HHHAHAHHAHAHA Shaira092 thanks for your votes and comments ❤😘
JUMEIRAH'S P.O.V.
Jas, wala pa bang snack? Reklamo ko. Kami kasi nag-aassisst para sa election. Well, bilang mga modelong mag-aaral daw. Kung di lang dahil kay Jas at Daniel, hindi namin to gagawin.
Oo nga! Nakakapagod na. Need na ng break! Nakasimangot nang sabi ni Sariah.
Tatapusin lang natin ang first years. Tapos break na. Mamaya na yung mga sophomores. Sabi nito na nakatingin na rin sa orasan dito sa gym. Naka-aircon naman dito, pero nakakapagod pa rin yung abot-pilas-shoot na paulit-ulit.
Just bare with it. Sandali nalang naman. Tsaka they are first years kaya hindi pa sila sanay. Later naman second years na. Conyo na sabi ni Conyo Girl.
Ba't ba kasi di pa gawing automated. Madali pa yun eh. Sabi ko. Nagrereklamo na talaga ako.
At last! Halos pasigaw na si Jhanzel. Siya kasi ang taga-bigay ng balot card at nabigyan niya na ang last batch.
Ayaw kasi ng board. Doble trabaho daw, at siyempre gastos din. Paliwanag ni Jas.
Una na ako. Kita nalang tayo sa bar mamaya. Sabi ni Daniel at nauna nang sumakay sa kotse at umalis.
Sariah, umamin ka na kasi. Ano ba talagang nangyari nung huling beses na umalis kayo ni Daniel? Si Jhanzel ang unang nagtanong.
Yeah. You two seems different. I mean, some cold atmosphere between you and Daniel. Sinegundahan naman ni Ann. Mula kasi nung kinidnap ni Daniel si Sariah at bumalik na sila kinabukasan, para na silang strangers. Kung dati ay para silang aso't pusa na laging nagtatalo, ngayon halos hindi sila magkibuan.
Sa'n ba kasi kayo nanggaling? Tanong ko. Hindi pa kami umaalis dito sa parking lot. Nakikinig lang din naman ang mga boys sa amin.
Ang OA. Nothing happened and there's nothing happening between the two of us. Depensa ni Sariah.
Huwag ko lang malaman na may iiyak sa inyong dalawa. Hindi ko kayo pinapakialaman. Banta ni Paul.
Ayaw rin magsabi ni Daniel eh. Oh siya, tara na. Ginugutom na ako. Sabi ni Dion at hinila na si Ann. Sumabay nalang din si Sariah kila Paul at Jas.
PAUL'S P.O.V.
Sabihin mo na kasi. Anong meron kayo ni Daniel? Kulit ko kay Sariah. Wala namang kahina-hinala sa kanilang dalawa liban na lang na parang hindi sila nagpapansinan.
Wala nga. Ayaw niyo ba ng gan'to? Tahimik namin. Hindi niyo na kami kailangang sawayin sa bangayan namin. Pilisopong sagot nito. Magagalit na sana ako ng hawakan ni Jas ang kamay ko at sumenyas na kumalma ako.
That's actually the weirdest thing. Oo at hindi nga kayo nag-aaway pero hindi rin naman kayo nagpapansinan. Hindi na namin kayo pipilitin. Pero sana okay lang din kayong dalawa. Hindi apektado ang pagkakaibigan nating lahat pero nag-aalala pa rin kami. Paliwanag ni Jas dito. Nakita ko naman sa front mirror na bumagsak ang balikat ng panget kong kapatid.
BINABASA MO ANG
Fuck You, Kuya!
RomanceSingle Mother + Separated Father = Step Sibling = Half Sister = Disaster But..... What if..... Step Sister + Step Brother = Forbidden Love Let's find out the answers of our what ifs.