Since I was little, my parents trained me how to act like them. Yes, we're rich. Sabi pa nga nila ang swerte ko daw kasi anak ako ng mayaman chuchu pero ako? Hindi naman sa inaayawan ko ang pamilya naming pero minsan naiisip ko, pano kung hindi na kami ganto? Eh di simple lang ang buhay namin.
Malaki ang expectations sakin ng pamilya ko. Naiintindihan ko naman dahil dalawa lang kami ng kapatid ko at ako lang naman ang aasahan nila Dad dahil si Kuya? Ayaw niya sa mundong ito. Magulo daw eh. Nakita ko kung pano nagalit nun si Dad kay Kuya kaya nung sinabihan niya ako na wala na akong magagawa, eh hindi na ako nag reklamo.
Mga Harrison kami eh. Hindi daw "basta basta". :3
"Hon, sorry about last night with your dad. Alam mo naman yun, always stressed about work."
Narealize ko nag space out nanaman pala ako. Buti nga nagsalita si mama. Kagabi kasi nasigawan ako ni Dad dahil bigla kong natalisod at natapunan ko siya ng juice. Specifically, natapunan ko din yung mga papel na hawak niya. I'm sure importante yun. Sorry naman. Tao lang.
"Ah. Okay lang yun ma. Naiintindihan ko naman si Dad. Laging may inaasikaso."
"Thanks for understanding hon. Babawi nalang kami sayo. Oh and goodluck pala sa first day of school mo. We are so proud of you."
Talagang ito si mama ang sweet. Siya lang ang nakakaintindi dito sa akin eh. Si dad, expect ng expect samantalang si mama parang siya yung inhaler ko. Kapag pagod na ako. Kaya nga mama ang tawag ko sakanya eh. Si Dad, Dad talaga tawag naming dun kasi siya yung BOSS. :3
"Speaking of which, mala-late napo ako. Bye ma. Love you."
Nag kiss ako ki mama sa cheek at lumabas na para sumakay sa kotse. Nag ring naman yung phone ko kaya agad kong tiningnan. Text lang pala. Galing ki Dad.
"Goodluck on your first day anak. We expect nothing less from you. Take care."
Di ba? Hindi nalang ako nag reply. Alam naman ni dad na laging "Yes Dad." Ang sagot ko sakanya. Alam na yun nun.
The whole ride to school was boring. Nag sound trip lang ako buong ride. Sigurado naman ako na ang school year na to ay magiging boring din. Mabuti nalang nandyan ang bestfriends ko. Sila talaga yung rason kung bakit pumapasok ako araw araw. Well, bukod sa grades of course. XD HAHAHA.
"AJ!!! Kanina ka pa naming hinihintay dito!"
LOL. Nag hihintay sila sa gate ng school para sakin? Aww. :">
"Ang hyper mo naman Carmi! Monday na Monday! Alam na ba ninyo kung anong class natin?"
"Bad news. Huhuhu. :( "
"Bakit?! " sabay sigaw naming ni Carmi kay Hej.
"Hindi tayo mag kaklase. I mean. Mag kaklase kami ni Carmi. Class 4-B. Pero ikaw Ace. Huhuhu. :( "
Shit. Hindi to dapat. Ineexpect ko pa naman na kaklase ko sila. Kaklase ko sila since Freshmen. Sila nalang nga ang rason kung bakit ako pumapasok tapos... Anyare?!
"Ano?! Fudge! Wag mo sabihin saking bumaba ako ng section! Magagalit si Dad. Ugh."
"Section? Eh kung yun ang pag uusapan. Class 4-A ka. J" Sabi ni Hej.
"AJ!!! Hindi na tayong tatlo magkaklase. Huhuhu L" malungkot na sabi ni Carmi
"Kaya nga! Ano bang nangyari at nagka ganun? Nakakainis naman! Ba't ganun? Eh tanda ko magkaka average lang naman tayo eh."
"Magkaka average? Hindi no! HAHAHA! Hindi kami ni Carms naka perform sa talent night nun kaya sigurado akong malaki yung nabawas nun sa grade naming. Yun panaman daw yung pinakamalaking project at requirement natin almost sa lahat ng subjects."
Ahh. Oo nga pala. Ako naka perform kasi inuna ko yung talent show kesa sa pinuntahan nilang concert ata. Niyaya pa nga nila ako eh kaso tinanggihan ko talaga dahil nanood ng show na yun sila Ma at Dad. Parang may na miss din nga ata ako nung gabing yun eh. May nangyari ata ki Hej pero ayaw niyang sabihin samin ni Carmi. Sasabihin niya daw pag tama na ang panahon.
Ewan ba. Pede naman sana sabihin na kaso siguro kailangan niya ng oras. Mukhang seryoso eh.
" Basta bestfriends parin tayo ha? Kahit anong mangyari. :) " - Carmi
"Syempre naman. Kayo lang yung dalawang taong close ko dito no."
"Uy. Mala-late na tayo sa first class natin. Ace, alis na kami ah. Punta kana din sa room mo. Nasa bulletin board sa may stage yung classrooms."- Hej
"Yup. May nag inform nalang samin nung room namin. Ang tao kasi eh. Di tuloy naming natanung yung sayo. Sorry Aj."-Carmi
"Okay lang. SIge na. Malate pa kayo dahil sakin. Naghintay pa naman kayo. Bye. :* "
Umalis na sila. Nakaka inggit naman na magkaklase sila. Buti pa yun. Sana sec B nalang ako pero I have to show my Dad that I'm responsible.
Dali dali naman akong pumunta dun at wow ha. Kanina ang daming tao ngayon mga 5 nalang. Eh kasi naman time na tas ako, nganga pa dito. Tiningnan ko na yung lista and yep I'm G-16. H eh. Tinitingnan ko pa yung mga pangalan ng mga babaeng makakaklase ko ng biglang--
"Acelynn Jaye Harrison." Napatigil ako nung may tumawag sakin mula sa likod. Pagharap ko... I don't know this guy. Magkakilala ba kami? :3
"Ahh. Ako?"
"May iba pa bang Acelynn Jaye Harrison dito?"
Aba aba. Ang arteng lalake. Makatawag naman ng full name ko parang close na kami. Agad agad?
"Excuse me lang ha. Pero I don't know you. So kung wala kanang sasabihin, I'll go now. I have to find my room pa."
Tumlikod na ako nang biglang hinatak niya ako mula sa likod at sinandal niya ako sa pader. What the?! Anong meron sa lalaking to. Ugh. :3
"Ano bang problema mo?!" napasigaw na ako. Kinakabahan na ako eh. Ba't lahat ng gwapong nakikita ko, masama ang ugali. Nu bayan.
"Wondering who I am? Class 4-A,"
Shems! 4-A?! Kaklase ko tong lalaking to?! Buysit.
"B-16."
Pakasabi niya nun, umalis na siya at nginitian lang ako na parang walang nagyari. The nerve of this boy! Pero teka... B-16? Wait lang. Hinanap ko ang pangalan niya sa lista.
B-16 Aidan James Lee
His name sounds familiar. Hmmm. Lee? I think kilala din siya sa business industry. Anak mayaman din? I know this. I just can't remember. Sa dinami dami ba naman ng kakilala ni Dad sa business industry, di ko na matandaan kung sino to. But, I know na kilala sila.
Tiningnan ko ulit yung list na parang dun ko hinahanap yung sagot kaso biglang--
"Ms. Harrison? Ba't ka pa nandito? The students are all in their respective rooms. Tunaw na yung list kakatitig mo jan! Go now."
Si Ma'am Ecleo. The school head. Yup. She knows me.
"Ahh-ehh... Yes Ma'am! Papasok na po. Goodbye Ma'am!"
Dali AJ! Takbo na papunta sa classroom niyo. Bahala na si Robin pag nadapa ka. Late ka naaaaaa!
Pero habang tumatakbo ako, nasa isip ko parin ung lalaking yun. Sino ba siya? Kung maka tawag, ang OA tsaka if my dad knows that there's a son of a big business tycoon here, he would have inform me para you know, alam ko kung sinong nasa paligid ko. Pero ba't ganun?
Great. First day of school at hindi ko kaklase ang dalawa kong bestfriend, nakita ako ni Ma'am Ecleo at may isang napaka OA at weirdong lalakeng kung umasta parang ewan
But for now, ang problema ko is that I'm 20 minutes late. And trust me, when my dad finds out about this, he's not gonna like it.
Nice starting off the first day of school AJ. :3 Galing mo talaga. =_=
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Teen FictionSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...