Chapter 3: The Greatest Gift

11.4K 45 20
                                    

JUMEIRAH'S POV

So it is the day para itinda na namin ang mga nakolekta na naming basura. Actually, marami ring mga palabang students from other sections and sa mismong mga kaklase namin. Ang pinakamataas daw na kinita as of the moment ay 2,654 pesos. Wow! Nung una ay panay reklamo kami, akalain mong may nakakuha talaga ng ganun? Sana mabeat namin sila. Kasi naman ngayon lang kami magtitinda. Kaya mahirap talaga at madami talaga kaming talaga. Sa totoo lang ay dalawang toyota hilux ang gamit namin. Pick-up, para maraming madalang basura at di kailangang ilagay sa loob ng car. You heard it right, DALAWA as in 2 pick-ups. Halos di na nga kayanin eh, pinagkasya lang talaga namin. So, ito na ang paghuhukom. Tinimbang lahat at binigay samin yung bayad, which is 3,123 pesos? Ohhhh myyyy???? Kami ba ang nanalo? Lahat kami ay naninigas hanggang sa...

Congrats! Kayo ang pinakamataas na kinita at kayo rin ang nanalo! Sabi ni kuyang bumibili ng kalakal.

Yohoooh. Yesssss. Yehey. Ang galinh natin guys. Winner. Mababawasan na ang sleepless nights natin. Kanya kanya kaming sigaw. Akala mo naman kung ano nang nangyari. Nakakuha na nga kami ng napakaraming attention mula sa mga schoolmates namin, but the hell we care.

As expected. Kaya nga ayaw namin kayong magkakasama eh. Naku, congrats Mr. President and Ms. Vice. Your team won, again. Makahulugang wika at may pailing iling pang sabi ng professor namin sa environmental science.

We will take it as a compliment sir. Thanks. Daniel, sabay tawa. Kami rin ay natawa na.

Let's celebrate. Aya ni Sariah. Siya namang ring ng phone ko.

Wait guys, I am just going to pick it up. Its mom. Kako sa kanila bago sinagot ang tawag.

Mom? Sagot ko sa tawag.

Pauwi na ba kayo? We will have a lunch later. Sagot ni mommy.

Nakauwi na kayo? Excited na tanong ko kay mommy.

Malamang anak. Ano pa ba? Sarcastic na sagot niya. Sometimes mom is so nakakakainis. Pabagets.

By the way, magpapaalam pala ako, for the both of us ni kuya. We will have a celebration. Successful kasi kami sa project. That's me.

Oh great! Let us celebrate nalang dito sa house. Maaga pa naman. Makakapagluto pa at oorder nalang for additional. Tell them also to invite their parents. Matagal narin tayong di nagkikita at nagkakasama kasama. Miss ko na ang mga amiga ko. We also have a great news for you guys. Mom. Na mukhang excited.

Great news? Nevermind. I will tell them nalang. Bye. See you there. Ibinaba ko na ang tawag matapos kong magpaalam kay mommy.

Guys, sabi ni mom let's have lunch daw sa bahay. Also, sama niyo raw mga parents niyo sabi ni mommy. Miss niya na daw mga amiga niya. We'll celebrate nalang next time. Pero sa bahay na muna tayo ngayon. Pagbigyan niyo na si mom mukha kasing may sasabihing mahalaga. According to her ay may great news daw. Don't bring foods na. Baka sumobra. Nakaorder at luto na daw sila mommy. Hiwalay na tayo guys. Inform niyo na rin sila tito at tita para makapag-ayos na sila at di maapura. So we parted ways para makauwi na.

Pagdating namin sa bahay, ang bongga nila. Sa garden naka-set ang isang long table. Dahil nga madami-dami kami ngayon. May pa-cover pa silang nalalaman. Well, medyo mainit nga naman outside. Talaga ring abala si mom. Di niya nga napansin na nanditoon na kami ni kuya. Kung di ko lang siyang niyakap at bineso ni kuya eh.

Hey, kids. Sorry. I didn't noticed you. Mommy.

Obvious naman mom. You're very busy eh. Ano ba yang great news na sinasabi mo at sobrang abala mo yata? Sobrang busy kasi niya and obviously, masaya siya.

Fuck You, Kuya!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon