10 - Isa Rin Akong Babae?

141 26 0
                                    



Inayos ko ang sarili at kinalma ang dibdib na umaalma sa galit. . .

Humakbang na ‘ko palayo, sapat na yung narinig ko para matauhan. Pasalamat na rin ako at di pa ganun kalalim ang nararamdaman ko para sa lalake dahil baka hindi lang ganitong sakit ang maranasan ko.

Tama si Miyu. Tama sya. At ngayon ay malinaw na sa ‘kin ang lahat.

Nabuhayan ako ng loob ng makakita ng katulong para humingi ng basahan.

“Ah . .  magandang gabi po.”

“Ay magandang gabi po, mam. Bakit po?”

“Wag nyo na po akong i-mam.” Nginitian ko ‘to ng malapad.

“Pwede po bang makahingi ng basahan?” Kalmado at mahinahon kong wika. Sa siguro’y nasa thirties na babae.

“Sandali lang po.”

Agad ‘tong tumalikod matapos isenyas ang kamay. Kinakabahan ako dahil baka biglang lumabas ang magkapatid sa kusina at makita ako sa pasilyong yun pero ipinagpasalamat ko na nung bumalik agad yung babae.

“Salamat po.” Yun lang at tumalikod na ‘ko.

Natatakot akong makita nila. Agad kong pinunasan ang lamesa pati ang kamay ng kapatid ko at saka hinawakan ko na ‘to. Wala nang dahilan pa para magtagal kami dun ni Liam.

Nakita ko ang gulat sa mata nung ginang nung pinababa ko na si Liam sa bangko.

“Ah. . . mam. Aalis na po kami ni Liam.”

“This soon?” Dismayadong tanong ni George na nakapagpangiti sa ‘kin. Dahil ramdam kong gustong gusto nito si Liam.

“Oo, George. Maaga pa kasi kaming aalis ni Liam bukas.”

Tama naman. Hindi naman pagsisinungaling yun kundi ay totoo. Mamimili pa kami ni Liam nung kakailanganin nya sa school dahil may pasok na sya sa lunes.

Tamang linggo bukas, pahinga ko kaya makakamapamili kami. Bukod dun ay gusto ko na ring umalis na sa lugar na yun. Kung pwede lang na ‘wag nang makita pa ang lalake ay mas maganda sana pero ayokong makahalata silang may narinig ako. Narinig na isang masakit na katotohanan.

“It’s too early hija. You can’t even finish your food.” Wika pa ng ginang na napasulyap sa plato ko.

“Pasensiya na po kayo, mam.” Pilit ko. Ayoko ng magtagal pa talaga dun.

Napataas ang dalawang balikat ko nung tumambad na ang mukha ng magkapatid, may dala si Gregg na malaking transparent na bowl. May lamang pinaghalo halong prutas na napapatungan ng puting kung anu mang sarsa. . . naibaba ko ang paningin dahil ayoko syang tingnan.

Kapag galit ako ay ayokong tumingin dahil baka may masabi at magawa akong iba.

“What’s wrong, Avs?”

Nagtataka marahil dahil sa nakatayo na kami ni Liam.

Kita kong ipinatong nito sa lamesa yung hawak. Lumayo ako nung akmang hahawakan ni Gregg ang likod ko. Umiwas ako. . . kita nila. Alam kong halata nila. Ayokong malapatan ng balat nya ang balat ko.

“Hey. . .” Akmang lalapit ulit si Gregg ng tuluyan na ‘kong lumayo. Obvious na layo. Layong mailap.

Dahil yun naman talaga ako. Mailap.

Sumilay ang gulat sa mata ng mga nakaupo. Kay Yzrah, sa ginang at kay Carlo. . . kay George nama’y wala lang.

Hindi ko makita ang reaksyon ni Gregg dahil ayoko siyang tingnan. Ayoko siyang tingnan dahil baka sumambulat ako ng iyak at baka pa biglang umalma ang galit kong pilit kong itinatago.

Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon