Isang linggo. Dalawang linggo hanggang sa umabot na sa isang buwan . . . wala kaming balita kay Gregg. . walang text, walang tawag kung nasan na ba siya. . kung buhay pa ba, kung nalampasan ba nila yung bagyo na kita ko pa rin ang iniwang pinsala dito sa La Union . . .
“Mam Antoinette, table seven ready!”
Napigil ko ang luha na papatak na sana dahil sa pagkataranta nung sumigaw si Chef Josh.
“Okay. .” Pinilit kong ngumiti kahit na wala akong lakas sa lahat ng nasa paligid.
Pakiramdam ko’y bibigay na ang katawan ko, ang isip ko, ang puso ko. . ganito pala ang pakiramdam. Yung parang daig ko pa ang namatayan pero parang mas higit pa nga e. . dahil kung patay na ang isang tao, wala ka ng gagawin pa kundi ibuhos na lang ang luha mo pero pagkatapos nun pwede ka na ulit bumangon, ngumiti at harapin ang bukas dahil sigurado kang wala na sya.
Pano kung ganito? Na hindi mo alam kung patay na ba o buhay ang lalakeng mahal mo? Na hindi mo maibuhos lahat ng luha mo dahil pinipilit mong sumilip ng kahit konting pag-asa sa ideyang buhay pa sya. . . . na araw araw kang mapapatulala, manlulumo dahil baka kahit bangkay nya hindi mo na makita.
Sa isiping yun, napahagulhol na ‘ko. . . napakapit sa gilid ng lamesa habang nagulantang ang staff ng kitchen dahil sa biglaan kong pag-iyak.
At pagtapos nun ay ang pagdilim ng paligid . . . .
Nagising ako na may kamay na nakahawak sa ‘kin. . . pag gilid ng tingin ay kita ko si tita Criz na nataranta nung makitang gising na ‘ko. . . nakalab gown pa ang ginang at may bakas ng luha ang pisngi. Ba’t si tita umiiyak?
“Tita . . a-ano pong nangyari?”
Na ang tinutukoy ko ay ba’t si tita umiiyak, di ko lang madiretso dahil natatakot din ako sa diretsang sagot. . nahaplos ko ang tiyan ko, at sa sampung linggong pagbubuntis , ay may umbok na agad yun.
“A-Anak . . . “ Saka napahagulhol si tita Criz, sa tunog nun ay natatakot ako sa dahilan . .
Si Gregg ba? Ang baby ko ba? . . pero may umbok pa ang tiyan ko, senyales na narito pa ang baby ko. Hindi naman siguro ako maaagasan ng pagkakahimatay lang . . .
Maya-maya pa’y dumating yung OB nung hospital nila Gregg, may hawak na envelope . . .
Marahan akong bumangon na inalalayan naman ako ni tita Criz kahit na humihikbi pa ‘to at ramdam pa ng balakang ko ang sakit ng marahil ay pagkakatumba ko.
Ganun pa man ay nanginginig ang kamay kong kinuha ang envelope at inilabas ang laman nun . . .
Napatakip ako sa bibig sa labis na kasiyahan. . . . kambal ang baby ko.
May kambal na kami ni Gregg pero nawala ang ngiti ko ng makita ang nakasunod na papel sa ultrasound result ko . . . . mababa ang fetal heart rate ng dalawa kong anak. . .
Sa nakita ay lalo akong natuliro, nabablangko ang utak. . . si Gregg, tapos ngayon ang mga baby ko. May kasunod pa ba? Ubos na ‘ko e. Lumong lumo na ‘ko.
“T-Tita, a-ano pong ibig sabihin nito? B-Ba’t ganito po kababa ang heart beat ng mga anak ko? B-Ba---”
Hindi ko na naituloy pa ang gusto kong sabihin dahil sumambulat na ang luha ko na nagpabara ng aking lalamunan.
“A-Anak . . . lumaban ka, anak. Para sa mga baby nyo at kay Gregg. . . alam kong masakit dahil hanggang ngayon ay di pa natin alam kung ano nang nangyayari sa asawa mo, pero para sa apo ko. . . please, lumaban ka. . “ Ani ni tita Criz na nagpatulala sa ‘kin. . lalong umubos ng lakas ko. .
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
Roman d'amourKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...