Chapter27 - Bati

54 9 0
                                    



"Good morning guys!"

Bumaba na si Sean kasama si Cedrick. Mukha yatang mag ka-vibes na 'tong dalawa.

Kaming dalawa ni Carmi, tumutulong kina Manang para gumawa ng breakfast.

"Waaaaa! Mukhang masarap yung niluluto niyo ah!"

"Talaga. Marunong din naman kaya kami ni AJ mag luto. Pasalamat kayo, good mood na ako. Kung hindi nako! Lagot pa din 'tong pinsan ko sakin."

"Sorry na nga. Di na mauulit promise. Asan na pala si Aidan?"

Tumingin sila Sean at Cedrick sa paligid. Di pa bumababa si Aidan eh. Ako yung pinaka unang nagising kaya alam kong wala pa si Aidan. Gulat na gulat sina Manang kasi ang aga ko daw magising, buti daw nakaya ko kahit konting tulog lang.

Pero ako yata yung nagulat kasi pag gising ko, katabi ko na si Carmi sa kwarto niya. Si Sean nasa sahig na tas si Cedrick nasa sofa. Naalala ko kagabi magkatabi yung dalawa sa sofa eh. Mukhang magalaw yata si Cedrick matulog. Hahahaha.

Sabi sakin ni Carmi naramdaman niya na lang daw na may gumagalaw sa katabi niya. Pag tingin niya, nandun na daw ako.

"Nasa taas pa ata, gisingin ko na. Ganun talaga yun. Saglit lang."

Tumakbo na pataas si Cedrick habang natira kami sa baba nila Carmi.

"Kamusta naman yung pag-uusap niyo ni Aidan kagabi AJ? Okay na ba siya?"

Ngumiti lang ako ng kaunti kay Carmi.

"Sorry talaga Acelynn. Kaninang umaga nakasabay ko yun si Aidan dito sa baba, iinom kasi ako ng tubig tapos umiinom din pala siya. Kaya yun, nag sorry na din ako."

"Ano sabi ni Aidan?"

Tanong ni Carmi.

"Ngumiti lang siya eh. Tas umakyat na uli ako sa taas kasi puyat pa din ako. Kaya feeling ko okay na din?"

"Hay nako. Kasi naman ikaw Kuya. Wag mo na yung uulitin."

"Oo na. Oo na. Sorry na nga eh. Ay pala, naalala ko, may cosplay presentation daw sainyo? Ano yun?"

"Ah. Oo malapit na. Magaling kaya mag cosplay 'tong si AJ. Diba?"

Sabay siko sakin ni Carmi. Hindi ko alam pero marami na ang nagsasabi sakin na bagay daw ako mag cosplay. Nung elementary kasi parang nag dress up kami ng paborito naming character tas ako naman gustong gusto ko talaga si Card Captor Sakura kaya yun.

Ang cute ko daw. Ipagpatuloy ko daw yung pag cosplay. Kaso yun yung first and akala ko magiging last kong cosplay dahil naging busy na din ako sa pag-aaral pero eto kami ngayon, kailangan mag cosplay para sa grade.

"Di naman. Isang beses pa lang kaya ako nag cosplay. Tapos na ba pala kayo sa costumes niyo Carmi?"

"Di pa. Peron naka order na kami ni Ced. Ipapadala na lang dito. Hinihintay na lang namin."

WAAAAAA?! OMG. Ced? Cedrick? Mag ka partner si bestfriend at si crush niya?

"Magka-partner kayo ni Cedrick? Oo? Oo?"

"Uy teka teka, ba't parang kilig na kilig ka naman Acelynn na magka-partner 'tong pinsan ko at si Cedrick?"

"Wala Kuya. May sayad talaga yan si AJ. Oo po AJ, magka-partner kami ni Cedrick. Eh sa Lecorp ako at Maceda siya."

Tinitingnan ako ni Carmi na parang AJ tumigil ka pero alam niya naman na hindi ko mapipigilan.

"WAAAAA. Yay! Ang saya naman."

You're My Sudden MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon