Chapter 17: Mommy's Delivery

4.3K 14 2
                                    

JUMEIRAH'S P.O.V.

Yes, papunta na kami ni kuya. Sagot ko sa tawag ni mamang dahil nagle-labor na daw si mommy. Mabuti nalang ay maagang natapos ang briefing namin ngayong araw. Kaya diretso na kami ni kuya sa hospital.

Guys, see you nalang later. I'll update you kung okay na mag-visit. Sabi ko habang papasakay sa kotse ni kuya. Tinanguan nalang nila ako at agad ng pinaharurot ni kuya ang kotse.

Pagdating sa hospital ay dumiretso na kami agad sa elevator at hinanap sila mamang sa delivery room.

Mabuti nalang at umabot pa sa St. Luke's ang paghilab ng tiyan ni mommy. Kundi ay mas malayo sana ang travel namin ni kuya. Humalik na kami sa mga pisngi ng matatandang naroon bago umupo.

Mabuti naman at natapos na kayo sa school. Wika ni lola mommy.

Mabuti nga po at maagang natapos, briefing lang po kasi kami ngayon. Anong oras po ba naghilab ang tiyan ni mommy? Sagot ko sabay tanong na si mamang naman ang sumagot.

Kaninang nasa byahe kami papunta sa Cavite, dahil dadalaw sana kami kila balae. Mabuti nga at malapit na kami sa Maynila ng humilab ang tiyan ng iyong mommy. Hindi pa naman pumutok ang kanyang panubigan kaya dinertso na namin siya dito at pinasunod nalang namin ang inyong lola mommy at lola daddy. Mahabang sagot naman ng matanda.

Mga apo, ano ang ipupusta niyo? Babae o lalaki? Babae ako. Aray naman, darleeeng! Sabi ni lolo daddy na kinurot ni lola mommy. Hindi talaga namin inalam ang gender para surprise. Nakiusap si mommy at daddy sa OB nila na huwag ipaalam sa kanila.

Limang libo ako. Lalaki yan, balae. Aray ko po! Sabi rin ni papang ng kurutin din siya ni mamang.

Mga matatandang to talaga. Panay sugal ang alam. Kahit ang apo niyo ay pinagpupustahan niyo pa. Sabi ni lola mommy.

Nga naman! Kesyo babae, kesyo lalaki, kahit panga bakla o tomboy, basta ang mahalaga ay ligtas ang inyong mommy at kapatid ay ayos lang kahit ano pang kasarian. Sabi naman ni mamang.

Mahal naman, alam mo naman ng matagal ko ng gusto na magkaroon naman ng lalaking apo o anak. Sabi ni papang. Matagal na kasi niyang hiling ang lalaki sa pamilya.

Ayan, si Jomer. Ang manugang mo, lahat naman sila ay lalaki. Ano pa bang hahanapin mo? Tanong naman ni mamang.

Di ko naman iyon makakalimutan. Manang-mana naman ang apo kong ito sa akin. Alam na alam mo talaga na apo ko ito. Biro ni papang na nabatukan pa ni mamang. Kaya naman natawa nalang kami. Habang nagtatawanan ay siya namang paglabas ng doktor.

Doc, how is my mom? The baby? Tanong ko agad.

She and the baby is fine. She will be moved to the other room. See you around. Sabi nito. Nagpasalamat naman kami at tuluyan na ngang umalis ang doktor. Lumabas si daddy na agad naman naming sinalubong lahat.

It's a boy. Sabi lang ni dad.

Yes!!!! Sigaw ni papang na sobra ang tuwa na nakataas pa ang kamay habang tumatalon.

Jose, magtigil ka nga. Yang mga buto mo, mamaya ay makalas. Sabi ni mamang kay papang kaya natawa na naman kami.

So, how is the baby and mommy? Tanong ni kuya na ngayon lang nagsalita.

Lalabas na sila at ililipat sa recovery room ang mommy niyo habang dadalhin naman sa babies room ang baby. Aalis na muna ako at uuwi. Pagtapos ay ipaparehistro ko na muna si baby. Do you have any names in mind? Napaisip kaming lahat sa tanong ni dad. Sa sobrang busy kasi namin ay hindi na namin napaghandaan ang mga pangalan na pwedeng ipangalan sa baby.

Fuck You, Kuya!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon