Chapter 18: Internship - Start Of The Hell

2.3K 13 2
                                    

JOMER'S P.O.V.

Nakapaghanda na kami lahat ng mga damit namin. Linggo ngayon kaya kahapon na kami nagsisimba. Tsaka dito nalang kami sa bahay nagpa-special mass dahil kay mommy at CJ. We're just waiting for Andrei. Kami kasi ang pinakadulong dadaanan. Kaya kumpleto na sila panigurado. We decided to go nang alas dies ng umaga. Ayaw naming gabihin dahil mahirap ang matarik na daan. Isa pa ay mahamog na rin. Sinabihan rin kasi kaming maulan na doon. Kanina pa sana kaming alas otso pupunta kaya nga lang ay paniguradong traffic pa dito sa Maynila nang ganoong oras.

They're here. Mom, yung mga bilin ko. Bye, mhie, daddy. Byieeee, CJ. Humalik na si Riah sa kanila. Ganun na din ang ginawa. Kumay nalang naman sila at umalis na. Si Daniel ang driver pero si Andrei ang katabi niya dahil magpapalitan sila mamaya pagdating sa La Union. Mas kabisado na kasi ni Andrei itong van nila kaya siya ang driver sa mas mahirap na daan.

Dahil walang traffic ay nakarating kami sa Pangasinansa loob ng tatlong oras. TPLEX ang daan namin kaya mas naging mabilis pa ang biyahe. Nagtake-out nalang kami sa fastfood at sa van na kumain. Hinahabol talaga namin ang oras dahil ayaw naming abutan ng rush hour sa Marcos highway, napakahirap pa naman sumingit.

Nakapagpahinga ka na ba, Drei? Nagugutom na ko eh. Sabi ni Daniel. Agad naman niyang itinabi ang sasakyan at nagpalitan na nga sila ng pwesto. Malapit na rin naman kami sa La Union. Nagsitulugan naman ang mga babae, kami namang mga lalaki ay panay kwentuhan, mahirap kung matutulog kaming lahat at si Andrei lang ang maiiwang gising.

Nagplay ng rock music si Andrei ng makarating kami sa medyo matarik ng lugar kaya nagsigising na ang mga babae. Nagjamming nalang kaming lahat at nakisabay sa kanta. Naging maganda naman ang takbo ng biyahe, nang marating namin ang Marcos highway ay may traffic na dahil sa napakaraming truck sa kalsada. Nagpafulltank na din muna si Andrei ng sasakyan bago kami tuluyang umakyat ng Baguio. Para daw kasi may magagamit kaming gasolina kung sakali. Nagkasundo din naman kaming magji-jeep o magja-jogging na lang papasok sa hospital. May kalayuan ang bahay nila Andrei sa BGH, siguro ay nasa 10-15 minutes walk, pero ang maganda kasi dito ay maganda ang klima kaya kahit maglakad kami ay hindi kami gaanong pagpapawisan. Para maexercise na rin kami. Kadalasan ay sa hapon naman ang ulan at napakarami namang jeep na bumabyahe kung sakali mang hapon o gabi ang duty namin.

Three rooms lang tong bahay. Girls, kayo nalang gumamit niyang master's bedroom. King size bed naman yan tsaka may sarili ng bathroom. Ililipat nalang namin yung isa pang bed sa kabilang room para magkasya kaming lima. Regular sizes lang kasi sila. Kami nalang din ang gagamit dito sa banyo sa may kusina. Malinis naman na siya dahil ipinalinis na nina daddy last week. Nga pala, may closet na rin diyan, pero iisa lang. Malaki naman. I hope, you can share. Sabi nito.

No problem. Ano ka ba naman Andrei, halos lumaki na tayong lahat ng magkakasama eh. Sabi ni Sariah. Agad naman kaming nagtulungang buhatin ang kama pagkapasok ng girls sa loob ng room nila at nagsipag-ayos na rin ng gamit sa closet na nandun. Sapat naman siya para magkasya ang damit naming lahat. May limang layer naman siya na pwedeng lagyan nang kanya-kanya naming damit at nagshare nalang sa sabitan ng uniform.

May sabon na rin naman pala dito sa banyo eh pati shampoo. Sabi ni Paul pagpasok niya sa banyo sa may kusina.

Kahit tong kitchen cabinets, meron na. Nakasalansan na rin ang mga instant goods at can goods dito. Tsaka may mga kaldero at gamit na rin panluto. Sabi ko naman, chineck kasi namin kung kailangan pa naming mamili ngayong gabi.

Kinupleto na siguro nung mga pinaglinis ni mommy. May laman na rin kasi itong ref at pinuno pa. Hotdog, bacon, tocino. Andami ring gatorade, yakult pati mga prutas at gulay. Good, di na tayo mapapagod. Paul, check mo nga kung may mga supplies pa diyan sa cabinet. Walang nailagay na liquid hand soap dito sa sink. Sabi ni Andrei.

Fuck You, Kuya!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon