"Liam, aalis muna si ate. Iiwan muna kita kay Manang Bebang. Babalik din si ate, hm?"
Nakita ko sa mata nya ang pagkislap ng nagbabadyang luha sa mata ng kapatid ko.
Naiiyak at nanlalambot ako kapag napapahiwalay sa 'kin si Liam. Pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari sa kanya kapag wala ako sa tabi nya.
"Anong oras ka ate babalik?" Sa pagkakataong yun umiyak na sya.
Napayakap sa bewang ko si Liam at matunog na humagulhol. Kaya hinayaan ko na ring tumulo ang luha ko dahil sa awa kay Liam. Alam kong hindi 'to makakatulog 'pag di ako ang nasa tabi nya. Pati si Manang Bebang at Sanna ay nakiiyak na din.
"Babalik din si ate. . . basta babalik ako ha?"
Hinaplos ko ang pisngi at buhok ni Liam para ipabatid sa kanyang babalik ako.
Tumango tango ang kapatid ko saka nagpagiya na kay Manang Bebang papasok sa bahay nila.
"Gamitin mo muna Toinette itong cellphone ko. Tawagan mo si Manang Bebang pagka break natin para makumusta mo si Liam." Alok ni Sanna nung cellphone nya habang pinupunasan nito ang luhang nasa pisngi nya kanina.
Inabot ko yun at kinuha ang cellphone number ni Manang Bebang.
"I love you, Liam. Antayin mo si ate ha?" Niyakap ko at hinalikan sa noo ang ngayon ay umiiyak na naman na kapatid ko.
"I love you din ate. Mag-iingat ka." Tumango tango ako saka binigay na ang kamay nito kay Manang Bebang.
"Manang Bebang, salamat po. Babalik din po ako agad." Hinging pasasalamat ko sa ginang.
Kapit-bahay namin 'to at madalas ay nagpapatulog sa 'min sa bahay nila kapag ka si mama ay umuuwi ng gabi at sa bahay natutulog. Dahil nga iisa at maliit lang ang papag namin, siya ang umuukopa nun habang pinipilit naman ni Liam na makatulog sa bangkong kahoy. Nakaunan ang kapatid ko sa aking binti habang naka-ub-ob naman ang mukha ko sa lamesa.
O di naman kaya ay nag-aaral na lang ako buong magdamag habang binabantayan ang kapatid ko sa pag-aalalang malaglag sa upuang bangko.
Malayo palang kami ni Sanna ay naririnig ko na agad ang hiyawan at malakas na tugtugan na nagmumula sa medyo prestihiyosong bar nung Criselda.
Yun ang pinakamalaking bar sa baryo namin na madalas dayuhin ng mga tiga-maynila. O di naman kaya ay nang mga karatig-bayan.
Pinagpapawisan ang kamay ko kasunod na ng panginginig nun. Nag-echo sa utak ko yung sinabi ni mama na darating ang panahon na magiging puta rin akong kagaya nya. Ito ba yung tinutukoy nya?
"Okay ka lang ba, Toinette? Parang di ka na humihinga dyan ah." Nag-aalalang tanong ni Sanna nung bahagyang napako ang paa ko sa lupa.
Binalot ng panlalamig ang buo kong katawan. Ayoko dun sa lugar na yun. Ayoko.
Umiiling iling ako at humakbang na pabalik. Malalaki ang hakbang ko palayo. Nagtataka ako dahil walang Sanna na nakasunod sa 'kin at namimilit na pumasok ako sa bar na yun.
Napatigil ako sa paghakbang at nilingon ang nasa medyo kalayuan nang si Sanna. Nakayuko 'to.
Kung nabibigatan na si Sanna sa halos apat na taon nyang pagtatrabaho sa bar na yun. Pano pa kaya ako?
May gusto lang akong siguraduhin para kahit papano mabawasan ang pagdududa ko. Humakbang ako palapit kay Sanna. Nagulat pa 'to nung makita akong papalapit na sa kanya.
"Toinette."
"May itatanong ako sayo, Sanna. Sagutin mo 'ko ng tapat. Wag kang magsinungaling."
![](https://img.wattpad.com/cover/275422482-288-k794112.jpg)
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomanceKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...