Pumasok kami sa samsung store, hindi ko na alintana pa ang mga matang nakamasid. Ang utak ko’y lumipad na lang sa eksena kanina. Paulit ulit na nangyayari sa utak ko hanggang sa tumatak na sa ‘kin ang bawat galaw ng lalake kanina.
Ang maangas na paglalakad. Ang pang bad boy na postura. Ang matikas na awra. At ang dimples . . na paulit ulit na nagpapabilis ng tibok ng puso ko, ang pumupukaw ng buong atensiyon ko.
Naipilig ko ang ulo ko sa kung ano anong lumilitaw na hindi na kaaya ayang usapin. Parang kahapon lang pinapaalis ko pa sya, pero ngayon ba’t parang sumaya ako sa huli nyang sinabi? Bakit?
Di ba dapat galit ako? Oo, galit ako. Dahil sa nalaman ko kaya tama lang na magalit ako.
“Toinette?”
Natauhan ako sa kasalukuyan nung marinig ang mahinahon at malamig na boses ni Miyu. . .
Paghagilap ko’y nasa counter sila ni Liam at may kausap na isang tao.
“Can you come here?” Medyo alangan at may hiyang tanong ni Miyu.
Sinunod ko naman agad at napanganga sa sinasabi nung staff.
“Para sa kanya po ba? Ah, okay po sir. Well, mam. This one is more affordable and is almost with the same spec with this one. . . the only difference is that, the battery capacity. So kung ako po tatanungin, I would recomme--”
“Sir, excuse me.”
Bigla kong hinila si Miyu palabas ng store habang pinamimilugan ng mata. Ang kaninang nagtataka nitong mukha ngayon ay natatawa na.
“Bakit?” Ani Miyu. Habang hinahayaang ibaba ko ang balikat nya para mabulungan.
“Ano yun? Ba’t para sa ‘kin? Fifty thousand na cellphone?” Bulong ko dahil nakakahiya naman kung maririnig ng staff sa loob. Kaya ang pisngi namin ni Miyu ay halos nagdidikit na sa tuwing sinusulyapan ko ang store.
“Di ba wala kang cellphone? Baka lang kakailanganin mo sa school. M-Malapit na pasukan nyo ah.” Namumula ang mukha nito sa di ko alam kung bakit. .
“Pero fifty thousand?” Gulantang kong saad.
“Toinette, yung mukha mo. L-Layo mo ng konti. .”
“Ten thousand lang nakabudget ko, okay na yun. Hindi ko naman kelangan nung sobrang mamahal. Basta may magamit sa school sa communication kahit papano, pero yung fifty thousand. Pano ko na mababayaran sayo yun?”
“Hindi mo naman kelangang bayarin and . . . yung mukha mo. Please, ilayo mo ng konti.”
“Hindi babayara---”
“Ilalayo mo yung mukha mo o hahalikan kita?”
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Paggilid ng mukha ko’y, halos nagdidikit na nga pala ang dulo ng mga ilong namin. Mainit na nakatitig si Miyu sa mata ko nung una, pero bumaba na sa bahaging labi kaya nabitiwan ko ‘to sa balikat at bahagya akong umatras.
Malalim ‘tong napabuntong hininga habang nakatayo lang kami dun.
“Sige, tingin tayo dun ng nasa ten thousand.” Ani Miyu.
Umiling iling ako. Wala pa sa plano ko yung pagbili sa ngayon bukod dun ay nasa bahay ang pera ko. .
“W-Wala akong dalang pera.”
“Ako na muna magbabayad.”
“Hindi. Wag na muna Miyu. Saka na lang . . sa susunod na lang.”
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomanceKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...