"Shortcake walang bawian ah."
Kausap ko ngayon si Aidan sa telepono kahit gabing-gabi na. Nagulat ako ng tiningnan ko kung ilang oras na kami nag-uusap, humigit ng isang oras. Ganto ba kapag gusto ka din ng taong gusto mo?
Kung ano ano yung pinag-usapan namin ni Aidan, mula school hanggang makarating sa kung ano-anong random na bagay.
Napangiti na lang ako.
"Uy napangiti ko siya."
Nagulat ako ng bigla ulit siyang nag salita. Nakikita niya ba ako ngayon?
"P-pano mo---"
"Hula ko lang. Napangiti din kasi ako habang ikaw yung nasa isip ko. Sabi nila kung sino daw nasa isip mo, nasa isip ka din ng taong yun eh."
"Naniniwala ka talaga diyan Mr. Lee?"
"Opo Ms. Harrison. Naniniwala po ako."
Rinig ko naman ang mahinang pag tawa niya sa kabilang linya.
"Acelynn, wag ka mag alala, nandito lang talaga ako. Wag mo 'kong ipagpalit diyan sa Kyze---Kael---"
"Kyle."
Sabi ko sa kanya. Mali mali kasi eh. Hahaha.
"Tama. Kyle nga. Di ko talaga makakalimutan nung isang araw na di tayo nagkasabay pag uwi dahil inunahan ako niyan. Nako talaga, pasalamat siya mag kaibigan lang talaga kayo. Kahit na nasa mutual understanding stage pa lang tayo, hindi ako papayag na may mag pabago ng isip mo para sagutin mo na ako sa tamang panahon---"
"Naku Mr. Lee. Mukhang nawawala wala na ang signal mo."
Pagpuputol ko sa mga sinasabi niya. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nasa mutual understanding stage na kami. Isa sa mga stages kung saan wala kang karapatan mag selos o magalit pero mukhang hindi yun gets ni Aidan.
Sabi ko itatago ko lang sa sarili ko ang nararamdaman ko pero kapag puso na pala ang nag dikta, wala kang magagawa.
"Sige na nga, pagbibigyan kita, maaga pa naman tayo bukas. Tsaka may meeting daw eh. Goodnight shortcake. Mag ingat yang mokong na Kyle na yan sakin ah!"
"Goodnight Mr. Lee."
Binaba ko na yung telepono bago pa siya may sabihing iba. Hindi siya maka-move on dun noong isang araw na sabay kami ni Kyle umuwi. Isang linggo pa lang dito si Kyle pero naging isa na siya sa mga heartthrob ng school. Kaya siguro nai-intimidate din si Aidan. Kaklase nila Cedrick si Kyle.
Buti na lang kahit hindi ko kaklase si Kyle, kaklase niya naman si Carmi kaya may nakaka-usap siya.
Ang dami pang pumapasok sa isip ko pero unti-unti ng sumisira yung mga mata ko dahil sa sobrang pagod ko na din ngayong week.
Maaga akong pumasok sa school. Nalala ko, madami kasi akong aasikasuhin. Sana naman maganda ang magiging takbo ng araw ngayon.
Si Tita Cath, she seems to be handling the business well. Tuwang tuwa naman si mama na kaya ni Tita kaya medyo busy siya. Mas rumami kasi buyers eh since model si Tita sa ibang bansa, naging plus factor din yun.
Si Kuya naman sinusulit panahon niya dito. Punta ng punta kung saan.
"Acelynn, pinapatawag ka ni Sir Martinez."
Sabi sakin ni Kate. Kaklase ko siya since freshman kami pero hindi ko alam kung bakit hindi kami naging close.
"Ahh okay. Punta na lang ako sa office niya. Salamat."
Kinakabahan ako sa kung ano ang sasabihin ni Sir. Naalala ko muse ako, escort si Cedrick. Siguro may gagawin na kami finally. Tapos na yung cosplay eh. Sunod sunod na naman niyan yung mga activities sa school.
Nang makarating ako sa office ni Sir, nakabukas lang yung pinto pero walang ilaw.
Dahil nakabukas yung pinto, pumasok na din ako sa loob.
Ang diliiim. Wala kasing bintana eh, pinto lang. Air-conditioned kasi. Gumagana pa din naman yung aircon, wala lang talagang ilaw.
"SHORTCAKE!"
Talaga si Aidan, hindi nawawalan ng enerhiya. Siguro kanina pa 'to nagtatago sa likod ng pinto para mang gulat. Pawis na pawis na eh.
"Ba't ka andito?"
"I'm here too. Hi muse!"
Lumingon naman ako sa kanan ko at nakikita ko yung mukha ni Cedrick dahil sa pina-ilaw niya yung cellphone niya.
"Hi Cedrick! Bakit walang ilaw---"
"WOW! Kay Cedrick nag hi tapos sakin nagtanong pa kung bakit ako nandito. Okay lang ako shortcake, hangin lang ako. Sige. Grabeng pawis ko sa kaka-antay sayo oh!"
"Ay sorry naman. Hi po President Aidan James Lee! Hindi ko naman po sinabi na antayin niyo ako. Magpunas ka na po at grabe na ang pawis mo."
Ngiting ngiti naman.
"Yes shortcake. Alam kong concerned ka pero wag ka mag alala, kahit pinapawis ako, hindi pa rin mawawala 'tong kagwapuhan ko."
Tiningnan ko lang siya ng poker face at bigla naman akong humarap ki Cedrick. Mas maayos na kausap si Cedrick eh. Si Aidan puros hangin. Malamig na nga galing sa aircon, hindi ko na kailangan ng hangin.
"Nasira daw yung lights dito, umalis madali si sir para kunin yung mag-aayos since wala ka pa. Pero pabalik na din yun."
"May gagawin na daw tayo?"
Hindi lang pala sila yung tao sa kwarto kundi yung buong officers ng SSG. Si Aidan at si Cedrick lang ang maingay. Aish, nakakahiya pala yung entrance ko.
"Siguro, maraming usap-usapan na parang may camp daw pagkatapos ng cosplay. Hindi ko lang alam sabi tayo daw na officers may pupuntahan. Ewan ko pero hindi pa confirmed---"
"It's confirmed Mr. Maceda."
Bigla ng pumasok si Sir at may kasama siyang handyman.
"Excuse Mr. Rosales, aayusin niya lang yung ilaw. Pasensiya na."
Naupo na si Aidan dun sa sofa sa harap ng table ni Sir. Katabi si Cedrick at ako. Halata naman na sinadya niyang maupo sa gitna para hindi kami magkatabi ni Cedrick eh. Ba't ba ang tahimik ng ibang officers? Nakaupo lang din sila.
Ngiting ngiti siya na nauna siyang maupo sa sofa para mauna sa gitna. Napaka-gentleman talaga ni Aidan.
"So, as you all know, kayong lahat ay may pwesto sa SSG ng school natin . Si Aidan bilang President and so on."
Tumango tango naman kami. Naalala ko, President pala si Aidan. Kung magiging busy kami ni Cedrick dahil sa representative din kami ng school, I'm sure mas marami ang gagawin ni Aidan.
"Ngayon, dahil natapos na yung pinaka-hihintay niyong cosplay, na isa sa mga malalaking events sa school, we can proceed to our next big activity. Dahil we're going to camp in Arcana."
Nanlaki yung mga mata ng mga officers at lalo na ang mga mata ko. Sa Arcana gaganapin yung camp? Anong meron?
"We and the heads have talked and we want to end the feud between WEST Wing and Arcana. Both of our schools want to have a good image. Ayaw namin na pag narinig ng iba ang pangalan ng mga schools natin, ang agad na maiisip nila ay ang competition. Since pinapangalagaan natin ang pangalan ng school natin at maraming maninira sa parehong school and I hope you're not one of them."
Tumingin ako sa reaksyon ng mga officers at iba-iba ang nakita ko sa kanila. Teka, wala si Hej? Wala ang vice president?
"Ms. Harrison."
Agad akong napatingin ki Sir.
"Are you listening? It seems like you're looking for someone."
Bago ako sumagot, nag salita ulit si Sir.
"Oh you must all be wondering bakit incomplete tayo ngayon. Well Ms. Lav, is no longer your Vice president."
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Teen FictionSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...