Umuulan.
Wala kaming payong.
Lagot talaga.
"Seaaannn! Umuulan. Ang lakas oh. Kanina, maayos naman yung panahon eh. Waaa. Pano tayo makakauwi nito? Mukhang matagal pa naman!"
"Wag ka mag-alala Acelynn. Dala ko wallet ko, pwede tayo mag taxi pauwi."
"Pano yung motor mo?"
"Ipapakuha ko nalang yan bukas sa driver nila Carmi. Hindi naman siguro yan mananakaw kasi may guard naman dito sa may pinto ng 7 eleven eh, kita naman."
"Siguro ka? Syempre malay ba nung guard kung sa magnanakaw yung motor oh hindi. Wala naman yang alam kung sino talaga may ari eh."
"Oks lang yan. Tingan mo may pang taxi--- aish."
"Aish? Anong aish? Good aish or bad aish? Seaaannn?"
"Hehe. Sakto lang palang pam-pagkain yung pera ko eh, di ako nagdala ng marami kasi di naman tayo nagbayad para sa pamasahe, kala ko di uulan. Hehe."
Sabay kamot pa nung ulo niya.
"Waaaah. Pano tayo makaka-uwi niyan? Sige, hintayin nalang natin bago tumila yung ulan. Titila din 'to tiwala lang."
1:05
1:34
1:50
"WAAAAAAAAAAAAA. May bagyo ba? Di 'ko alam."
"Ang lakas pa rin nga Acelynn eh, parang di titila?"
Hanggang ngayon nasa 7 eleven pa din kami. Nagtitinginan nalang kami ng mga taong na trap din dun dahil sa ulan. Yung mga magba-barkada nga, hanggang ngayon nandito pa din eh. Waaa. 2 am naaa!
"Wag na. Uwi na kung uuwi. Tara."
"A-ano? Acelynn seryoso ka? Magpapaulan tayo?"
"Oo na. Maligo nalang kaagad pagdating kila Carmi para di tayo magkalagnat. Basta, kailangan na nating umuwi kaysa ma trap tayo dito mag damag, baka mamaya tumawag lang bigla sila Dad, lagot ako."
"Sigurado ka? Delikado sa daan pag ganto ang ulan."
Hindi ko na sinagot si Sean. Agad ko nalang sinuot yung helmet at jacket na gamit ko kanina pag punta namin dito. Buti nalang pwedeng pang ulan na din 'tong jacket na suot-suot ko.
"Buti nalang ilang beses na din akong nakapag-drive ng ganito kalakas ang ulan. Haays. Basta kumapit ka ng maiigi Acelynn ah? Ayokong may masamang mangyari sayo habang ako yung kasama mo."
"Tara."
Sumakay na ako at talagang maigi ang pakahawak ko ki Sean. Ayoko din mahulog eh! 15 minutes na kaming nasa daan dahil na din sa traffic. Pag maulan nga, ma-traffic pero mabuti na 'to kaysa naman mag-uumaga na kami dun.
Mga 2:34 am kami ni Sean nakadating sa bahay nila Carmi. Medyo tumila na yung ulan nung dumating kami.
"Wooh. Buti nga nakaya natin Acelynn. Lakas ng loob mo ah."
"Kaysa naman dun lang tayo hanggang umaga."
"Naka-dalawang burger ka kasi eh, kaya natagalan tayo. Hahahaha!"
"Uy. Ikaw nga 'tong ang bagal kumain. Naunahan pa kita eh!"
"Wag ka na magpaliwanag. Alam ko naman na busog ka. Hahaha. Next time uli."
"San ba dito yung switch ng---"
At pagbukas ko ng ilaw ayun, tumambad sakin sina Aidan, Carmi, Cedrick at si Manang na katulong nila Carmi. Sila Aidan at Cedrick nakupo habang sila Manang naman nakatayo. Basang basa din silang apat kagaya namin kaya si Manang agad kaming binigyan ng tuwalya. Habang sila Carmi, hawak hawak lang yung tuwalya, pero nakatingin samin na para kaming huli sa aktong akyat bahay gang.
KYAAAAH! Nakakatakot mga mukha nila.
Hindi ako nakakapag-salita kahit anong gusto ko. Parang may pumipigil sakin...
Konsensiya? Oo, tama. Yun ang nararamdaman ko ngayon dahil ni hindi kami nag paalam nung umalis kami. Talagang mag aalala naman sila. Kahit pa nag text na si Sean, bilang kaibigan ko sila at kasama ko ang isang tao na kahit pinsan ng bestfriend ko ay ngayon ko palang nakilala, I'm sure na - disappoint talaga sila, lalo na sakin.
Naalala ko nun nung camping namin nila Carmi at Hej nung freshmen kami, umalis silang dalawa ng walang paalam bago kami kumain ng dinner sa school dahil may binili sila sa labas at hindi nila ako nayaya kasi nasa iba akong team. Grabeng pag aalala ko din nun dahil nag che-check ng attendance yung mga leaders tas wala sila. Akala ko kung ano na, okay naman pala.
Siguro ito din yung nararamdaman nila ngayon.
Bubuksan ko na sana yung bibig ko nang biglang magsalita si Sean.
"Nag text ako sayo diba Carmi?"
Tumingin bigla si Carmi kay Sean at bigla siyang sinagot
"Ano ka ba kuya. Ang text mo sakin eto ah, basahin ko para alam niyo..."
Ibinigay ni Manang kay Carmi yung cellphone niya, si Carmi naman, binuksan agad ito. Grabeng diin niya dun sa cellphone niya. Aish.
"Eto ang text mo ah. Basahin ko as it is. "Magkasama kami ni Acelynn. Okay lang kami. We're just around the block. Uuwi din kaagad. Bye." "
Halatang halata ko na pikon na si Carmi.
"Eto ba ang tamang text? Kuya naman. Akala namin andito lang kayo within the perimeter ng subdivision. Lumabas pala kayo eh! Gabing gabi na! Alam mo ba kung gano na kadelekado ngayong panahon? Lalo na kayo! You both belong to a well known family. Pano kung may nangyari sainyo?!"
"Carmi kasalanan ko---"
"Kasalanan mo talaga! Mas matanda ka, kung ano-ano lang pumapasok sa isip mo. Hindi niyo ba alam na grabe yung pag-aalala namin?! Etong si Aidan nung nalaman na nawala kayo, agad agad lumabas para maghanap kaya naman sumama na kami. Inabutan pa nga kami ng ulan eh! Lahat tayo magkakasakit nito."
"Carmi tama na---"
"Ilang beses kitang tinext na umuwi na kayo ni AJ pero ni period wala ka man lang ma send! Alam kong naiwan ni AJ cellphone niya kaya di na ako nag text sa kanya! Triny kitang tawagan kaso unavailable daw number mo!"
Tumingin naman ako bigla ki Sean.
Kaya naman pala eh! Akala ko naman tinext niya kung nasa 7 eleven talaga kami. Pero hindi pala. Tamad mag text 'to.
"Ah kasi ganto---"
Ikwe-kwento ko palang kung anong nangyari sa 7 eleven nang biglang tumayo si Aidan at pumasok sa loob.
Galit siya.
Gulat ang mukha nila Carmi. Susunod na sana si Cedrick kaso pinigilan siya ni Carmi sabay tingin sakin. Yung tingin na 'sundan mo na'.
Yun naman ginawa ko.
Oo. Ako na yung may kasalan. Kaya pala sila basang-basa dahil pinaghahanap kami. Aish. Hindi ko alam. Kailangan kong mag sorry. Kailangan kong mag sorry sa kanilang lahat.
Nakita kong pumasok si Aidan kung saan sila natutulog ni Cedrick.
Nag uusap-usap pa sila Carmi sa labas. SIguradong pinapagalitan pa nun si Sean. May kasalanan din nga ako eh. Kawawa naman dun si Sean, nag iisang pinapagalitan. Kaya niya yun.
Sa ngayon, mas kailangan ako ni Aidan.
BINABASA MO ANG
You're My Sudden Metanoia
Ficção AdolescenteSa mundong 'to na walang kasiguraduhan, it's either ikaw ang magiging rason kung bakit may mangyayaring di inaasahan sa isang tao, o ikaw ang taong haharap sa di mo inaasahang mangyari. Pero pano kung nasa gitna ka ng dalawang sitwasyon na 'to? Love...