5 - La Buerda

241 37 0
                                    

Nagising ako ng maramdamang may nakapatong sa ‘king hita.

Ang biglang pagmulat ng mata at pagtambad ng matinding liwanag na nanggagaling sa malaking bombilya ay nagpasakit ng ulo ko.

Naiharang ko ang kamay ko para maaninag kung anong klaseng lugar ang aking hinihigaan.

Agad akong napabalikwas ng tumambad sa ‘kin ang isang malinis at malaking puro puting kwarto.

Sa gilid ko ay ang tulog at nakasubsob na si Ella habang nakapatong ang braso sa hita ko.

Kami lang ang tao sa kwartong yun at kung hindi ako nagkakamali ay ospital yun dahil nakakita ako ng doktor na kadadaan lang. Natanaw ko yun sa konting salamin na nasa pintuan.

Si Liam?

“Ella?” Mahinahon kong niyugyog ang balikat nito kahit nakakahiya man.

Bahagya pa ‘tong umungol at kinusot ang mata bago napabalikwas.

“Oh Toinette. Gising ka na pala.” Nakita ko ang tuwa sa mukha ni Ella nung maaninag ako.

“Si Liam?” Nag-aalala kong tanong.

Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari, sa kung kanina o kagabi o kahapon. Hindi ko alam ang itinagal ng tulog ko at di ko alam kung anong oras na ba.

“Si Liam? Nag-aalmusal. Kasama si Mr. Yummy.” Wika ni Ella.

Napatakip pa ‘to sa bibig nya at nanlalaki ang mata na para bang di nya sinasadya. Saka biglang napahagikhik.

Napakunot noo ako sa ginawa nito pero nagkaron din ng pagtataka sa utak.

“Sinong Mr. Yummy?”

“Yung tumulong sa ‘min na dalhin ka dito sa ospital. Nahimatay ka kaya kagabi.” Paliwanag nito na may kahalong kilig at bungisngis.

Napatuon ang mata ko sa orasan na nasa dingding saka sumagi sa isip ko na kung nasa ospital ako, ibig sabihin bayarin ‘to.

Napababa ako bigla na naging dahilan ng pagpitik ng sentido ko kaya napatuon ako sa malambot na kama.

“Ayos ka lang, Toinette?” Nag-aalalang inalalayan ako ni Ella sa braso para makaupo sa gilid ng higaan.

Tumango tango na lang ako kahit na di pa naman talaga. Siguro’y dahil yun sa sobrang pag-iyak ko.

“Si Liam . . kanina pa ba sila uma----”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa pagbukas ng pintuan. Agad ‘kong naituon ang mata dun at inaantay na makita ang kapatid ko. Hawak ‘to sa kamay ng isang lalakeng hindi pamilyar sa ‘kin.

“Ateeee.”

Mabilis na tumakbo si Liam suot ang malawak na ngiti nung makita ako. Agad kong niyakap ang kapatid ko dahil sa pag-aalala.

“Okay ka lang ba? Nakatulog ka ba ng maayos? Wala bang masakit sayo?”

Ang sunod sunod kong tanong ay sinagot din ni Liam ng sunod sunod na iling.

Napasimangot ‘to kaya nahaplos ko ang pisngi nitong gusot.

“Bakit?” Nagtataka kong tanong.

“Pag ako lumaki, lalabanan ko sila.” Sumenyas pa ‘to ng pasuntok sa hangin na ikinaluwag ng dibdib ko.

Nakarinig ako ng pigil na tawa sa gilid kaya napadako ang tingin ko sa direksyon na ‘yun.

Naiiwas ko agad ang aking mata nung sinalubong yun nung lalake.

Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon