25 - Lampas

177 27 0
                                    


"Ma!"

"Teka lang, anak. At may hinahanap pa 'kong gamit ni Liam."

"Sabi ko na kasing agahan mo mama. May pupuntahan ako ngayon e."

Nasa sala ako at inaantay si mama at Liam.

"Ma. Mauna na ako sa kotse, dun ko na lang kayo antayin."

Ang nakaluhod na si mama habang may hinahanap na kung ano sa drawer ni Liam na nasa sala ay lumingon at tumango.

"Mama, nakita ko na." Dinig kong wika ni Liam dahil abala ang mata ko sa tablet na nasa harapan para tingnan ang mga pictures na sinend nung site engineer namin. Para sa on-going construction ng bago naming branch sa Boracay.

"Tara na anak." Si mama habang hawak si Liam na nauna pa ngang pumasok sa kotse kesa sa 'kin.

Nang makapasok ay tinigilan ko na ang pagtingin.

"San ka ba pupunta ngayon?" Si mama nung palabas na kami sa condo.

"Sa Boracay. . . sasama ako dun sa engineer namin. Titingnan ko yung hotel na itinatayo. "

"Pinso, almusal nyo." Si mama na may inaabot na tray na may lamang pagkain sa dalawang security guard na nagbabantay sa gate ng condominium.

"Naku, maraming salamat po ate Chelle. Mam Antoinette, salamat po." Tumango lang ako at bahagyang ngumiti.

Pagsulyap ko kay mama ay mataman 'tong nakatitig sa 'kin.

"Bakit ma?" Tanong ko habang nakatutok ang mata sa kalsada at di ko na inabala pang sulyapan ulit ang titig nito.

"Hindi ka na halos ngumingiti man lang, anak. Kaya napapagkamalan kang masungit. Buti may nanliligaw pa sayo. . . . puro ka trabaho. Kahit ang pagboboyfriend, wala na yata sa isip mo. Kelan mo na ako mabibigyan ng apo?" Si mama na may halo nang biro sa dulo.

Hindi ko na lang sinagot pa si mama dahil wala rin lang naman akong isasagot.

Wala na 'kong time sa mga ganung bagay. Sa dalawang branch ng hotel na hawak ko at madadagdagan na naman ng isa ay baka lalo nang hindi na 'ko magkaboyfriend. Wala sa isip ko at mas lalong wala akong plano.

"Si Ian ba nanliligaw pa rin sayo? O binasted mo na naman?" Si mama na mukang di na ako tatantanan sa mga boyfriend boyfriend na 'yan.

"May mannerism ma. Madalas kagatin ang kuko, ayoko ng ganun." Pairap kong sinulyapan si mama na may suot na tuksong ngiti.

"Lahat na lang yata ng manliligaw mo, may puna ka ah. Si Dylan, mabaho ang hininga. Si Leo, matapobre. Si Daryl, sakang kamo. Si Harry, mababa ang IQ. Kesyo mahirap sabayan ang takbo ng sinasabi. Tapos ngayon si Ian, may mannerism lang inayawan mo na agad. Napakapihikan mo naman, anak." Kasunod ng isang malutong na tawa ni mama. Na hindi ko alam kung insulto ba sa 'kin o ano.

Basta natagpuan ko na lang ang sarili kong nakikitawa na din habang nagmamaneho.

"Si Gregg pa rin ba?"

Nagtataka akong napasulyap kay mama. Sa dalawang taong nakalipas, ni hindi nito nababanggit si Gregg. Ngayon na lang ulit.

"Dalawang taon na ma. Gregg pa rin?" Ako na umiling iling na lang. Pero sa loob ko ay nananatiling ganun pa rin ang epekto ng pangalan ni Gregg.

Ganun pa man, ay hindi ko na lang binigyang pansin pa. Tapos na yun. Nakaraan na yun.

Nang makarating sa paaralan ni Liam ay kasama na nitong bumaba si mama.

Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon