Chapter 29: Lakas Nang Loob at Kapal Nang Mukha

1.2K 10 11
                                    

mitchsh this is for you. Salamat sa flood votesssss and comments mo. Napa-ud tuloy ako😘

DANIEL'S P.O.V.

Our new president is Hanna Solis. Announce ko sa bagong elected na president. Agad naman nagsigawan ang mga kapartido nito at ganun din ang kga supporters niya. Sa totoo lang, magkaiba kami ni Jas ng napusuang kandidato. Si Jas ang may gustong manalo si Solis at ako naman ay sa kalaban nito. Mas nakuha lang siguro nito ang loob ng karamihan dahil siya ay babae at mas banayad magsalita kumpara kay Jed na kalaban nito. Kahit sino naman sa kanila ay wala naman kaming problema. Parehas namin silang officer kaya kilala na rin namin sila at alam na namin ang ugali at kakayahan nila. Wala rin naman kaming problema kumg sino ang manalo dahil ang aim talaga namin ay mas maging maluwag na ang schedule namin. Graduation nalang din naman ang hinihintay namin at sa susunod pang sem iyon. May mga subjects pa rin naman kami pero lahat ay practical nalang at wala ng theoretical kaya ibigsabihin ay wala na kaming lectures. Madalas na lang kaming nasa hospital para tulungan ang mga nurses at manood ng operations para mas matuto.

We will have a meeting at three. For incoming and outgoing officers. Paalala ko sa P.I.O. ng administration ko para masabihan niya na ang iba pa naming co-officers at makipagcoordinate na rin siya sa mga incoming officers.

Congratulations to everyone. I hope that all of you will work hard to achieve the goal of school buddy. Panimulang salita ni Jas dito sa loob ng school buddy office matapos kaming magdasal.

Sigurado naman kaming magiging masisipag kayong lahat. As you all know, ngayon nalang ulit tayo nagkaroon ng election for school buddy. Ayokong isipin niyong lahat na may special treatment sa amin, lalo na sa ating outgoing president. Sa totoo lang ay matagal na rin naming gustong magkaroon ng mga bagong set ng officers pero madalas ay iniisip namin ang mga ate at kuya niyo na sasalo ng malalaking responsibilidad. Ngayon ay alam na naming handa na sila na harapin ang mga pagsubok. Tsaka, gosh! Nakakapagod rin noh? Ayokong maging ngarag sa graduation. Natawa ang lahat sa biglang pagbabago ng pananalita ni Jas. Kanina kasi ay napakaseryoso nito ngunit ngayon ay nakikita na rin ang pagiging malambot at may halong arte nito.

Tama na nga. Ngayon naman ay pakinggan niyo naman si Daniel. Masyado ng marami ang nasabi ko. Pagtutuloy nito at uminom na ng tubig bago umupo.

I have nothing special to say aside from I am watching you. This will serve as a warning. I can see new face here at this office, I don't need to memorize all informations about you but I just let you know that when I need them, I can have them. Banta ko sa kanila. Ayaw kong isipin nila na pwede nilang gawin ang lahat ng gusto nila at abusihin ang pwesto nila. Hindi namin pinaghirapang ayusin ang lahat ng mga naging problema ng school at pagandahin ang reputation ng school buddy para pang dungisan nila.

As you all know, ginawa namin ang lahat para maging malapit man lang sa perpekto ang school buddy, wala kayong karapatan para dungisan ang pinaghiran namin. Dagdag ko pa.

Pwede niyo pa rin naman kaming tanungin sa mga bagay na hindi jiyo alam o hindi niyo kabisado. Ganun paman, tiwala naman akong kaya niyong gawin at gampanan ang mga posisyon niyo. Huwag lang abusuhin. Masiyado na ata akong maraming nasabi. Sino pa bang may bilin sa kanila? P.I.O. bilinan mo na sila. Sabi ko bago naupo. Tumayo naman ang outgoing P.I.O.

Fuck You, Kuya!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon