11 - That's All Mine

147 28 0
                                    


Nag-iisip ako kung ano na ba isusuot ko. Kung yung cargo shorts na army green ba na hanggang gitnang hita ang haba, kung yung cashmere turtleneck sweater dress, kung denim shorts na mas maikli dun sa cargo, o yung linen shorts. Ayun kay Sanna.

Kung magjajogging pants at tshirts naman ako, nakakahiya naman kay Miyu. Mall ang pupuntahan namin at magmumuka naman akong katawa tawa dun kung ganun. . .

“Ateeee. Hindi ka pa ba tapos dyan?” May halong pagkairitang sigaw ni Liam.

Nasa labas ‘to kasama ni Miyu, nakasakay dun sa malaking kotseng laruan na binili ng lalake kagaya ng ipinangako nito.

Kaya nung makababa si Miyu galing sa flight nya ay agad na pumupunta yung dalawa dun tuwing uwian ni Liam. Para turuan si Liam at ng mabilhan na ito.

“Sandali lang. . .” Natataranta kong sigaw. . . narinig ko naman si Miyu na natawa lang.

Ano ba? Pano ba? Hindi naman kaya nakakahiya? Baka isipin ni Miyu ay pinaghandaan ko ‘to.

Matapos ang mahabang pag-iisip na di ko alam kung para san kahit na aapat lang naman ang pamimilian ko ay napilitan na lang akong magcargo shorts. Bukod sa medyo maluwag ‘to ay yun din ang pinakamahaba sa tatlong shorts.

Kung magsisweater dress naman ako ay mukang tanga kc katirikan ng araw. . . kahit na pumasok na ang ber months ay nananatili pa ring matingkad ang init. . .

Ito ang unang pagkakataon na magshoshorts ako at nataon pang makakakita pa kami ng maraming tao. . hindi ko ba alam kung bakit kinakain ako ng hiya. Dahil para sa ‘kin parang wala naman akong karapatan pa na magsuot ng mga ganito base na din sa uri ng pamumuhay namin ni Liam.

Kaya di ko alam kung magiging komportable ako. Bahala na, nakakahiya naman kay Miyu na nakasilk long sleeve polo na wash blue tapos black pants at sneakers. Kung paparesan ko lang ng jogging pants at tshirt.

Naglotion muna ako na bigay din ni Sanna. . . at tinanggal na ang towel na nasa buhok ko para matuyo na yun.

Sinuklay at pinagpag pa para sa natitirang tubig.

Dahil isang silk blouse na kulay puti at isang loose cream tshirt na may tie strap sa sleeve lang ang nandun, pinili ko na lang yung huli. At ayun kay Sanna, i-tuck-in ko daw yung bahaging gitna. Ilagay ko daw sa bandang butones-an para daw maemphasize yung shorts.

Napapabuntong hininga na lang ako matapos magawa yun. Ganito pala kahirap maging babae? Mabusisi at maraming abala. Dati kc pagkatapos ko maligo, magtirintas ng buhok, magbihis ng jogging pants at tshirts, alis na agad kami ni Liam. Pero ngayon halos nakakadalawang oras na ‘ko dito sa loob, isama mo na yung oras ng paliligo.

Matapos magbihis ay pinagmasdan ko ang sarili. Hindi naman masyadong nakakahiya ang balat ko. Kahit papano naingatan ko naman ‘to. Walang peklat at makinis. May puti rin ng bahagya at ang natural sa balat namin ni Liam, mabalbon.

Kaya kapag maghapunan akong nakapantalon, nangangati ang mga binti at hita ko dahil sa balahibo nun.

“Ateeee.” May diin na sa tawag ni Liam. . .

“Oo, nandyan na.” Naaalarma ko nang wika. . .

Agad kong kinuha ang itim na flat sandals na may lace hanggang binti na binigay sa ‘kin ni Sanna nung malaman nyang magmo-mall kami nila Miyu at Liam. Kahit malalim na ang gabi ay hinatid pa nito yun dito kasama si tito Ali kaya medyo nahiya pa ‘ko. Kakatapos lang daw kc nila sa photoshoot nya.

Natutuwa naman ako sa nangyayari kay Sanna, unti unti nang nagkakaroon ng direksyon yung noon nya pa pinapangarap na pagmomodelo at pagrampa sa runway.

Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon