Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na si Hej mismo ang nagsabing gusto niya mag quit sa SSG.Simula pa kasi noon, alam kong gusto niya talagang makapasok dito pero siguro dahil gusto niya din maka-iwas sa gulo, mas pinili niya na lang na bitawan 'to kahit na mahalaga sa kanya.
For now, ang acting Vice President ay si Secretary. Wala naman si sir na narinig na kahit anong negative comment tungkol sa mga pagbabago since pasunod-sunod na ang activities at responsibilidad na gagampanan namin. I don't know what the deal is with Arcana pero gaya ng sabi ni Sir, parehos inaalagaan ng schools ang kani-kanilang pangalan.
Nothing bad about that right?
Pumasok na kami sa normal naming mga klase at si Aidan mukhang naapektuhan sa pag quit ni Hej. Mukha kasing nagulat siya ng sabihin ni Sir na may alam siya kung bakit umalis ang Vice President. Siguro sinisisi niya sarili niya ngayon dahil sa nangyari. Mukhang ayaw niya nga ng kausap eh. Ngumi-ngiti ngiti siya sa akin every now and then pero kahit hindi niya sabihin, alam kong may bumabagabag sa isip niya.
"Aidan?"
Bigla naman siya sa aking napatingin. Nagsisilabasan na kasi yung mga kaklase namin sa room pero siya ang layo pa rin ng tingin.
"Ah. Uwian na pala. Tara na?"
Pagyayaya niya sakin at sumama naman ako. Nag lalakad kami ni Aidan ng bigla siyang mag salita.
"Acelynn, ako ba may kasalanan kung bakit umalis si Hej?"
Sabi na nga ba.
"Sabi ni Sir, it was her decision and even him can't do anything about it. If you did nothing wrong and only told the truth, wala kang kasalanan. Her actions are out of your control."
Bigla naman siyang napatigil sa paglalakad at tumingin sa akin na para bang may sinabi akong milagro.
"You believe in me?"
That's an odd question but I answered him with a nod.
"Completely."
Lumiwanag yung mukha niya na parang yun lang yung mga salitang kailangan niya. Sa sobrang tuwa niya, nakayakap na siya sa akin. Hindi na ako nagugulat sa mga aksyong ganto ni Aidan. He's always been sweet. Niyakap ko din siya pabalik sabay sabing-
"You're doing a great job Mr. President..."
Ramdam ko ang pag ngiti niya.
"Of making me happy."
Pabulong kong sabi at mukhang hindi niya yun narinig. He really does make me happy.
"Aidan? Lee?"
Natanggal ang pagkakayakap sakin ni Aidan ng may babaeng nag tanong nun. Nakakatawa nga siya dahil namumula yung mukha niya. Mukhang nahihiya dahil naabutan kaming magkayakap.
"Umm. Yes?"
Mukhang na weirduhan naman yung babae kung bakit namumula si Aidan. She's a year lower than us.
"Pinapatawag ka ni Mr. Martinez. Sa office niya na lang daw."
Nagtinginan naman kami ni Aidan. Aish, madami pa naman akong gagawin na school related works.
"Sige na, mauna na lang ako umuwi. Don't worry."
Nakangiting sabi ko sa kanya at mukhang kuha niya na ang ibig kong sabihin.
"Mag ingat shortcake ah. Text kaagad pag nasa bahay na. Sige."
Sabay alis nila nung babae papunta sa office ni sir.
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Ficção AdolescenteSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...