“Ano?! Baliw ka na ba Toinette? Live-in? Alam mo ba yung sinasabi mo? Kay Gregg? Toinette, Del Prado yan! Mayaman! Makapangyarihan! Alam mo ba ang pinapasok mo?!”
Naghihysterical si Sanna sa kusina nila. . paminsan minsang napapatampal sa noo. Nakatayo sa harap ko habang nakaupo ako. Para akong batang pinapagalitan sa posisyon namin.
Sinusundo ko si Liam at nagpaalam na rin kila Sanna, kay tito Ali at tita Mel. . nakita ko pang napaiyak si tita Mel sa narinig kaya napapasok ‘to sa kwarto. . .
“TOINETTE!” Yun lang at napaiyak na rin si Sanna. . . niyakap ko ang kaibigan na humahagulhol na.
Napatanaw ako kay Gregg na parang naalarma nung marinig ang malakas na boses ni Sanna, nasa labas ‘to at binigyan kami ng privacy ni Sanna na makapag-usap. Nakasandal sa kotse nya habang tinatanaw si Liam na makipaghabulan kay Sandro at paminsan minsang nakatanaw sa bahay nila Sanna ng may pag-aalala.
“Toinette, mahal ka ba nya?” Tuloy tuloy ang landas ng luha ng kaibigan kaya napaiyak na din ako. . . hindi ako makapagsalita kaya tanging tango na lang ang nasabi ko. . .
“Gaano ka kasigurado kung totoo yun? Gaano ka kasiguro na hindi ka nya sasaktan at paiiyakin? Gaano ka kasiguro na hindi nya sisirain ang buhay mo? Baka pagtapos kang buntisin ay layuan ka ng lalakeng ‘yan? Toinette, nag-aalala ako sayo. . .”
“Hindi ko sya sasaktan, Sanna.”
Nagulantang ako nung marinig ang boses ni Gregg. . at pareho kami ni Sannang napalingon sa pintuan.
“Tito Ali, tita Mel, Sanna pwede ko ba kayong makausap?” Ani Gregg at kita ko ang hiya sa mata ng lalake pahakbang sa kusina . . .
Nakayakap pa rin ako kay Sanna ng kalasin ni Sanna yun at lapitan si Gregg, sinampal ng mas malakas pa sa sampal na ginawa ko sa lalake noon.
“Sanna . .”
Sasaklolo na sana ako kay Gregg nung isenyas nito ang kamay . .
“Okay lang, mahal.”
“Ang kapal ng mukha mo! Matapos ang ginawa mo kay Toinette noon! Ang kapal ng mukha mo, Gregg! Subukan mong saktan ang kaibigan ko at sirain ang mga pangarap nya. Sisirain kita kahit na Del Prado ka!” Sigaw ni Sanna na lalong nakapagpaiyak sa ‘kin.
Nayakap ko ulit si Sanna mula sa likuran at nagtuloy ang babae sa pag-iyak. . .
Nagmamadali namang lumabas si tito Ali at tita Mel nung marinig na ang matunog na pag-iyak ni Sanna.
“Gregg, para ko ng kapatid si Toinette kaya parang awa mo na. Wag mo siyang sasaktan.” Si Sanna sa nagmamakaawang tono.
“Balak ko siyang pakasalan kung sakaling mabuntis ko sya. At kahit ngayon ay kaya ko syang pakasalan Sanna, tita Mel, tito Ali. Umaayaw lang si Avs dahil gusto pa nyang mag-aral. . . at di ko sya hahadlangan sa kung ano ang gusto nya. Kaya kung ipagkakatiwala nyo po sya sa ‘kin, gagawin ko ang lahat para maalagaan sila ni Liam.”
Si Gregg habang nakatanaw kila tita Mel. Si tita Mel ay tuloy lang din sa pag-iyak habang hinahaplos ni tito Ali ang likod. .
“Gregg, tama nga ba Gregg ang pangalan mo?” Si tito Ali. .
Nagpasalamat ako dahil kumalma na si Sanna sa pag-iyak kundi ay naupo na lang ‘to sa upuan sa kusina. . .
“Gregg, maupo ka.” Si tito Ali saka iginiya ang asawa sa upuan din sa lamesa. .
Naupo din si Gregg at tinabihan ko naman si Sanna. Magkakaharap kami sa bilog na lamesa nila Sanna. . .
“Si Toinette, Gregg. Para na naming anak ‘yan. Kaya masakit sa ‘min ‘to. . at kapag niluko at sinaktan mo yang batang yan. Hindi kami mangingiming kunin yan sayo. . . sila ni Liam. Dito kahit maliit ang bahay, kakain kami ng sapat. Kasya kami dito. Kaya pakiusap lang namin kung binabalak nyong maglive-in, pag-isipan nyong mabuti. Hindi yan isang simpleng desisyon na pang buong gabi lang. Dapat pinag-iisipan nyong mabuti. Dapat sigurado na kayong, kayo na talaga. Pag-aasawa na yan, Gregg. Ang live-in ay katumbas na halos ng pag-aasawa, kulang na lang ang kasal. .”
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
RomanceKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...