Warning: R-18.
Napahagulhol na 'ko ng biglang bumundol ang noo ko sa dibdib ni Gregg. Sa kahihiyang nasa harapan ko, na nasa harapan ni Gregg. Nasasaktan ako.
"Ateeee." Si Liam. Kaya niyakap din 'to ni Gregg.
"Wala akong pakialam kung anong pamumuhay meron ka. Walang akong pakialam sa ibang bagay, ang gusto ko lang ay walang manakit sa inyo ni Liam. . . ayokong nakikita kayong may mga sugat. Nagagalit ako 'pag ganun. E ano kung ganito ka lang? Wala namang nagsasabing ganito ka lang."
"G-Gregg."
Napatigil ako sa paghikbi nung makita ko ang orasang nagsasabing magsiseven thirty na.
Agad akong bumitaw sa pagkakayakap nito at tinunton ang cr para kunin yung malaking timba at magtabo ng pampaligo.
Pinupunasan ko ang luha ko habang pahakbang palabas ng bahay. Nakayuko dahil nahihiya.
Nagulat ako nung kunin nya yung timba at nagpatiuna sa paglalakad.
"Saan?"
Alinlangang itinuro ko yung poso.
"Pano 'to? Ah . . . parang sa barko lang. . ." Wika pa saka hinawakan yung kapitan at sumubok bombahin.
Isinahod nito agad yung timba at wala pang minuto'y napuno agad yun.
"Walang ibang nagbobomba dito?" Ani Gregg.
"Meron pero bibihira. Yung iba naman may mga gripo na tsaka mas malapit na poso."
Tumango tango lang ang lalake habang nililingon ang mata sa paligid.
Napaflex ang muscle ng lalake at nagsilabasan ang ugat nito sa kamay nung binuhat nya yung timba. . .
Saglit 'tong tumigil at ibinubuka buka ang kamay. Namumula yun at halatang walang kakalyo kalyo.
Napasulyap ako sa kamay kong nakalaylay sa 'king hita at bahagyang ikinuyom. Nararamdaman ng sarili kong daliri ang matitigas na parte nun pati ang kagaspangan.
Naramdaman kaya nya ang kalyo ko kagabi? Malamang at nakakahiya kung ganun.
"Ganito kalaking timba ang binubuhat mo Avs tuwing umaga?" Napaigtad ako ng bahagya nung magsalita 'to.
"Hindi ko naman pinupuno." Ako. Habang nakasunod sa lalakeng binuhat na ulit yung timba.
"S-Salamat." Nahihiya kong wika nung napuno nito yung planggana sa cr.
"San ka pupunta?" Nagtataka kong tanong nung palabas pa 'to ng pintuan bitbit ang timba.
"Liliguan ko na si Liam. Baka malate ka pa. Tara na, Liam."
"Marunong ka?" Nakataas ang isa kong kilay at kunot ang noo.
"Oo ah. May dalawa akong kapatid na mas bunso sa 'kin. Ako nagpapaligo sa mga yun nung baby pa sila."
Tinanaw ko yung dalawang lumabas sa pintuan habang may hawak na panghilod, shampoo at sabon si Liam. Nakahubad ang pang-itaas ni Liam kaya kita ang mabuto nitong katawan.
Napangiti na lang ako at akmang papasok na sa cr nung narinig kong nagtatawag si manang Bebang.
"Bakit po manang Bebang?" Nilabas ko ang ginang at nakita kong hawak nito yung dalawang puting malalaking supot na bigay ni Miyu.
"Ito yung naiwan nyo kagabi." Bakas pa sa mukha nito ang pag-aalala.
"Salamat po, manang Bebang." Wika ko nung kunin ko sa ginang ang mga supot at bag na nakasabit pa sa balikat.
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
Storie d'amoreKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...