_jecil___ and
keiibel24 thanks for the vote!JOMER'S P.O.V.
Dito na tayo kumain. Tigil na muna tayo, kape tsaka kain. Ikaw na susunod, Paul. Sabi ni Andrei ng tumigil kami sa isang restaurant along the road ng La Union.
Ako na lang. Mamaya na si Paul. Alam mo namang pagkabusog pa yan eh tinatamad pa. Prisinta ko nalang at nagsibaba na kaming lahat. Mabuti nalang naman at walang masyadong tao, alas otso na rin naman kasi ng gabi. Tatlong oras nga kami sa Marcos highway. Nakauwi na naman ang mga estudyante kahapon pero andami paring mga sasakyan.
Here's our menu, dear customers. It's better to share. Sabi ng isang waiter sabay abot sa apat na menu.
Ano gusto niyo? Order natin 'tong lechon sinigang, dalawang orders. Kailangan ko ng sabaw. Kuha tayong seafood. Gulay pa ba? Meron naman ng gulay yung sinigang. Paul, toka mo 'tong kakainin ngayon. Sabi na naman ni Daniel. Boss talaga.
Rice tayo? Tempura nalang. Gusto ko sana 'yung sweet and sour na hipon kaya ngalang baka magtagal tayong kumain. Keri lang? Tanong ni Jas. These girls really love shrimps and prawns.
Parang gusto ko 'tong manok sa saba. Try natin. Nagutom ata ako. Tutal eh bawal naman ang diet diet ngayon. Gulay na rin naman yung pasalubong natin. Sabi ni Sariah. Nagutom na rin siguro lahat ng mga 'to. Ilang araw din kasing di kami makakain ng maayos kasi nga lagi kaming pagod at namamadali sa pagkain.
After some time ay dumating na yung order namin. Nanahimik kaming lahat at talagang mga gutom na nga kami. Mabuti naman at masarap din ang pagkain dito kahit papaano.
Do you have VIP cards here? Baka mapadalas ang pagkain naming sampu dito. Sabi ni Paul sa cashier na mukhang siya din naman ata ang manager dito sa restau.
Wala po, sir. Pero kung matatandaan po namin kayo. Next time po, bibigyan ko nalang po kayo ng five percent discount sa buong bill niyo. Sagot nito kay Paul.
Thank you. 'Till next time. Sabi ulit ni Paul na nginitian nalang namin at dumiretso na nga ng sakay. Take out nalang namin yung mga kape namin. Sa van nalang kami magkakape.
Alis na tayo. Ubos na ba yung kape niyo? Baka abutin tayo ng Alas Dos nito. Alas nueve na. Nagsisakay na kaming lahat at umalis na. Pagsampa namin sa TPLEx ay pinaharurot ko ng 100 ang takbo ko. Ansarap ng gan'to. Walang traffic. Nang makalabas kami sa Tarlac ay nagkape nalang muna kami. Umabot lang ng dalawang oras ang biyahe namin dahil nga sa may kabilisan ang patakbo ko.
Ikaw na, Paul. Kape nalang muna tayo ulit. Tsaka parang ginutom ako sa takbo natin. Siopao ba kayo? Tinanguan nalang naman nila ang sinabi ko kaya agad na kong kumuha ng sampung siopao at tatlong pic-a. Si Dion naman ang kumuha ng kape at inutusan ko nalang si Sariah na umabot ng dalawang litrong tubig sa ref. Nagbayad na ko at kumuha ng sampung paper cup. Mabilisan lang din naman kaming nanginain at sumakay na. Dahil sadyang si Paul ang racer sa amin, ayun at nag-ala racer ang takbo namin. Malalim na kasi ang gabi kaya wala na masyadong tao kahit pa nasa Pampanga na kami at papasok na sa Maynila. Bago kami pumasok sa EDSA ay pinatigil na namin si Paul sa pagmamaneho at baka maoverspeeding kami kahit madaling araw na. Si Daniel na ang humawak sa manibela at naghatid sa mga bahay-bahay.
BINABASA MO ANG
Fuck You, Kuya!
RomanceSingle Mother + Separated Father = Step Sibling = Half Sister = Disaster But..... What if..... Step Sister + Step Brother = Forbidden Love Let's find out the answers of our what ifs.