18 - Buntis

156 25 0
                                    


“Sigurado ka bang ‘yang tig sasampung libo lang bibilhin mo, mahal?”

“Okay na ‘to. Aanhin ko naman ang mahal na cellphone?”

“Bahala ka . .”

Kasalukuyan kaming nasa CSI mall para bumili ng cellphone dahil kakailanganin ko para pag-usapan sa gc yung tungkol sa zumba na gagawin namin sa plaza ng San Agustin . . .

“Salamat po.” Matapos abutin ang shopping bag at naglakad na palabas ng oppo store. .

“Kain muna tayo.” Ani Gregg nung sumulyap sa relo tapos nagtipa ng kung anong reply sa cellphone nya.

“Kuya Gregg, sakay muna tayo dun.” Si Liam nung makita yung umaalon alon na malaking Centipede. . hila si Gregg sa isang kamay.

“Kasya ba ‘ko dyan?” Napapakamot sa ulong tanong ni Gregg na di makangiti dahil sa ideya ni Liam.

“Kasya tayo dito kuya Gregg. . . lika naaa.” Matapos sumakay . .

Napatawa naman ako nung pilit pagkasyahin ni Gregg yung pwitan sa maliit na katawan nung Centipede at mukang di na makauga pa dahil sa pagsakay ng lalake. . . hawak nito si Liam sa unahan nya para di mahulog habang siya naman ay walang kaeffort effort na basta lang naupo dahil sa tangkad. . .
Masama naman akong tiningnan nung lalake nung makita akong nagtatawa sa kanya . . .

Agad kong kinuha yung cellphone sa bulsa ng aking medyo maluwag na khaki shorts na mid thigh ang haba, kulay pale blue na pinaresan ko ng silk autumn long sleeve top na kulay puti na naka-unbutton yung dalawang butones sa taas kaya kita ang bralette ko na blue. Sadya sa design ng damit na i-unbutton.

At pinicture-an ang nagtatawa na ngayong sila Gregg at Liam, dahil bumibilis pala yung pag-alon nung Centipede. . .

“Liaaaaam! Ang galing ko di ako gumagalaw, tingnan moo!” Nakakatawang sigaw ni Gregg na manghang mangha dahil hindi naman sya halos maiuga nung Centipede . .

“Hala kuya Gregg, ang galing mo.” Uto naman nung kapatid ko sa lalakeng mababaw na ngumiti sa puri ni Liam habang nakalingon kay Gregg. . .

Nang matapos yung dalawa ay agad na din kaming kumain ng tanghalian dahil may parent’s day si Liam mamayang ala una ng hapon kaya nagday-off muna ako sa trabaho. .

“Gusto mo bang bangus mahal?” Tanong nito habang nakatutok ang mata sa menu . .

“Wag yun, baka di makakain si Liam ng maayos. .” Nakikiusyuso naman yung kapatid ko sa pagtingin ni Gregg sa menu . . .

“E di order-an natin si Liam ng iba, sabi mo kasi nung minsan gusto mo ng bangus di ba?” Saka umangat ang mata nito sa ‘kin, may parang iniisip habang nakatingin. . .

Hindi ko na lang ‘to sinagot dahil nilusob ako ng pagkahilo nung maamoy ko yung nalulutong mantika sa pwesto namin dahil malapit yun sa kitchen . . .

“Liam, anong gusto mo?”  Lipat tingin na lang nito sa katabi. Tuloy pa rin sa paghahagilap ng o-orderin. .

“Halo halo kuya Gregg.” Ani Liam. .

“Pagtapos yun ng kanin, anong ulam ang gusto mo?”

“Maghahalo ba tayo?”

“Oo. Pero bago yun, kanin muna. . “

Nagbasa ng saglit si Liam saka kunwari’y nagbabasa na tinatawanan lang ni Gregg dahil akala mo’y matandang tao kung mag-isip.

“Fried chicken na lang kuya Gregg. .”

Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon