Nag-overtime ako ng halos isang oras kaya ang lalakeng nasa loob ng restaurant ay nag-aantay sa ‘kin ng halos nasa tatlong oras na.
Kapag napapasulyap ay nakikita ko ‘tong nakasubsob sa lamesa habang nakatanaw sa gawi ko. Paminsan minsang ngumingiti at sumisimangot ang itsura kapag nagsiserve ako.
“Pano tayo makakapag-almusal?” Tanong ko kay Gregg sa medyo kakaunting tao ng lobby ng deck 15 kung saan naroon ang cabin ko. Dinala ko sya dun dahil alam kong kakaunti ang napapagawi sa bahaging yun, kadalasan ay mga crew nga lang din.
“Sa cabin ko na lang. Dalawa kami dun ni Ivan. . . duty siya sa araw, sa panggabi naman ako.”
“Paano ka oorder? E crew ka di ba?” Nagtataka kong balik tingin sa lalake matapos luminga sa paligid.
“May passenger card ako. I can be a crew and a passenger. . . sister company nitong Spectrum yung tito nila Alex at Axl, si Atty. Lee. Kaya pwede rin ako sa amenities dito. So technically, pwede tayong umorder.”
Napanganga ako sa narinig. Atty. Lee? Yun ba yung kapatid ni Doc Lee? Na kung tito nila Alex, ibig sabihin tito rin nila si Doc Lee?
“Anong apelyido nila Alex?”
“Lee.” Napatakip ako sa bibig dahil sa lalong pagkagulat na siya namang ipinagtaka ni Gregg.
“Bakit?”
“Tito ba nila si Doc Lee? I mean . . . si Dr. Alexandro Lee?”
Tumango ‘to agad na ipinagtaka ko dahil pano nya nakilala si Doc Lee. Napapailing ako sa naiisip.
“Ang yaman naman nila.” Nabanggit ko na lang na ikinatawa ng lalake.
“Mismo. . . ano, tara na? Nagugutom na ‘ko e.”
“Papalit lang ako ng damit.” Paalam ko kay Gregg na ipinag-alangan pa nito dahil medyo malayo pa ang lalakarin namin para marating ang cabin. Pero nagpatiuna na ‘ko kung sakaling magrireklamo pa sya.
“Ilan kayo sa cabin?” Tanong ni Gregg sa gilid ko na sinasabayan na rin ako sa mabilis na paglakad.
“Anim.”
“Anim?” Gulat na tanong nito na tinanguan ko pagtapos sumulyap.
“Dami nyo naman.”
“E ano naman sayo? Ako naman ang may maraming kasama, hindi ikaw.” Masungit kong asik sa reklamo nito.
“Sungit mo. . . naglilihi ka ba? Buntis ka Avs?”
Pinanlakihan ako ng mata sa narinig kaya nung tumigil ako ay hinampas ko ‘to sa braso.
“Joke lang. . . kung buntis ka, edi malaki na sana ‘yan. Seven months na e. . .” Tatawa tawa nitong bawi habang hinahaplos ang braso nya. Kaya ang malalim at pantay nitong ngipin ay lumitaw.
Pinag-init ang mukha ko sa ideyang bilang nito ang buwan simula nung huli naming pagsisex. . . kaya inirapan ko na lang ‘to kesa makisabay sa pangguguyo nya.
Nung makarating sa kwarto ay nadatnan ko si Digna at Amari na nagpiprepare na para sa sunod nilang duty.
“Overtime?” Tanong ni Amari nung tinunton ko ang drawer ko at nagmamadaling naghanap ng damit.
“Ah. Yeah.” Sagot ko naman sa medyo may pagkabombay na kacabin. Sa culinary din ‘to pero isa syang chef.
“You look so pretty, Antoinette. You have this beautiful skin and hair. You don’t even have to wear stockings. How did you do that?”
BINABASA MO ANG
Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)
Roman d'amourKakayanin ko ang bagong simulang ito. Kakayanin ko. At sa bawat pag-usad ng bus ay lalo lamang umiigting ang pagluha ko. Kaya ang kwintas na kapit at katatanggal ko lang sa 'king leeg. Ay tuluyan ko nang inihagis sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng h...