
Naramdaman ko ang maraming kamay na nagmamasahe sa likod ko, balikat, batok at kahit san pa at sa sunod sunod na hakbang na yun, alam kong ang barkada yun.
Hindi ko na inabala pang tingalain ang mga ulupong dahil hindi ako interesado kung sino ang dumating. Alam kong nandun sila para asarin na naman ako sa pagtakbo kong mayor na ‘to na wag daw akong mag-alala dahil hindi naman daw ako mazizero vote dahil nandun naman daw yung ibang barkada na mga taga San Fernando. Sila Alex at Axl, si Alonzo, at si Riyu.
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomanceKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...