Warning: R-18
“Kamusta lakad mo?”
Sigaw ko mula sa kusina. . hawak ang ice cream scoop at kumukuha ng batter para ilagay sa baking pan. . .
“Okay naman, mahal. Naipasa ko na yung cruise report.” Pabalik sigaw nito. . hinihimas ang sentido habang basta na naihilig ang likod sa sofa. . .
“Kelan ang schedule?”
“Two weeks from now. . . what are you doing?” Saka ‘to sumulyap sa bahagi ko.
“Nagbibake ng cookies. Request ni George para ibaon sa school bukas.”
“Wow!” Kasunod ng panginginang ng mata ay tumayo ito papalapit.
Kumuha ng chocolate chip at pinagmamasdan akong magscoop ng batter habang ngumunguya. .
“Ilang minutes yan mahal?”
“Hmm, depende. Baka abutin ng fifteen minutes. .”
“Tagal naman . . ako na.” Inagaw nito sa kamay ko ang scoop nung nahirapan na ‘kong sandukin yun dahil medyo matigas ang batter na nagawa ko.
Tinanggal ko na ang gloves sa kamay saka inayos ang ilang nakakalat na gamit sa lamesa na pinagbake-an ko.
“Nasan yung dalawa?”
“Nasa kwarto nila, gumagawa ng assignments. . .”
Saglit ko munang hinugasan yung mga natitira pa ng maramdaman ko si Gregg na yumayakap sa likod ko. . .
“Ba’t ang bango mo mahal? Tinutukso mo ‘ko ‘no?” Ani Gregg habang hinahalik halikan ang batok ko. . .
At dahil nakabun ang mahaba kong buhok ay malaya nito yung nahahalikan. . .
“Tumigil ka nga, Gregg. Baka lumabas bigla sila George. Kumain ka na ba?” Napatingin ako sa lalake sa pag-aalalang baka hindi pa ‘to kumakain. . .
“Oo. Kasabay ko sila Carlo, Chris at Axl kanina. . . nagkayayaan.”
Tumatango lang ako habang nakapatong ang baba ni Gregg sa balikat ko . . .
“Nga pala, mahal. Magtatrabaho ka pa ba sa restaurant ‘pag pasukan nyo? Di ba masyadong nakakapagod yun?”
May halong pag-aalala kaya umiling ako ng nakangiti. . .
“Hindi na, mahal. Sabado’t linggo lang free ko tapos may wellness program pa kami na eighteen hours. . . mawawalan na ‘ko ng bakanteng oras. May sweldo na rin naman ako sa pag-iinternship.” Ani ko. Matapos maisalansan ang gamit. .
Kumalas na ang lalake at sumandal sa tiles ng kusina, nakaharap sa ‘kin. . .
“B-Bakit?” Kinakabahan kong tanong nung makita ang malungkot nitong matang nakamasid sa ‘kin. . .
“Mamimiss kita.” Ani Gregg kasunod ng simangot. .
Napanguso ako at hinampas ng mahina ang lalake sa braso saka kinuha yung dalawang baking pan at nilagay sa oven. . .
“Ba’t ako di mo mamimiss?” Nakasunod nitong paglalambing sa ‘kin. . .
“Hindi. . .” Pang-aasar ko.
“AVS!” Reklamo nito saka ako hinigit at niyakap ng mahigpit. . .
“Bitaw. . . napakaclingy mo.” Pasikla kong wika kahit na gustong gusto ko ang bawat pagyakap ng lalake sa ‘kin.
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomanceKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...