Kinabukasan ay walang Gregg na naghatid dahil baka nakakandong pa yun kay Veronne ngayon. At dahil do’y nalulunod na naman ako sa maraming negatibong bagay kaya simula kagabi ay palageng sumasakit ang tiyan ko. Gustuhin ko mang tanggalin sa utak ay di ko na magawa pa. Tatanungin ko sya pag nagkita kami. May karapatan naman ako di ba? Asawa ako at higit akong may karapatan, higit kaninuman.
Asawa nga ba? Pero sabi nila at sabi rin ni Gregg, sa kanya mismo na nanggaling yun.
Wala man lang text o tawag na hindi pala sya uuwi kagabi. Ba’t nga naman makakaisip pa ang lalake na umuwi? E kung may mangyayari nga naman sa kanila ni Veronne na matagal na nya sigurong pinapantasya di ba?
Tangina lang. Ang sakit sa puso e. Gusto ko na lang magmura ng magmura at magbasag ng kung anu ano dahil sa galit at selos.
Totoo nga kayang nagbago na si Gregg? O kapareho pa rin sya noon? Mapaglaro pa rin sa babae. O narealize na nya ngayon na si Veronne pa rin talaga ang mahal nya?
Pero pano ang babies ko? Pano sila? Lalaki silang walang ama, ganun ba? Kagaya ko? Walang kinilalang ama mula noon hanggang ngayon?
Mula sa pagkakaupo sa sofa ay napahagulhol na ako. Nagsisimula na ba ang bangungot ko? Ito na ba yung karma ko sa pagmamahal ko sa kanya? Wala naman akong ginawang masama e. Masama na ba yung ang mahalin siya? Ang sakit na e.
Ano kayang iniisip nya habang nakikipaghalikan kay Veronne? At si Veronne? Hindi ba sya nakokonsensiya man lang? Na may anak at asawa na ang lalakeng kahalikan nya? Pano na si Anthony? Pano na ako? Ang mga baby ko? Pano na kami?
Hanggang sa natatagpuan ko na lang ang sarili ko na suka ng suka sa cr dahil sa kakaisip. Hindi naman na ako naduduwal sa umaga. Nawala na yung morning sickness ko kaya alam kong dala ng stress ang pagsusuka kong ‘to.
Dumating ang umaga at wala pa ring Gregg. Habang nasa papunta sa Casa Mana ay iyak pa rin ako ng iyak. Pero pinigilan ko na yun pagkarating. Tatanungin ko ang buong detalye kay Mia mamaya.
Alam kaya yun ng barkada nya? Nandun kaya sila at kinukunsinti si Gregg sa mga kalokohan nya?
Pagkarating ko’y trabaho na lang ang inisip ko. Marami na akong araw na liban baka bago pa matapos ang semester ay di ko maabot ang six hundred hours na internship.
Pero pumapasok naman ako ng sabado kaya hindi naman siguro. Pampuno ko na lang yun dun sa mga naiabsent ko.
Nagulat ako nung mga bandang alas singko ay dumating si Miyu.
“Busy ka?” Ani ng lalake na nag-iisa. Masaya ang mata nito na kabaliktaran ng awra ko. Mukang walang alam si Miyu.
Sabagay kita naman sa picture na wala dun ang mga kaibigan.
“Ah. Hindi na masyado, sir. Bakit po?” Pormal na sagot ko.
“Pasyal lang sana tayo. Kung di magagalit si Gregg?” Si Miyu na napakamot sa ulo. Hindi ko alam kung dahil dun sa pag-sir o kung dahil sa sinabi nya kaya para siyang nahihiya.
At dahil dun ay nag-init ang ulo ko kaya napa-oo ako kay Miyu nang agaran.
“Antayin na kita. Sigurado ka?Nagpaalam ka na ba kay Gregg? May ipapakita lang sana ako, for the last time Toinette. Siguro naman hindi magsiselos nito si Gregg? O ako na gusto mong magpaalam?”
“Hindi, wag ka na magpaalam. Okay lang yun, sir.” Okay lang yun kay Veronne. Masaya na yun dun.
“Pano ka napunta sa bar, Mia? N-Nakita mo ba ang buong pangyayari?” Nasa counter ako at nag-aayos ng gamit ko para sa pag-alis.
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomanceKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...