Hawak ang cellphone ay nagmamadali kong pinipindot ang elevator paakyat sa deck 10.
Nung nakaraang araw pa ang message nyang yun. Dahil nga kakaalis lang ng barko sa North Carolina pabalik ng Pilipinas ay medyo sakop pa ng mga signal ang dagat.
At mula sa chat ni Sanna, patay na si George at nakaconfine sa ospital si tito Gregor at tita Crizanta. Malubha ang lagay ni tita Crizanta, na nakafirst day ng coma. Habang si tito Gregor naman daw ay nagising na.
Habang papunta sa ospital ang mag-asawa nung malaman na patay na si George ay naaksidente 'to.
Tulo ang maraming luha para sa sakit na nararamdaman ko at lalong sakit din na nararamdaman ni Gregg ay halos mapakapit na 'ko sa railing ng elevator.
Alam kong nakaduty ngayon si Gregg dahil off duty ko. Pero nagbabaka sakaling maituro sa 'kin ni Ivan ang engine deck ng lalake.
Nakakahiya man dahil puno na ng luha ang mukha ko ay agaran akong nagdoorbell. At di kilalang mukha ang tumambad sa 'kin na nagtataka dahil marahil sa pag-iyak ko roon.
"S-Si Gregg?"
"Gregg? Ah yeah. He's not here. He's on duty. W-Who are you anyway?" Sa British accent ng kaharap ay alam kong hindi 'to pilipino.
"A girlfriend. Can you tell me where to find him?" Sa natataranta at natutulirong tono ay mukang naintindihan ako nung lalake.
"You knew about Gregg's family situation?"
At lalong nadagdagan ang kirot ng dibdib ko nung malaman na alam na din ni Gregg ang balita. Lalo akong nanlulumo dahil sa naiisip kung anong kalagayan nya ngayon.
Pagbaba namin sa deck 16 kung nasan ang main engine deck ay sinalubong ako ng maraming mata nung puro kalalakehan.
Mga pawisan ang mga 'to kahit na malamig ang panahon. Puno rin ng grasa ang katawan at mukha. Yung iba ay napangiti pa nung makita ako pero natanggal yun nung makita ang pag-iyak ko.
Na unti unting naging matunog nung makita ko ang lalake na nakasandal sa gilid ng isang makina. Nakatuon ang dalawang siko sa tuhod. Nakayuko ang ulo at aninag ko ang basa na nitong overall dahil sa luha. Matunog na umiiyak habang pinagmamasdan ng mga kasamahan.
At sa pagkapunit ng maraming beses ng puso sa nakikitang kalagayan ni Gregg at sa bawat tunog ng pag-iyak nito ay napasalampak ako sa sahig.
Hindi ko na kaya pang lumakad palapit sa lalake dahil sa panghihina ng mga tuhod ko at panlulumo. Kita ko ang pagkataranta ng mga kasamahan ng lalake nung mapaupo ako. Pero walang naglalakas loob tumulong kundi ay napalingon lang kay Gregg.
"C-Chief . . ."
Nung tumunog ang pag-iyak ko habang pinagmamasdan si Gregg na mapatuon ang mata sa 'kin ay nataranta ang lalake. Punas ang mukha ay napatakbo ito sa kinaroroonan ko. Na imbes na ako ang yumakap sa kanya ay siya pa ang yumakap sa 'kin patayo.
"M-Mahal . . ." Ani Gregg na nag-aalala ang mata.
Habang haplos ang pisngi ni Gregg ay lalo akong napaiyak. Sa mugtong mugto na mata nito, alam ko ang labis labis na sakit dun.
"M-Mahal . . . s-si George . . . . wala na ang kapatid ko, mahal. At si mommy, si mommyyy---"
Sa pagsisimula na naman ng panibagong pag-iyak ni Gregg ay nayakap ko na 'to ng mahigpit.
Habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko ay pareho kaming umiiyak doon. At iba sa mga kasamahan ng lalake ay ganun na rin.
Napapailing na ipinagpapatuloy ang mga naudlot na trabaho habang nagpupunas ng sariling mga luha.
![](https://img.wattpad.com/cover/275422482-288-k794112.jpg)
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomanceKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...