Chapter 23: After Pandemic - Done With OJT

1.5K 9 4
                                    

RIAH'S P.O.V.

Thank you for all your help and cooperation. Alam naming lahat na hindi madali ang naging panahon niyo bilang OJT at ipinagpapasalamat namin ang pag-unawa niyo sa ating naging sitwasyon. Sobra-sobra din ang pasasalamat ng BGH at lahat ng taong narito sa Baguio sa inyo, kahit na sobra pa nga ang oras na iginugol niyo kaysa sa nakasaad sa OJT hours niyo at kung minsan ay hindi lang OJT ang ginagampanan niyong trabaho. Mahabang salita at maluha-luha pang director ng BGH. Kami namang lahat ay talagang malapit na ring humagulgol. Mula sa mga nursing students hanggang sa amin ay mahinang humihikbi. Ang mga boys naman, halatang pinipigilan din nilang mapaiyak.

As we mark the end of pandemic yesterday, August 1, we praise our Almighty God for not letting us be affected by this pamdemic. Nagpapasalamat akong higit na walang nakitil na buhay sa atin dahil sa pandemiyang ito. Pagpapatuloy pa ng director na talagang umiiyak na sa harapan namin lahat. Kami man ay talagang hindi na namin napigilan ang paghagulgol. Ngayon namin naramdaman yung pagod pero nakangiti kaming umiiyak dahil nga ang sarap sa pakiramdam na sa wakas ay tapos na din ang pandemic at lahat kami ay ligtas.

As a farewell party for all of you and a celebration for all of us, may team dinner tayong lahat mamayang alas otso ng gabi sa Samgyupsal sa South Drive. At siyempre ay libre ang soju niyong lahat. Nagsigawan naman kaming lahat. Nandoon kasi kaming lahat sa function hall. Siyempre ay inasikaso na muna namin ang mga pasiyente bago kami nagpunta ritong lahat at siniguradong may mga bantay silang kaanak bago kami nagsipag-punta dito.

Huwag kayong masiyadong magsaya, Doc Dumaw-as at Doc Jacinto. Di kayo kasali sa papainumin. Natawa kaming lahat. Tinutukoy kasi nito ang dalawang may edad nang lalaki na pinakamatagal ng doktor dito.

Itong mga OJTs lang natin. Kayo ay kailangan pang magsipagbantay mamaya. OJTs, sagot ko kayo mamaya. Nagsihiyawan naman kaming lahat dahil sa sinabi ng director.

Pero may duty parin kayo hanggang Biyernes. Pahabol nito.

Aaaaah! Angal naming lahat na tinawanan na lang nila.

DANIEL'S P.O.V.

Kyaaah! Guys, nanganak na si Zea. Look! Ang cute! Tili ni Riah. Kakaupo palang namin dito sa Jollibee para magdinner ay pinagtinginan na kami agad dahil sa tili ni Riah. Nagsipagtinginan naman silang lahat sa phone at halos idikit na ang mukha.

Bobo niyo. May sarili naman kayong phone. Sabi ni Paul at inilabas nga nila ang kanya-kanyang telepono. If you're asking me, wala lang. Hindi ko na inilabas ang phone ko, panigurado lang ron na makikita ko yan.

Look. Bato ni Sariah ng phone niya. See? Sabi ko naman sa inyo eh makikita ko yan kahit di pa ako maglabas ng phone.

Tsk. Sabi ko nalang. Mabuti at hindi ako tinamaan sa mukha ng cellphone ng babaeng to. Kundi, ibabalibag ko sa kanya pabalik.

Lalaki. I hope he will become a good man. Komento ko naman.

It's fine to be hurt. Sabi ni Sariah sabay hablot ng phone niya at kabog ng malakas sa balikat ko. Pinanlisikan ko ng mata ang lapastangang babae at binelatan lang ako.

Pinagsasabi mo. Hurt? Sa dinami-dami na nga ng pinagdaanan nating hirap dito, maiisip ko pa ba yan. Sabi ko nalang at sumubo nalang ng pagkain.

Fuck You, Kuya!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon