Chapter 12: Japan Japan (SPG ALERT)

9.6K 34 20
                                    

JUMEIRAH'S POV

Nagbook na kami ng hotel ni kuya. We decided na sa isang suite nalang tumuloy with two bedrooms. It was his idea. Actually, I am quite unease about this pero ayoko namang magpahalata na awkward ako. Dati naman kasi naming ginagawa ito pero after nung nangyari last time, di na ko mapanatag. Isa pa yun sa mga dahilan kung ba't hindi ko na isinatinig ang dahilan ng uneasiness ko, babalik lang kasi yung issue at mapapaalala lang.

I am unpacking my things when kuya entered without knocking. Isa pa yan sa issue ko, di siya kumakatok kahit alam niyang nasa loob ako o kahit naliligo.

What is it? Will you please knock, kuya? What if nagbibihis ako or nakahubad? Kunot-noo kong tanong kay kuya. Di na kasi nakakatuwa.

Oo na. I am just checking up on you. Lalabas ako, I will meet someone at diretso na kami sa dinner. Di na kita aayaing sumama, bahala ka na din sa buhay mo. Nagtaka ko sa sinabi ni kuya. Lagi niya kasi akong inaaya kahit di ko kilala yung kasama niyang kumain. Minsan nga kahit nililigawan niya pa eh, ako lang yung tumatanggi. Pero this time, diretsahan niyang sinabing di niya ko aayain.

Magpaparoom service nalang ako mamaya. Sino ba kasama mo? Tanong ko na di mapigilan ang curiosity.

Di mo kilala yun. Basta. Maliligo lang ako tapos aalis na ko. Paalam niya bago umalis. Wala man lang jetlag? Alis agad. Ewan ko pero nabuwisit ako.

Nanginain nalang akong mag-isa dito sa hotel. Nagcheck-in nalang sana ko sa sarili kong suite. Gusto niyang sa isang suite lang kami tumuloy pero parang mag-isa pa rin naman ako.

Bahala ka. Bukas mag-eenjoy din akong mag-isa. Lilibutin ko ang buong Japan. Sabi ko nalang sa sarili ko. Bahala siya.

Matapos kong maglinis ng katawan ay nahiga na ako. Napansin ko naman ang orasan, alas nueve na ng gabi, wala parin si kuya?

I checked his room. Wala pa siya. Nanood nalang ako sa sala. Baka sakaling mahintay ko pa siya. Nakatapos na ako ng isang movie sa netflix. 10:30 na nang gabi at wala pa si kuya. Tinawagan ko siya pero walang sumasagot. Kinabahan ako kaya tinawagan ko ulit, this time may sumagot agad after three rings.

Kuya, gabi na. Nasaan ka ba? Bakit ang ingay? Sunod-sunod kong tanong sa phone. Ang ingay kasi. Parang nagpaparty or sa isang bar.

Sorry, I answered his phone. He went to the comfort room, baka mahaba ang pila. Nagitla naman ako sa sumagot, it is not kuya. Boses babae at nagtatagalog pa. Who the hell is she?

Hello? Are you still there? Tanong ng babae sa linya.

Y-yeah. Just tell him that I called and please call me back when he's there. Sabi ko nalang. Nagsabi naman siyang oo kaya pinatay ko na ang tawag.

Hindi ako mapanatag sa nakasagot ng tawag kanina. Alas onse na pero wala pang kumokontak sakin pabalik. Sa kuwarto na rin ako naghihintay. Ayoko namang tumawag ulit, ang OA ko na nun.

Naalimpungatan ako ng may marinig akpng pumasok. Maybe, si kuya na siguro. I checked the clock inside the room, di pa kasi nakaset sa Japan time ang phone ko. Alas dos na ng madaling araw? What? Agad akong lumabas at naabutn ko siyang umiinom nang tubig.

Where have you been, kuya? Alas dos na? Wala ka bang jetlag? Tanong ko. Nilagok naman muna niya ang tubig at nagtaas ng kamay na tila sumusuko.

Hinay lang sa mga tanong. Sabi ko nga, I met someone kanina. Yun, nagkayayaang uminom. Sabi lang nito at naglakad na papuntang kwarto niya na sinundan ko naman.

Uminom? Hanggang ganitong oras? And you don't looked like you're drunk. Yeah, you smells alcohol pero di ka mukhang lasing. Kung ganito ka katagal uminom, imposibleng di ka man lang tinamaan. Mahabang litanya ko. Oo, mataas alcohol tolerance namin. Lalo na sila, pero kung mahigit naman sa limang oras kaming umiinom, tatamaan naman kami kahit papano at susuray manlang sa paglalakad. Eh si kuya, mukha pa siyang matino at wala man lang bakas ng alak. Amoy alak pero di siya mukhang uminom.

Fuck You, Kuya!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon