Chapter26 - Sorry

42 9 0
                                    


*tok tok*

Kumatok ako.

Walang sumagot.

*tok tok*

Kumatok ulit ako.

Wala ulit na sumagot.

Pinihit ko yung door knob.

Bukas pala.

Siguro nagtatampo si Aidan kahit na dapat siyang magalit sa akin, hindi niya pa rin sinara ang pinto. Siguro alam niya din na susundan ko siya o may susunod sa kanya o kailangan niya lang talaga ng kausap.

Nakaupo siya sa kama pero nakatalikod sa pinto. Kahit medyo malayo yung pinto sa kinauupuan niya, ramdam ko na huminga siya ng malalim. Alam niya. Alam niya na ako ang pumasok sa kwarto.

Tatabi sana ako sa kanya sa kabilang parte ng higaan pero naupo din ako sa kabaliktarang parte nito kaya ngayon, naka-talikod kami sa isa't-isa habang naka upo.

Wala kaming imik. Yung katahimikan na nakakabingi? Ito yun.

"Sorry. Alam ko nag alala kayo."

Ako yung unang nag salita. Alam ko naman na ako talaga yung mali eh. Kasalanan ko din na nagpadala ako. Gabing gabi na, talagang mag aalala sila sa amin.

"Sorry nabasa kayo. Sorry naghanap kayo. Sorry dahil wala kaming sinabi bago umalis. Sorry kung na-dissapoint kayo samin. Sorry..."

Hindi pa din siya nagsasalita. Kahit konting imik, wala. Medyo basa pa rin siya at ngayon, tumingin ako sa likod ko, tumingin ako sa kanya habang nakatalikod at nakaupo pa din kagaya ng posisyong dinatnan ko siya.

Pareho kaming basa.

Medyo nababasa na yung higaan dahil sa akin at ki Aidan kaya kinuha ko naman yung tuwalya na nasa may lamesa malapit sa higaan.

Nilagay ko yun sa kanya mula sa likod. Alam kong ayaw niya akong makaharap.

Kahit basa ako hindi ko alam kung bakit hindi ako nilalamig. Isa lang yung tuwalya kaya alam kong mas kailangan niya yun.

Nakakainis naman talaga eh. Kung ako din nun ang gagawan na aalis na walang paalam tas pinaghanap pa ako habang uulan, talaga lang na magagalit din ako. Kaya naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko sila.

Bumalik ulit kami sa katahimikan at sa ngayon, hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang may tumulong luha sa mata ko. Dahil ba to sa basang basa din ako ng ulan?

Hindi. Luha nga. Pinunasan ko yung luha gamit ang kamay ko at patuloy pa din ito sa pag bagsak.

Siguro kasi, nararamdaman ko ngayon yung sakit naman na hindi ako kausapin ni Aidan. Yung galit siya sakin dahil may kasalanan ako.

Yung siya naman ngayon yung nag tatampo.

Ayokong makitang umiiyak ako ni Aidan.

Ako yung may kasalanan tas ako yung umiiyak? Mali naman ata yun. Ayoko na dagdagan ang disappointment ko sa kanya.

Siguro ayaw niya munang makipag-usap. Baka mas lalo siyang mainis sa akin at sa mga rason ko. Baka lalong hindi niya ako kausapin. Itong luha ko? Baka patuloy pa rin na tumulo.

Tumayo akong naka-talikod sa kanya pero hindi pa ako nag lalakad papuntang pinto. Hayaan ko na muna siya. Mukhang kailangan niya ata mapag-isa. Ayaw niyang mag salita eh.

Pinunasan ko yung luha ko na kaka-bagsak pa lang sa mata ko.

"Ahh... Sa baba lang ako kung gusto mo na ng kausap... K-kunan na din kita ng mainit na maiinom..."

Nag simula na akong mag lakad palayo.

"Mabuti na lang okay ka."

Napatigil ako sa pag lalakad ng biglang mag salita si Aidan.

Humarap ako sa kanya kahit nakaupo pa rin siyang nakatalikod.

"Aidan, sorry na."

"Buti na lang walang nangyari sayo."

Pagka-sabi niya nun, nag lakad siya papunta sa 'kin. Pero nakatingin yung mga mata niya sa baba.

"Alam kong nag alala kayo ng sobra, sorry na. Hindi namin intension na magalit kayo. Akala ko kasi tinext---"

"Mas kailangan mo yan..."

Nagulat ako ng bigla niyang tinanggal yung tuwalya na nilagay sa sa kanya at saka niya nilagay sa 'kin. Dahil kaharap ko na siya, nakikita ko na yung mukha niya.

Medyo mapula yung mga mata niya. Pati yung matangos niyang ilong, medyo mapula din.

Acelynn, ano 'tong ginawa mo?

"Sige na, mas kailangan mo pa yan. Aasikasuhin ko na sarili ko."

Naka-ngiti pa niya akong kinakausap kahit na kita ko sa mata niya yung tampo.

"Sure ka---"

Kaagad siyang pumasok sa banyo ng kwarto at sinara yung pinto.

Hindi ko na alam gagawin ko. Ano ba kasi 'tong pinasok mo Acelynn.

Dahan dahan 'kong sinara yung pinto ng kwarto at bumaba. Naabutan ko sa baba ang bagong bihis na sila Carmi, Cedrick at Sean.

"Anong nangyari Acelynn?"

Tanong sakin ni Cedrick. Alalang alala yung mukha niya eh.

"Naku, sa mukha palang na yan ni AJ masasabi ko na nagtampo ng big time si Aidan."

"Sorry talaga Acelynn, ako yung talagang may kasalanan. Carmi, Cedrick wag niyo sisihin si Acelynn. Ako yung nag yaya sa kanya."

"Sige na Acelynn, magkasakit ka naman uli niyan eh. Maligo ka na din."

Sabi sakin ni Cedrick. Yun naman ginawa 'ko.

Ang tagal ko sa banyo. Grabe. Andami ko kasing inisip habang naliligo ako.

Pagkalabas ko bukas pa din ang mga ilaw pero wala na sila Carmi. Kaya naman pumunta ako sa taas dahil sabi ni Manang nasa taas na daw sila. May mga dala siyang tuwalya at bed sheets.

Tama nga ako. Tulog na si Carmi sa higaan. Habang sila Sean at Cedrick naman nasa sofa. Hahaha. Kawawa naman yung dalawa. Nakakatawa talaga silang tatlo kahit ngayon palang nag sama-sama. Halatang pagod at antok na sila base sa mga nakakatawa nilang posisyon.

Si Aidan.

Pumunta ako sa pinto ng kwarto ni Aidan. Akala ko sirado yung door knob pero naka-bukas pala.

Pagpasok ko sa kwarto naabutan ko ang nakatalikod na si Aidan na nakahiga na sa higaan. Nakatalikod pa din ang puwesto niya. Bagong palit yung bed sheets.

Tulog na ata si Aidan. Isang lamp na lang ang naka bukas eh. May space pa sa katabi niya since malaki yung higaan kaya naman naupo ako dun na nakatalikod sa kanya. Tiningnan ko siya, ang himbing ng tulog. Kahit sa konting liwanag ng ilaw, kita ko pa rin ang mukha niya.

"Sorry talaga Aidan."

Napahikab ako paka sabi ko nun. Inaantok na din ako

Humiga ako sa katabi ni Aidan ng dahan dahan nakaharap ako sa kanya sabay sabing

"Salamat sa pagmamahal Aidan."

Pakatapos nun tumalikod na ako sa kanya sabay lagay ng kumot. Inaantok ta talaga ako ng sobra. Napahikab uli ako at may tulong luha sa mata ko. Umaga na. Kailangan ko na ng tulog baka di pa ako tumangkad niyan eh. Sa sobrang antok na talaga 'to.

Maya-maya nakaramdam ako na may yumakap sakin.

"Wag mo na ako ulit iiwan shortcake ah. Di mo lang alam kung gano ka na sakin kahalaga."

Ayaw na dumilat ng mata ko. Si Aidan ba yun o guni guni ko lang?

You're My Sudden MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon