DANIEL'S P.O.V.
Oo na, I'm on my way. Sabi ko sa kausap ko bago pumunta sa pick-up ko. It was Vaughn, isa sa mga pinsan ko. Gusto kasi nito na magplano kami sa gagawin niyang baby shower at sorpresa para sa kanyang asawa. Napaka-jologs ng gago.
Ano bang importanteng plano ang sasabihin niyo? Ayaw niyo kong puntahan sa bar, samantalang bar naman itong lugar na to. Ayaw niyo ba sa bar ko? Bwisit tong mga gagong to! Sabi ko agad pag-kaupo ko palang sa table nila. Kasama rin namin si Elixer at Gun. Iba ko pang mga pinsan.
Gusto mo bang malaman ang totoo? Baka masaktan ka. Sagot ni Gun sabay ngisi ng mapanukso.
Gago! On the rock nga! Sigaw ko sa naka-antabay na waiter.
Sa Sabado, malalaman na namin ang gender ng baby namin. Gusto ko na pag-uwi naman ay magkaroon ng baby shower at gender reveal party. Pagkasabi ng doctor ay sasabihin ko agad sa inyong tatlo ang gender para makagawa kayo agad ng pakulo kung paano maire-reveal ang gender. Yung iba, gumagamit ng balloons o kaya cupcake. Maghanap kayo sa youtube. You should make it a secret to others. Dapat kayo lang ang makakaalam ng gender, wala ng kwenta ang sorpresa pag nalaman na nila. Sabi ni Vaughn.
May plano ka na pala eh. Ano pang ginagawa namin dito? Sabi ko dito.
Sus, mamaya na. Libre inom to. Vaughn, bayaran mo to ah. Sabi ni Elixer kay Vaughn.
Nakakarami na ko ng inom. Bwisit, may dala akong sasakyan. Agad akong naghanap ng hotel na malapit dito at nagbook online.
Wala na ba kayong ibang sasabihin? Nagbook na ako ng kwarto sa malapit na hotel. Alis na ko. Paalam ko.
Woah, hot! Biglang sabi ng waiter na napadaan sa tabi namin. Wala naman akong pakialam pero kinalbit ako ni Gun.
Diba, barkada mo yun? Ano nga ulit pangalan. Hayop, wild! Sabi nito na tinutukoy ang babaeng nagpapaka-wild sa gitna. Agad kong nalagok ang hawak kong alak.
Shit, Sariah! Sakit ka talaga sa ulo. Tatayo na sana si Gun at Elixer na mukhang makikipagsayaw din. Pero, agad akong lumapit sa kinaroroonan niya. May mga lalaki kasing pilit siyang hinahawakan sa bewang at balikat kahit na nakikita kong nilalayuan niya ang mga ito. Mukha siyang tanga na todo-bigay magsayaw pero parang kiti-kiti dahil iniiwas niya ang sarili sa mga humahawak sa kanya.
Di ko naman alam kung anong meron sa alak na nainom ko at agad ko naman siyang hinawakan sa bewang at inilapit sakin ng sobra. Agad itong lumingon dahil sa paraan ng paghablot ko at kita ko ang gulat sa mukha niya na tinanguan ko nalang. Sinakyan naman niya at humawak pa sa leeg ko habang nagsasayaw kami ng malaswa. Ang sakit pakinggan sa tainga, langya.
Woah! Napaganon nalang ang mga lalaking nakapaligid kanina. Matapos ang tugtog ay agad ko na siyang hinila at tinanong kung nasaan ang mga gamit niya bago mabilisang lumabas sa bar.
Anong ginagawa mo rito? Tanong ko sa kanya.
I should be the one asking you that. What are you doing here? When in fact, you own a bar? Tanong nito pabalik.
May kinausap lang ako. Sabi ko rito.
Date. She sounded so sure about her statement.
Ah, basta. Tawagan mo na si Paul para sunduin ka. Utos ko sa kanya.
Nagpaalam akong magba-bar. Tsaka wala sa bahay yun. May biglaan siyang site visit sa GenSan. Sagot lang nito. They have tuna importation business.
Ako na tatawag kay tita, papasundo kita. Sabi ko rito.
Tanga ka ba? Midnight na, alam nilang di ako uuwi dahil nagpaalam nga ako na magba-bar at sinabi kong sa hotel na lang ako matutulog. Sabi nito. Nahiya naman akong tumawag kay tito o tita ng mapagtanto kong gabi na nga at nakakahiya ng gisingin sila.
BINABASA MO ANG
Fuck You, Kuya!
RomanceSingle Mother + Separated Father = Step Sibling = Half Sister = Disaster But..... What if..... Step Sister + Step Brother = Forbidden Love Let's find out the answers of our what ifs.