"Shortcakeee!"
Naglalakad ako sa corridor nang may narinig akong sumigaw mula sa likod. Obviously si Aidan nanaman yun. Nakikinig ako sa music pero medyo mahina lang yung volume kaya rinig ko parin yung mga ingay sa paligid. Lalo naman kung pag may sumigaw. Gaya ngayon.
Di ko siya masyadong nakikita these past 2 weeks. Di ko alam kung anong kinabu-busyhan niya. Di pa nga kami nag uusap tungkol sa gagawin naming cosplay. Bahala na. Kung hindi siya, mag aasikaso, edi makikipag fuse nalang ako sa iba.
Pffft. Panliligaw daw. Eh wala naman pala :3 (>.<)
Patuloy pa rin ako sa paglalakad kasi lunch break na at uuwi ako.
"Shortcake, kanina pa kita tinatawag pero di mo ko naririnig. Tanggalin mo nga yan na headphones mo."
Ang bilis niya talaga tumakbo. Naabutan niya agad ako. Siya ang nagtanggal ng headphones ko.
"Ano?"
"Uyy. Galit ka? May sasabihin ako sayo. Good news. :] "
"Ano?"
"Sorry di mo ko laging nakikita these past few days eh kasi practice lang kami ng practice for soccer..."
"H-ha? Eh akala ko basketball ka? Soccer naman ngayon?"
"Kasi nilipat ako ni Coach Breis sa soccer kasi magaling din naman daw ako dun at marami ng player sa basketball. Kulang nun sa soccer kaya dun ako nilipat."
Kaya pala lagi siyang wala eh kasi busy sa pag practice. Pero as much as I hate to think about this, dapat may oras pa rin siya sa..... sa..... sa academics! Pano na yung mga projects namin kung lagi siyang wala?
"Ahhh. Congrats. Yan na ba yung good news mo?"
"Ano? Ahh. Oo din siguro? HAHAHAH Ewan."
"Pssh. Magsasabi na may good news tas di alam kung ano? Okay ka lang?"
"Eto na! Naalala ko na! Walang formal classes mamayang hapon kas—-"
"YES!! Pwedeng di na pumasok! WOOOH!"
"Te-teka! Pumasok ka mamaya!"
"H-hah bakit?!"
Kinamot niya yung ulo niya bago magsalita. Para ngang namumula yung pisngi niya eh. Ano nanaman kaya to?
"Kasi... Ano... May laro kami mamaya sa soccer. Kalaban namin yung Arcana. Gusto ko, manood ka."
"Ano? Ehh... Kaya mo yan! Nakakabagot kaya manood ng sports. :3 "
"Grabe ka naman shortcake! Manood ka mamaya! Hahanapin kita bago ang game namin. Halos lahat nga manunuod tas ikaw hindi?"
"Pero baka kai—-"
"Ah basta. Manood ka mamaya kundi lagot ka sakin! HAHAHAHA. BYEEEEE."
At tumakbo na siya palayo sakin. Mokong talaga tong lalaking to oh. Pero hindi ko pa rin sigurado kung makaka attend ako mamaya kasi baka kailangan ako nila Dad. These past days kasi, nakikita ko na parang mas lalong tumaas ang stress level ni Dad.
Wala pa naman sila sa aking sinasabi pero I'm sure when the time comes na may sasabihin sila sakin, magugulat nalang ako.
"Oh Carms? Okay kana ba."
Habang naglalakad ako, nakita ko nalang na katabi ko na si Carmi. Kumusta na kaya siya? Di din kami nakakapag usap kasi ang daming ginagawa eh.
"Hej. Tabi nalang tayo mamaya nila Cedrick sa soccer game. Support natin si Aidan labs mo. ;) "
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Ficção AdolescenteSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...